Hindi ko alam kung saan ako pupunta, kung may lugar pa ba ako sa mundong ito.
“Bakit ba ako nandito?” tanong ko sa sarili ko habang tinitingnan ang madilim na kalangitan. Takot na akong magtiwala sa kahit kanino.
Nandito ako ngayon sa kalye, nakatingin sa kalangitan na sobrang dilim. Tiyak na bubuhos ang ulan. Humanap ako ng masisilungan at may nakita akong isang tindahan.
“Dito na lang muna ako,” bulong ko sa sarili ko, habang nagpalipas ng gabi sa loob.
“Saan na ako nito pupunta?” tanong ko, nag-iisa sa dilim.
Biglang may nagtakbuhan sa harapan ko. Dahil sa pagiging chismosa, tiningnan ko ito at may rambulan na nagaganap. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, parang may nag-alab sa kalooban ko; gusto ko nang makakita ng dugo. Naghanap ako ng dugo—hindi ko alam kung ito ba ay dahil sa mga naranasan ko, pero ang gusto ko lang ngayon ay ang lust for blood.
Nang makita ko ang isa sa mga nag-rarambulan, naisip ko, “Ygo?!”
Sa reflex ko, mabilis ko siyang tinadyakan at nabitawan niya ang bagay na dapat isasaksak sa kanya. Bigla akong natuwa nang makita ko ang dugo sa aking kamay.
“This is it! This is what I want—blood.” Nginitian ko ang taong yun at bigla ko siyang sinugod. Sapol sa kanyang mata ang nakuha kong barbeque stick mula sa aking paanan. Mas lalo akong ginanahan; hindi ko maintindihan, pero ito ang gusto ko—ang hindi ko nagawa nung ako'y sinasakktan.
“Prrttttt.”
Ang pito ng mga tanod na parating na may hawak na batota. Bigla akong natauhan nang hawakan ni Ygo ang kamay kong may sugat at kinaladkad ako palayo sa gulo.
“Pambihira, bakit ka pa sumali? Ayan tuloy, nagkasugat ka!” alalang pagalit na sabi niya.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko nang matulala ako sa harapan niya. Nang natauhan ako, wala na siya sa harap ko at natanaw ko na lang ang likod niyang papaalis. Bigla akong nalungkot at umiyak sa sakit ng sugat ko na ngayon ko lang naramdaman.
Ng biglang may humaplos sa buhok ko. “Tahan na, akin na at magamot ko.”
Ang maamong mukha ni Ygo ang bumungad sa akin. Akala ko iniwan na ako. Mas lalo akong napahagulgol sa iyak.
“Aray, naman!” sigaw ko nang bigla niya akong pinitik sa noo, gaya ng lagi niyang ginagawa. Natawa kaming dalawa sa kabila ng sitwasyon.
“Jan ka magaling, napapa-aray pero sa kamay mong ang laki ng sugat, di ka napa-aray,” mataray na saad niya.
Inirapan ko lang siya. “Bakit mo naman nagawa yun, ha Iza? Gusto mo bang mamatay?” tanong niya sa galit na tono, pero nginitian ko lang siya.
“Hindi ako mamamatay, hindi pa ito ang oras ko.”
“Nakita ko kasing sasaksakin ka na, kaya sinangga ko,” nakangiti kong sabi sa kanya at pinakita na okay lang ako. Nag-thumbs up pa ako sa harapan niya.
“Aray! Ang sakit pala! Pero walang sasakit dito sa mga dinanas ko,” bulong ko sa sarili.
“Pambihira ka talaga, nakuha mo pang ngumiti!” Natawa na lang kaming dalawa habang ginagamot ang hiwa sa kamay ko. Hindi ko ipinakita na nasasaktan ako, nginitian ko na lang siya.
Nagtataka din ako sa nagawa ko kanina.
Bakit ko nga ba yun nagawa? Matutulad ba ako sa kanila, na mamamatay-tao?
Lumipas ang tatlong araw na palagi kaming magkasama ni Ygo, pero bigla itong nawala na parang bula. Hindi man lang siya nagpaalam o kahit sulat man lamang.
YOU ARE READING
Ravenclaw Ladies Series #12: NIGHTMARES
RandomHaunted by her nightmares and burdened by lies, Roniza Grace Arellaga struggles to find a way to fight back. Torn between her feelings for the person who helps her and the one responsible for her heartache, she must make a choice. Will she embrace t...