Goodbye, My Almost Lover

102 7 6
                                    

"Japoy! Japoy! Gusto ko ng ice cream! Plith! Plithy plith! "

"Oo ba! Basta libre mo." Agad kong binuksan ang strawberry sling bag ko na bigay ni Japoy. At nag hanap ng pera.

"Eh? Eto oh! Dalawa ha? Istrawbewy!" Sabay na abot ko ng php 50. Pero tiningnan nya lang ito.

"Oh bakit? Ayaw mo?"

"Hindi. Ako dapat ang mag bayad. Sabi kasi ni Papa. Pag nagka nobya ako dapat ako raw ang gagastos. Kase ako daw ang lalake."

"Di mo naman ako girlfriend e! Tsaka ano ba yan. Ang bata mo pa 8yrs old lang tayo."

"Pagmalaki na ako gusto ko ikaw ang girlfiend at asawa ko. Mahal kita eh. Tsaka prinsesa kita. Kaya ako ang gagastos." Agad akong yumuko kasi alam kong pulang pula na ako.

"Ba't ka namumula? Hahahahahahaha. Eh ikaw ba. Ayaw mo ba ako maging boyfriend at asawa pag laki natin?"

"Syempre gusto! "

"Promise?"

"Promise na promise."

"Miss. Miss. Nandito na tayo." Nagising ako sa aking "Daydreaming session". Nandito na pala ako sa harap ng unibersidad ko.

"Ay naku! Pasensya na kuya. Eto po bayad. Salamat po!" Nakakahiya. Sige pa Kayleen! Yan ang napapala mo sa kakaisip sa tao kinalimutan ka na!

Nakakita kasi ako ng bata kanina. Nakikita ko ang aking sarili dun. Ayun naalala ko naman si Japoy.. er Jasper pala. Wala na si Japoy. Pinatay na siya ni Jasper. Pati ang memories namin pinatay na nya.

Pero I understand.

Kasalan ko din 'to. Tama nga sila what comes along, comes around.


Goodbye, My Almost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon