2 years na ang nakakalipas simula nung tanggapin ko na hindi kami para sa isat-isa.
Sa 2 years na yan, naka move on nako sakanya
Narealize ko din na " Bakit ko pa siya mamahalin kung hindi niya na talaga ako mahal? "
Nagpakatanga ako sakanya, ang dami kong luha ang nasayang sa lintek na yun. May mas deserving naman diyan.
Buti nalang talaga at nakilala ko si Kevin Yu,
Siya yung nag comfort sakin at tinulungan akong mag move on wala kong kwentang Ex-boyfriend.
Dahil doon sa pagtulong niya at pinapakita niyang pag-aalaga sakin nainlove ako sakanya at di nagtagal umamin siya sa akin na mahal niya din daw ako.
Kinikilig talaga ako.
Niligawan niya ako, sinagot ko na agad.
Bat ko pa patatagalin diba? Dapat ang pinapatagal ay ang relasyon.
Hindi naman mahirap mahalin si Kevin eh,
Infact he's sweet, mapagmahal at mapag-alaga. Kaya nga ako nainlove sakanya eh.
THE PROBLEM OF KEVIN YU, HE IS SO HANDSOME.
AT ANG DAMING NAGKAKAGUSTO SAKANYA.
NAGSESELOS AKO! Minsan nga naiisip ko, di kaya ako iwan ni kevin pag may nakita pa siya na mas deserving sakin?
Nandito kaming dalawa sa mall, boring eh kaya pinasyal niya ako.
Naglalakad lang talaga kami.
Nang mapansin kung
MARAMI NAMANG BABAENG NAKATINGIN SAKANYA
Lintek na mga mata na yan, dukutin ko yan eh.
Boyfriend ko to eh akin to.
"BACK OFF GIRLS please he's mine " Ang sarap sabihin niyan sa mga tumitingin sa boyfriend ko,
Pero baka ma turn off si boyfriend.
" YAME " tawag ko sakanya
Lumapit naman siya at sabing " Bakit yame? " tapos ngumiti.
Ohmygosh! Ang cute talaga ng smile niya lalo na at my dimple pa.
Nagpuot ako at sinabi na
"Nakakainis ka naman eh,may mga babae namang nakatingin sayo oh "sabay nguso sa ko sakanya para makita niya kung gano kadami nakatingin sakanya with Padyak-Padyak Paa pa.
Lumapit siya sa akin at kinurot ang ilong ko at ngumiti na naman ulit at sinabing
" Ikaw talaga, napaka selosa mo, alam mo namang mahal na mahal kita diba?
At kahit na may mas maganda o deserving pa diyan na iba na nakatingin sakin. Wag kang mag-alala para sa akin ikaw parin ang pinakamagandang babae sa mundong ito "
Huminto siya saglit at tiningnan ako sa mga mata
" At kahit na nakabunganga ka parati sakin, minsan nagtatampo at nagagalit.
Mas worst eh Nagseselos.
He Chuckled " Mahal na Mahal parin kita at di yun magbabago"
HInampas ko nga " OUCH! " sabi niya
"Sorry" sabi ko
Ngumiti siya at kiniss ako sa cheeks.
" Ok lang yame, Basta yame wala akong paki-alam sa mga tumitingin o humahanga sa akin ang importante sa akin ngayon ay ang magandang nilalang na nasa harapan ko na mahal na mahal ako"
Nagpatuloy siya sa pagsasalita at ako? Kinikilig! Di ko inexpect eh.
" EWAN KO BA SA EX MO, bakit pinakawalan ka pa?
Nasa iyo na ang lahat eh. Pag naaalala ko ang Ex mo nagseselos ako kasi grabe mo siya iniyakan noon at kung pano ka niya sinaktan. Alam mo ba gagawin ko pag nagkita kami nun?
Well, babaliin ko lang naman lahat ng buto niya sa katawan niya. Kapal ng mukhang saktan ka "
Awwwww!
OO nga no? Iniyakan ko pa ng sobra yung kumag na yun. Grabe kasi tama ko dun eh! Pero buti nalang dumating siya at dahil sakanya nagbago ang lahat.
YOU ARE READING
Im Crazy Inlove ( One Shot )
Short StoryPano pag nalaman mong nasasakal na pala boyfriend mo sayo? Pano pag nagsasawa na siya sayo? Pano pag iniwan ka na niya? Kayanin mo kaya? Si DIanne Mae Chiu, simpleng babae. Umibig sa maling lalake! Ano kayang mangyayari sakanya? :) Tayo n...