Czanne Pov
Nagising ako dahil may humihimas sa buhok ko. Nagtaka naman ako bigla Baka si Mama at ano naman kayang ginagawa niya sa kwarto ko.
"Hmm." Sinubukan kong alisin ang kamay nito.
"Anak?! Czanne!" Sigaw nito kaya lalo akong nairita.
"... i-ingay" reklamo ko.
Bigla tuloy akong nakaramdam ng uhaw. Bakit parang namamalat yung lalamunan ko?
"Sandali lang tatawag ako ng doctor!" Natatarantang wika ni mama.
Doctor? Anong nangyari? Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at sumalubong sa akin ang puting kisame.
Nasaan ako?
Biglang bumukas ang pintuan iniluwa nito si mama at isang lalaki, isang docotr. Agad niya akong tinanong ng tungkol sa pakiramdam ko, at sinabihan ng dapat kong gawin at inumin."Doc, maraming salamat" buong pusong wika ni mama.
Pagkaalis ng doctor ay agad akong niyakap ni Mama na ikinagulat ko.
"Don't do that again okay? You almost killed me Czanne! Anong pumasok sa isip mo at ginawa mo yun ha?! Lalo na at buntis ka pala! Are you out of your mind!?" Sermon nito.
Agad akong natauhan ng maalala ko ang mga nangyari.
Agad akong napahawak sa tyan ko at napahagulhol, ang baby ko.Nagulat naman si Mama kaya agad niya akong dinaluhan at pinapatahan.
"I-i'm sorry.. i'm s-sorry baby.." i broke cried.
Anong klaseng ina ang gagawa nun? Sasaksakin ang sariling tyan. Sh*t im sorry baby at patuloy lang ako sa pag iyak.
"Shh.. it's okay. You're both safe now.. shhh" pag-aalo ni Mama
"Ang s-sama ko Ma... I- i... I almost k-killed my baby.." iyak ko.
I'm such a horrible Mother nakaya ko yung gawin sa anak ko. Ang sama kong ina. I'm sorry baby. I'm so sorry..
"Shhh.. it's not your fault okay? Tahan na. Makakasama yan sa bata" tugon ni mama
Tumango lang ako at sinubukang pakalmahin ang sarili ko. Ayoko ng dagdagan pa ang kasalan ko sa anak ko.
Nang kumalma na ako ay napatingin ako sa wrist ko na nakabalot. Kaya bigla kong naalala ang nangyari..
Masaya na ba sya? Bigla akong nalungkot, dahil baka kulang parin.."Anak magpahinga kana. Wag masyadong mag isip okay? Bawal ang mastress" paalala ni mama.
"Si papa po?" Tanong ko.
"Dito yun dediritso pagka galing sa trabaho. Mag ha-half day nga sana sya ng malaman niyang gising na ang baby niya kaso hindi siya pinayagan." Sagot ni mama
Tumango lang ako.
"Ilang araw na po ako dito ma?" Tanong ko ulit.
"2 days ka ng tulog. Naku wag mo ng uulitin ito Czanne, stop hurting yourself hindi kita pinalaking ganyan. Okay?" Saad nito.
"Si.. si I-ian po.." nagdadalawang isip na tanong ko.
Napatigil si mama sa pagbabalat ng mansanas at tumingin sa akin ng seryoso.
Bigla naman akong kinabahan sa inakto nito."He-- he was so worried.. pero hindi ko sinasabing wala syang kasalanan. He explained everything. He admitted na it's his fault that you ended doing those things."
Worried? Bakit sya mag aalala? Dahil wala na syang mapapahirapan pag nawala ako? Napangiti ako ng mapait. Pagod na pagod na ako, Sana matapos na lahat ng to.
--------
❤
BINABASA MO ANG
UNWANTED
Short StoryIt was a story woven with delicate threads of longing and yearning, where two souls found themselves entangled in the bittersweet dance of love and loss. This is not the story of a fairytale romance but of an unexpected bond born from the depths of...