Ipilit ko man ang sariling maging masaya hindi ko magawa. Unti unti ako kinakain ng aking sistema. Unti-unti aki pinang hihinaaan ng loob. Simula ng matulog ako at nagising.. unti unti ako nawawalan ng lakas.
Bumangon ako upang tignan ang labas, makulimlim ang paligid. Napapansin kong parati nalang itong ganito, hindi manlang nabigyan ng pagkakataon na unaraw. 365 days, simula ng nagising ako at itong mundong ito ang aking namulatan. Nawala ang aking mga magulang, at hindi ko alam kung buhay ang isa sa kanila. I should help them, but how? Ni hindi ko rin magawang tulungan ang sarili ko. Bumalik ako sa maliit na sala, na ako rin ang gumawa. Mabuti nalang sa bahay na nakita ko, may basement sa ibaba ng lupa. Kung saan para na itong maliit na bahay. May banyo at hapagkainan.
Tulad ng nakasanayan, lumabas ako at ihanda ang sarili. Kinuha ko ang baril na kakaiba, malakas ito at napatunayan ko na 'yon. Nag dala ako ng dalawang bag pack, malaki. Sinuot ko ang cap at hinanda ang sariling lumabas, ngunit napatigil ako ng may mga kakaibang ilaw na naman sa taas, shit. Nag tago muli ako upang hindi makita.
Twing ganitong makulimlim lumalabas sila madalas, pero madalas din naman wala ang mga pangit na 'to. Napatunayan ko na kung gaano rin sila kalakas, may kapangyarihan ang bawat isa sa kanila. Pero gaya ng sabi ko, twing gabi rin ako lumalabas upang kumuha ng pagkain sa mga iba't ibang bahay.. kung hindi man sa malapit na grocerry ako kumukuha. Kaya lang hindi ako dumederetso roon dahil may mga tumatambay na kalaban roon.
Tumakbo ako at sinipat ang bawat paligid. Nakuha ko agad ang mga pagkain sa refrigerator ng mga tao.
Mabilis akong nakabalik at agad na sinarado ang pinto.
Kakaibang tunog na naman ang narinig ko sa labas. Parang mga sundalo sila na sabay sabay sa pag lalakad. Pero hindi dapat sila maliitin, may mga baril sila at pag binaril ka ng kanilang baril, para ka lang bula na agad nawawala.
Nag sasalita sila ng ibang lenggwahe. Hindi mo malaman kung ano.
Inayos ko ang kinuhang pagkain at nag paapoy. Ganito palagi, ganito aras araw ang nangyayari.
Pagising ko galing hospital, naging ganito na ang mundo. Sinakop na ng ibang mga nilalang at hindi mo malaman kung saan ba sila galing.
Ang alam ko, Cillian ang tawag sa kanila. Mga kakaibang nilalang na hindi makita ang mukha, may mga takip na parang bakal ang mga iyon.
Sakop nila ngayon ang mundo, ang Earth. Lumilibot pala sila dito para mag hanap ng mga tao.
Isa na ako sa mga nakaligtas pero hindi ko pa alam kung kailan ako mananatili pa sa mundo.
I was eager to kill them by my own hands. Hindi ko lang alam kung paano. Wala akong matulong at nag iisang nabubuhay ngayon dito sa bayan namin.
Cillian, ang tawag sa kanila. Hindi rin natukoy kung bakit ba sila nandito at pinapatay ang bawat tao na kanilang nakikita. Hindi rin natukoy kung bakit ba nila ginagawa ito sa mundo namin.
Magisa akong kumain ulit, gaya ng nakasanayan walang kasama at nakikinig nalang sa bawat hakbang ng kakaibang nilalang. Para silang Alien, pero hindi. Para silang Robot, pero hindi. E, ano sila? Iyon ang tanong sa aking isipan.
Sino at saan ba na planeta sila galing? At ano ang mission nila? Wasakin ba ang Earth? O kunin ang lahat ng mga tao sa mundo para gawin nilang alipin sa kanilang mundo.