Kabanata 1

22 1 0
                                    



GOSH! ANG INIT SA PINAS!

I heaved a long sigh as I stare outside. Kanina pa mabagal ang usad ng traffic na lalong nagpapabanas sa pakiramdam ko. Papasok pa lang ako pero 'yung feeling ko pang uwian na.

We actually have a family driver, but he's on leave as he's not feeling well. Wala naman akong magagawa roon kaya napilitang mag-commute.

Kaunti na lang ay male-late na ako pero heto hindi pa muling umaandar ang jeep na sinasakyan ko.

Napangiwi ako sa ingay nang may dumaang motorbike sa gilid ng jeep na sinasakyan ko. Naningkit ang mata ko habang tinatanaw ito papalayo. He's wearing our university's uniform. Mabuti pa siya, kayang-kaya niyang lusutan ang traffic.

I bit my lower lip and rested my head on the backrest of the jeep. Finally, unti-unti nang umaandar. Saktong pagdako ko sa unahan ko ay tumama ang tingin ko sa mata ng lalaking nasa tapat ko. Hindi normal ang titig niya sa akin, kanina ko pa rin napapansin na tumitingin siya sa legs ko lalo at above the knee 'yung skirt ko pero isinasawalang bahala ko lang dahil mas abala akong isipin 'yung init. Maya-maya naman ay bababa na rin ako.

Sinabayan ko ang titig niya nang masamang tingin, pero si kuyang loko ay hindi nagpatinag. Bulgaran na pati ang paninitig niya sa akin na siyang kinainis ko.

Magsasalita na sana ako pero bago ko magawa iyon ay nagsalita na ang babaeng katabi nung lalaki.

"Hoy, ineng! Kabata-bata mo pa ang landi-landi mo na!Makatitig ka sa asawa ko ah? Pangarap mo bang maging kabit?"

Luminga linga ako sa paligid para malaman kung sino ang sinasabihan niya. Halos puno ang jeep at ang katabi ko ay parehas lola na. Kumunot ang noo ko nang mapagtantong sa akin nakatingin si ate girl. Excuse me?!

I took a deep breath to calm myself. Sasagutin ko sana siya pero bago pa ako makaimik ay tumigil na ang jeep na sinasakyan namin.

"Mama, Papa! Si lola!"

Lumipat ang tingin ko sa maliit na batang babae na excited bumaba na ngayon ay nakatayo na habang hinihigit ang tatay niya which is 'yung lalaki kanina.

Tumaas tuloy ang kilay ko nang makitang silang tatlo ang pababa ng jeep. Binalingan pa ako ng isang masamang tingin nung babae habang ang asawa niya ay nakangising aso sa akin.

Oh gosh. No one knows how much I've been trying to stop myself from raising my middle finger. Grabe! I can't believe people like that exist pa rin talaga!

Just what the fuck? May asawa't anak na tapos nagagawa niya pang mambastos ng babae? I feel sorry for the kid! Hindi ba niya naiisip na kung ganon ang gawin ng ibang lalaki sa anak niya?

"Anyare sa'yo, Miss Intramurals? Bakit nakakunot ang noo agad?" bungad ni Adrian pagkaupo ko sa upuan ko. Seatmate ko siya kaya kitang kita niya ang pangit ng mood ko. Mabuti na lang at wala pang teacher nang dumating ako.

Dahil sa frustration ko sa nangyari kanina ay ikinwento ko sa kaniya. Normal na sa akin ang may mang-away out if nowhere dahil sa mga boyfriend nila. Bearable naman siya, pero mas nakakainis kasi kapag may batang involve. Nakakaawa 'yung anak. 

Pagkatapos ko magkwento ay napamura na lang din siya.

"'Yung mga ganyan ang pine-phase out dapat e," sabi niya.

"True."

May tumawag sa kaniyang kaklase namin kaya natigil ang pag-uusap namin. Nag scroll na lang muna ako sa phone ko hanggang muli siyang umupo sa tabi ko.

"Anyways, nag-aaya pala sina Blaire. Coffee raw."

I turned to him. "Really? Tara!"

Dahil sa sinabi niya ay medyo nabawasan pagkainis ko. Ang tagal na rin kasi naming hindi nagkita-kita dahil busy sa acads.

Light in the DarkWhere stories live. Discover now