HS 4: Mira

126 3 1
                                    

Tricia's POV

Naglalakad kami ngayon ni EJ dito sa park. Hinihintay namin si Twin e.

Oo, kasama namin si Twin.

Protective nga siya sabi ko diba? Buti nga hinayaan niya akong maiwan kay EJ ngayon. Siguro kasi babalik naman siya. Ang dami pa ngang binilin kay EJ kanina bago umalis e. Nahihiya na tuloy ako sa kanya.

About sa 30 days deal, 15th day na ngayon.

"EJ..."

"Hmm?"

"Ano ba talagang balak mo?"

Napatigil siya sa paglalakad kaya napatigil rin ako at humarap sa kanya ng nagtataka.

"Bakit? Ano yun?" tanong ko nung di siya nagsasalita.

"A-Ah wala...a-ano bang sinasabi mong balak?"

"Anong balak mo? Palayuin si Chloe sayo? Kaya natin ginagawa to?"

"Ahh...yun ba? Ahh..."

"Bakit? May iba ka pa bang balak? Don't tell me palabas lang lahat to?"

"Anong pinagsasabi mo? Totoo ang mga pinapakita ko sa inyo ng kakambal mo!" nagulat ako nung sumigaw siya.

"Easy. Bibiniro lang naman kita e."

"Hindi nakakatawa Stacy! Puro ka kasi hinala e!" sumisigaw na talaga siya.

Hindi ko nalang siya sinagot.

Tinalikuran ko na siya at naglakad na ako papuntang mall.

Pupuntahan ko nalang ang Twin ko kaysa makasama siya ng ganyan siya.

Nagulat nalang ako nang may biglang nanghila ng kamay ko at inikot ako dahilan para mapaharap ako sakanya.

Nakita kong si Ethan pala yun.

"Stacy sorry na. Hindi ko sinasadyang sigawan ka."

"Hindi sinasadya? Binibiro lang naman kita e, tapos bigla mo kong sisigawan? Tapos sasabihin mo ngayong hindi mo sinasadya?" inalis ko yung pagkakahawak niya sakin.

Pagkatapos tumalikod ulit ako at naglakad papuntang mall. Nung nahabol niya ako, hinawakan niya ako ulit at iniharap sakanya. Pero kasabay ng pagharap ko ang pagtabig ko sa kamay niya.

"Ggeojyeo." [Get Lost.]

Madiin kong sabi sakanya.

"Ha?"

Alam ko namang hindi niya maiintindihan yun e. Pero ganun talaga ako pag galit, o basta gusto kong magsalita ng korean, yun ang gagamitin kong language.

Tumalikod na ako sakanya.

"Naega jiwoji malhaessda." [I said get lost.]

"Anong sinasabi mo Stacy? Hindi kita maintindihan."

Humarap ako sakanya.

"Naega babo dangsin eul bunsil haessda!" [I said get lost you idiot!] sigaw ko.

Pagkatapos nun, tinalikuran ko na siya. Pero hinila na naman niya ako paharap sa kanya.

Sisigawan ko na sana siya, pero nabigla ako sa ginawa niya. Pagkaharap niya sakin,hinawakan niya ang mga pisngi ko at hinalikan niya ako sa noo.

Pagkatapos ipinantay niya ang ulo niya sakin habang nakahawak siya sa balikat ko.

"Sorry na Stacy. Hm?" nakatulala lang ako sakanya.

Her Secret (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon