𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 1 - 𝕯𝖗𝖊𝖆𝖒𝖘

19 1 0
                                    

Makalipas ang labing-walong taon....

Ala sais ng umaga sa bahay ng mga Javier

"'Nay, si kuya kinuha na naman 'yung eyeglasses ko nakakaasar! Pagsabihan niyo nga po na ibalik na sa akin. Please 'Nay." pagsusumbong ng isang dalagang pababa ng hagdan na may sukbit na backpack at yakap na mga libro. Kung siya ay titingnan para bang isa siyang huwarang estudyante na pala-aral base sa kaniyang porma.

"Christian, ano ka ba namang bata ka! Kita mong hirap makakita ang kapatid mong si Cassie kapag walang salamin sa mata. Ibalik mo na iyan ngayon din, kung hindi di' kita papayagang mag-overtime sa trabaho mo at makitulog sa bahay ng katrabaho mo!" malumanay ngunit may awtoridad na boses na pagkakasabi ng nanay nila.

"HAHAHA! Buti nga kuya! Palagi na lang kasing pinagdidiskitahan 'yung salamin ko e! Pasaway much!" mapang-asar na sabi ni Cassie sa nakatatandang kapatid na si Christian.

"Sus, paanong hindi ko kukunin iyang salamin mo ang tigas ng ulo mo. Palagi ka na ngang binabangungot sa gabi sige ka pa rin basa ng mga katatakutan. Kaya isa lang naisip ko, kunin iyang salamin mo para hindi ka na makapagbasa! Dapat din palipatin ka na rito sa sala matulog, bigla ka nalang sumisigaw sa madaling-araw kahihiga ko palang sa kama para matulog!" mahabang litanya ni Christian sa kaniyang kapatid na si Cassie.

Sa iisang silid lang natutulog ang magkakapatid, simula pagkabata ganiyan na sila. Hindi naman kasi kalakihan ang bahay na tinutuluyan ng pamilya Javier.

Bali dalawang kwarto lang ang meron sa kanilang bahay. Ang unang silid na matatagpuan sa pag-akyat ng hagdan ay kwarto ng mga magulang nila na sina Minda at Andoy.

Habang ang kwarto na malapit sa banyo ay ang sa magkakapatid na. Ngunit siyempre noong ang mga anak nina Minda ay magbinata at magdalaga mayroong pagbabago sa silid ng magkakapatid, mayroong manipis na dingding sa pagitan ng kama nilang tatlo nang sa ganoon ay may privacy pa rin.

Nangako naman ang tatay nilang si Andoy na kapag siya ay bumalik na sa Pinas ay bibili na sila ng bagong bahay. Nakapagpundar naman na siya dahil labing-dalawang taon na siyang nagtratrabaho bilang isang caregiver sa Los Angeles, California.

"'Nay narinig niyo po iyon, inaaway na naman ako ni kuya! Pinapalayas niya ako sa kwarto namin. Ang bad talaga! Hindi na nga nag sorry jinujustify pa yung kasalanan. Dapat maparushan si kuya, 'Nay. Don't allow kuya sa mga plans niya tonight."

"Sulsol ka talaga kahit kailan, Cassandra! Baka nakakalimutan niyo bente tres anyos na ako, tsaka nagtratrabaho na kaya ako, ano." hindi naman galit na wika ni Christian sa nakababatang kapatid, pinitik niya pa nga ang tungki ng ilong ni Cassie para mas asarin.

"Kahit na kuya, baka nakakalimutan mo si nanay pa rin ang batas sa papmmamahay na ito. Nagtratrabaho ka man susunod ka pa rin sa final say ni mudrabells, diba 'nay." kumiyansang sabi na may pakindat pa sa kaniyang nanay Minda.

Ganiyan mag asaran ang magkapatid na Javier. Sa katunayan tatlo silang magkakapatid. Si Christian ang panganay 23 years old, si Cassie ang pangalawa 20 years old at si Chester ang bunso sa magkakapatid na 17 years old.

Palaging pinprotektahan nina Christian at Chester si Cassie dahil para sa kanila ito ang nag-iisang prinsesa ng kanilang pamilya. Kapag may nambubully kay Cassie at sinasabihan ito ng ampon ay paniguradong rumiresbak ang magkapatid na Christian at Chester upang ipagtanggol si Cassie.

Ang palagi nilang linya ay maputi lang ang kulay ng balat ni Cassie dahil hindi ito masyado naarawan nung ito ay bata pa hanggang sa magdalaga, samantalang hindi maipagkakaila na magkakapatid silang tatlo dahil lahat sila ay may itsura na masasabing maganda at mga gwapo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Under His Spell Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon