26

84.4K 2.5K 501
                                    

"Saan mo gagamitin 'yang basket? E mayroon na namang basket para sa damit natin."

Joax entered the living room carrying a round basket. Kinuha niya ata sa may bodega nila. Hindi ko alam kung anong trip ng lalaking ito. He looks so weird.

"This is for Verina." he simply said.

I arched a brow. "May lagayan na rin siya."

"Not that babe," he chuckled. Anong 'not that'?

Magtatanong ulit sana ako pero nakita ko ang ginawa niya. Binuhat niya si Verina na kalong ko at inilagay sa may loob ng basket. My eyes widened, anong gagawin niya sa anak namin!?

"The hell? Hindi damit ang anak mo Joax!" Sigaw ko.

"Yeah, yeah, yeah. I know that babe," kalmado niyang sabi. "Just watch and learn."

Tinalian pa niya ng straw ang hawakan ng basket. Si Verina naman ay walang kaalam-alam sa pinaggagawa ng kaniyang magaling na ama. She started to giggle when Joax pulled the straw, making the basket move forward.

"Bagalan mo Joax! Baka matumba 'yang basket." May halong kaba ang boses ko. Ang bilis niya na itong hinihila!

"Noted!" He winked at me and at the same time pointed me. "Pero kasi hindi niya maeenjoy kapag hindi mabilis." satsat niya pa.

"Mag-eenjoy nga pero gusto mo magkaroon ng bukol!?" I asked, getting annoyed now.

Bumagsak ang balikat nito. "Normal lang 'yan sa bata, babe. Noong ako nga ay araw-araw ako nagkakaroon ng sugat."

"Kasi malikot ka." I averted my gaze on the book I was reading.

"Hindi no!" Patuloy pa din ito sa paghihila sa humahagikgik na anak namin. "Sadyang ganon lang talaga ang mga bata."

"Whatever. Basta huwag mong bilisan!" I said.

"Okay, whatever." pampipikon niya pa sa akin kaya binato ko ng cusion.

After lunch, we decided to go to Pugo Adventure to relax for sometime. Hindi nakasama sila Lola dahil mayroon daw itong gagawin. I just prepared Verina's swimsuit incase gusto niyang mag-swimming pero ako parang tinatamad, that's why I didn't get mine.

Binaon na din namin ang prinepare nilang pagkain para sa amin. Our main agenda is to really have a picnic kaya nagdala na din ako ng mga kailangan like the blanket, plates and more.

"Let me carry our daughter. Kanina mo pa siya binubuhat." Joax suggested.

Naglalakad na kasi kami patungo sa paglalatagan namin ng picnic namin. Kinuha niya naman ito sa akin at inayos ang hat niyang maroon na natatanggal na dahil sa likot ng kamay.

I was fixing my bag when I felt him hold my hand. Ang isang kamay niya ay nakabuhat kay Verina tapos ang isa naman ay nakahawak sa akin. He even guided us towards the bahay kubo's para magpicture raw.

"Pwede pakuha po ng litrato?" He politely asked the woman cleaning around the kubo.

"Oo naman! Teka lang at ilalagay ko lang rito ang walis ko." She smiled and took the cellphone of Joax.

Hinila ako ni Joax palapit sa kaniya at inilagay ang kamay sa balikat ko. He was squeezing it while smiling to the camera.

"1, 2, 3!" The woman shouted. "Baby ganda, tingin ka rito."

Napatingin tuloy kaming dalawa ni Joax kay Verina. She was busy looking at the trees, may mga ibon kasi na lumilipad.

"Verina, look at Tita there." Tinuro ni Joax ang babae. Pero hindi man lang ito tumingin. "Babe, ayaw niya."

Thriving StandardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon