Goodbye, My Almost Lover

47 3 3
                                    


"Oh bruha! Ano naman ba? Magpapamatay ka na? Inistorbo mo pa ko. Gabi na ah. May makain ba?"

Pinapunta ko si Tanya dito. Kailangan ko ng opinyon nya kung pupunta ba ako o hindi.

"Kumuha ka lng dyan."

Walangya kahit kailan puro pagkain ang nasa isip.

"Tanya, may itatanong sana ako eh."

"Goweybells! Tanong kalang dyan habang ako dito kakain kasi po inistorbo nyo po ako. Sige go!" Habang kumakain sa home-made lasagna ko.

"Tumawag siya." Tumigil sya sa pag kain. at tiningnan ako ng masama.

"Oh? Tapos? tanong ba yan? Kayleen naman eh. Interrogative di mo alam? Jusko."

"Patapusin mo nga ako!"

"Ay? di pa pala tapos? Ge go." Nag pataluloy sya sa pag kain. Baboy na sexy -.-

"Pinapunta niya ako sa park bukas."

"Sino?"

"jas..per"

"ANO?!! Di nga? baka scam!" Tumayo siya at makikita mo sa mukha niyang gulat na gulat siy sa sinabi ko.

"Siya yung tumawag sure ako. Boses nya yun. Mag uusap daw kami."

"So? anong tanong dun?"

"Dapat ba akong pumunta o papiiralin ko tong pride ko? dba pinapalayo na nga niya ako." Tumigil siya sa pagkain at nilapitan ko at hinawakan ang mga kamay ko. Pag hinahawakan na nya ang kamay mo that's the time na seryoso sya. Mag aadvice yan pag ganyan. kaya makinig ka kundi sabunot ang makukuha mo.

"Alam mo. Gaga ka. syempre pumunta ka. At anong PRIDE?! ikaw na nga tong naiwan ikaw pa tong may pride pride na nalalaman. Hoy bruha sinasabi ko sayo! sunggaban mo na! BUT...." Sabay batok sa akin at balik sa serious mode nya. makikit mo sa kanya ang pagaalala.

"... Also remember na Wag mag assume baka gusto nya lang ay closure. dba? Kasi naging friends din naman kayo. ay mali pala childhood sweethearts pala kayo dati. Kaya brace yourself maraming pwedeng mangyari."

I hugged her. I know. Kaya laking pasalmat ko at nakilala ko 'tong gagang to patay gutom na 'to.

"Thankyou Tanya." Hinarap nya ako.

"Always. Pero seryoso. Kaya mo pang tanggapin na ayaw na niya?"

Kaya ko ba?

"Uhmm.. Tatangapin ko kahit masakit. kahit kaibigan lang. Sayang din nmn yung pagkakaibigan namin. At syempre kung may nag papasaya na sa kanya tatanggapin ko yun ng buong-buo."

"Mahal mo pa no?"

"Mahal na mahal." Ngumiti ako ng mapait.

Sige. Tatangapin ko kung ano man ang magiging desisyon mo Japoy. Ganun kita ka mahal.

Goodbye, My Almost LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon