Chapter 2

17 0 2
                                    

"KC, kanina ka pa nakabusangot diyan. Ano ba nangyari sayo? Kakain na nga tayo diba?" Tanong ni Ria sa akin. Papunta na kami ngayon sa mall.

"Eh, ikaw ba naman nagmamadaling pumasok tapos muntik ng malate wala lang palang Prof? At isa pa hindi pa ako kumain para lang makahabol! Bwesit!" Sabi ko at Pabagsak na sumandal.

"Relax ka nga. Aga-aga eh. Atsaka yang bunganga mo ha. Sumusobra na yan. Malapit na tayo sa mall ayusin mo nga yang sarili mo." Umaasta na namang nanay tong si Ria. HAHAHA isa yan sa dahilan kung bakit ko yan naging kaibigan.

"Yes, mommy! HAHAHAHA" napapagood mood talaga ako ng babae nato.

"Tumahimik ka nga! Alam mo ba kung saan si Paolo ngayon?" Tanong ni Ria

Si Paolo isa din sa malalapit kong kaibigan. Bale anim kami kaso lima nalang ngayon. Kasi yung isa nasa ewan kung saang lupalop na yun. Biglang umalis na hindi lang naman nagpaalam.

"Ikaw ha. Paolo, Paolo ka na ngayon. Nasa panty ng chicks niya. Dun ka na magpark oh." Sabi ko sabay turo dun sa may isang space na sa ilalim ng puno.

"Sabagay." Sabay kibit balikat niya.

Itong babae nato may hidden desire talaga to sa kaibigan namin. Alam na this! Matawagan nga yung playboy nayun.

Bumaba na ako ng sasakyan at tinawagan si Paolo.

*kriiiing, kriiiing, kriiiing*

Naglalakad na kami ni Ria papasok ng mall ng sagutin ni Paolo ang phone niya

"Hoy! Lalaking nakadikit sa panty ng chicks niya! Saan ka?" -ako

"Aahh sht. Ohh. Wai..it lang. Aahh ." - Paolo

"Gago! Di ka pa tapos?! Magsawa ka nga minsan! Nakoo! Hindi mo yan idahan dahan magkakaAids ka talaga! Hahahaha aray!" Sabi ko kay Paolo at pinitik ni Ria yung noo ko.

"Ouch! Baby where are you going? Bab--Puting uwak naman Kylah Cyrine! Wag ka ngang ganyan! May nunal ka pa naman sa dila baka magkatotoo na naman yang mga sinasabi mo. Lecheng buhay to oh." Napikon ko din tong taong to. Bagay nga sila ni Ria.

Opo, may nunal po ako sa dila ko po. At minsan po nagkakatotoo po ang mga sinasabi ko. Hihihi

"Edi tigilan mo na yan. Paraos ka na sa banyo. Nasa mall kami ni Ria ngayon. Tambayan lang tayo kita. Kain muna ako. Bye baby, sorry kung nabitin ka. HAHAHAHA!" sabay off ko ng phone. Bulyawan na naman ako nun.

"Oh kay ganda ng aking umaga! Hahaha" sabay akbay ko kay Ria at

"ARAY! KC, BAKIT KA NAMBABATOK?" Sigaw ni Ria.

Takbo papuntang KFC. Walang sasaway sa akin pagmamay ari to nila Leena eh.

Si Leena isa din sa grupo namin. Inlove yun sa boypren niyang ewan ko dun. Hahaha no comment na kami basta wag niya lang paiyakin si Leena. Ayos na!

"Phew! Kapagod!" Sabay upo ko sa pwesto namin dito. Pinakadulo mula sa pintuan para wala masyadong istorbo.

"KYLAH CYRINE!"

"Ay! Kalabaw ni manay!" Sabay hawak sa dibdib ko. "Bakit ka ba nanggugulat? Order ka na nga. Sumbong kita kay Paolo nyan eh. Sakit mo sa puso. Hmp"

"Anong isusumbong mo sa akin KC?" Tanong nung lalaki sa likod ni Ria. Opo, si Ria lang naman yung nanggulat sa akin.

"BABYYYYY!" Takbo ko sabay hug kay Paolo. "Alam mo ba baby.." Tiningnan ko si Ria ang sama ng tingin sa akin.

"Ano yun KC?" Sabay kiss sa akin ni Paolo sa ulo. Yan palagi ginagawa niya. Ang sweet dba?

"Ano kasi..hmmm" ang sama na ng tingin ni Ria. Kung apoy sya kanina pa ako nasunog. "Wala lang. Libre mo kami ni Ria. Hahahahaha" tinulak ko na si Paplo papuntang counter. Bumalik na ako sa upuan ko.

"Isa ka nalang sa akin Kylah Cyrine. Isa nalang talaga!" Umupo na si Ria sa harap ko at galit na galit. HAHAHAHA

"Di pwedeng dalawa? Tatlo? Apat? Magkaibigan naman tayo ah. Hahahaha di nga Rei, gusto mo sya?" Tanong ko kay Ria na medyo seryoso.

Napapansin ko kasi minsan nagseselos sya. Oh, nag aassume lang ako? Sa pagkakaalam ko wala namang gusto sa akin si Paolo ah. Hmmmm

______________________________________________

after almost 3years naupdate ko din. OMG! HAHAHAHA

Enjoy!

K. Bye! ;)

-PJ ❤️

TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon