Kabanata 15

44.6K 831 249
                                    

Even If It Means A War

Kabanata 15


Hila ang hem ng aking long sleeves, inangat ko ito sa pagkaka-tuckin. Naiwan ang aking spaghetti white strap nang hubarin ko ang kaninang suot na panabon sa init. Inipon ko ang buhok at sa tamang tantyang taas, tinalian ko sakto sa hindi maaabot na laylay ng batok.

I laced up my brown Jimmy Choo leather boots. I lifted the high-waisted fitted jeans that clung to my curves. Then I grabbed the keys from the center table and clipped them on my belt loop.

I closed my eyes as I sprayed perfume all over my body. I stepped out of the clubhouse and placed the newly bought hat on my head. Hindi mainit at hindi rin naman makulimlim. Tama lang ang naglalabang enerhiya ng kalangitan.

Sumakay ako kay Dainty, ang kabayo ni Lolo. Tinahak namin ang diretsong payapang daan tungo sa plantasyon. Ang mga waliswis ng nagtataasang punong nadadaanan ay masarap sa pandinig. Ang bawat siyap ng hindi mabilang na mga ibon na tumatawid sa himpapawid ay nakakapagpalubay.

I closed my eyes to feel the cadence of different creatures above and below me.

Nakarating ako sa plantasyon. Sa gitna ng daan, tinanaw ko ang magkaibang malaking taniman. Sa kaliwa, ang aming plantasyon, sa kanang bahagi naman, ang plantasyon ng mga Vendivil.

If only... if only there were no boundaries in between.

If only we could breathe freely.

I feared everything.

I feared they would discover our secrets. No matter who in our families would find out about our secret, it wouldn't be a good thing.

Binati ako ng aming mga tauhan na nakakita sa akin.

"Good morning po, Ma'am Yaryna," ani ni Mang Jeddie.

"Magandang umaga po," bati ko pabalik, ngumiti, at tumango.

I have gained several stares, nods, and smiles from our workmen. Tango at ngiti rin ang isinusukli ko sa kanila.

May mga tumatagal ang titig sa akin. May naghubad pa ng sumbrero para magbigay ng pinakapormal na pagbati na akala mo ay binibigyan ako ng malaking pagpupugay.

"Yary!" Rall called out to me from a distance when he spotted me riding on the horse in the middle of the road.

Tinakbo niya ang aking kinaroroonan.

"Aga mo rito, ah? What are you doing here?" Natatawa kong tanong sa kaniya habang gumigilid kami ni Dainty.

"Well, I waited for you," he mumbled and shrugged his shoulders a bit.

Nilahad niya ang dalawang kamay sa akin para alalayan ako sa pagbaba ng kabayo. I put my hand on his hand but I wasn't prepared he'd caressed my waist for a better support. Nakababa ako ng kabayo nang walang kahirap-hirap.

Pagtingin ko sa sa kabilang plantasyon, si Zame ang agad kong nadupuan ng tingin. His expression remained unchanged as he looked at here. Iniwas niya ang tingin nang namataan niya akong nakatanglaw din sa kaniya.

Apat na araw na simula ng away naming dalawa. At hanggang ngayon, hindi pa rin namin naaayos 'yon. Ni hindi na kami nakapag-usap ulit. Walang gustong gumawa ng paraan para mapag-usapan ulit ang bagay na 'yon. Palagay ko, parehas kaming nagpapatigasan na dalawa. Lalo na ako, wala pa rin akong amor na kausapin siya.

This is not our first argument. At lahat ng argumento, naaayos namin. We just need time and space for this to breathe. We have been through a lot, and we won't break up just because of this.

Even If It Means A War (Chaotic Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon