Chapter 1
“Mga inutil! Isang babae lang, natakasan kayo? Ano’ng mga silbi ninyo kung tanga kayo?!” bulyaw ni Dion habang nasa sala ng mansyon nito. Kaharap ang mga tauhan na dapat ay nagbabantay sa babae ng binili nito.
“Papuntahin si Manang Lena, ngayon din!” muling bulyaw nito.
“Yes, Boss!”
Agad naman na kumaripas ng takbo ang dalawa niyang tauhanm ngunit napatigil din ang mga ito nang muling sumigaw si Dion.
“Mga inutil! Ilan ba si Manang Lena, ha?” Galit ang mukha nito.
“Isa lang boss!”
“Mga gago! Isa lang tapos dalawa na kayong maghahanap!”
Halos mabingi ang mga naroon dahil sa lakas ng boses nito.Ngayon lang nila nakitang galit,ang amo na halos hagisin sila sa labas ng mansyon.Ang nakasanayan kasi nilang boss ay tahimik at laging seryoso ang mukha nito hindi.
Hindi maipagkakaila na isa itong mafia dahil sa impluwensiya nito. Mala-Adonis ang katawan ni Dion at guwapo ang kanyang mukha na may tumutubong maliliit na bigote na hindi nya napapansin dahil sa laging abala sa mga gawain at paghahanap sa babae!.
Hindi puwedeng mawala ang babaeng iyon sa kanyang mga kamay.
Akin lang siya at ako lang ang nagmamay-ari sa kanya at hindi siya pwedeng mapunta sa kahit kanino man! Ang sigaw ng isip niya.
Nakakuyom ang kanyang mga kamay at nanlilisik ang mga mata. Walang sino man ang nais magtanong dahil takot sila sa lalaking nasa harapan.
“Boss, narito na si Manang Lena,” saad ng isa sa mga tauhan nito.
“Sir, pinapatawag n’yo raw po ako?” nakayukong tanong ng matanda, takot ito sa klase ng titig ng amo.
“Manang, alam n’yo bang tumakas na naman Clarissa?” mahinahong tanong nito.
Kahit kasambahay niya ito ay ginagalang niya ang matanda dahil ito ang tumayong pangalawang magulang nito mula pagkabata at buhat nang mawala ang kanyang mga magulang. Sampung taon pa lamang ang edad niya ay pinatay ng mga kalaban na mafia ang ama at ina nito,maging ang kambal nitong kapatid na lalaki ay hindi rin nila pinalampas. Alam iyon ni Manang Lena, dahil naninilbihan na siya sa mga ito nang mga panahong iyon. Kaya ganito na lamang ang alaga niya dahil nakaranas ito ng matinding depression, lungkot, pagkamuhi at paghihiganti. Hindi niya maaring husgahan ang amo dahil sa dami ng pinagdaanan nito hanggang sa nagbinata at nagkaisip.
“Hindi po, Sir,” mahina nitong sagot.
“Manang, alam ko na may alam ka kung saan ang babaeng ‘yon. Sabihin mo sa akin kung nasaan siya.”
Ang kaninang kalmado na boses nito ay napalitan ng malakas at nakakatakot na sigaw. Halos mabingi ang lahat ng naroon dahil ngayon lang talaga ito nangyari.
Dahil maraming bantay sa paligid ng mansyon. Alam kasi ni Dion na may balak tumakas ang babae.Buong araw silang naghanap sa dalaga pero wala ito lahat ng lugar na maaaring puntahan ng dalaga ngunit ni anino ni Clarissa ay hindi nila mahagilap. Malamang ay nakapagtago na ito.
“Wala po akong alam, Sir,” muling sabi ni Manang Lena.
“Manang, sabihin mo sa akin dahil mababaliw ako kapag nawala ang babaeng ‘yon sa akin.”
Hindi alam ni Manang Lena kung kunwari o totoo ba ang sinasabi ng amo.Isa lang ang alam nito. Hindi puwedeng makita ni Dion ang dalaga.
Hindi puwede malaman mo kung saan ko itinago si Clarissa dahil kita ng dalawang mata ko kung paano mo ito pinapahirapan sa mga kamay mo! Sa isip ni Manang Lena.
Dahil sa galit ni Dion ay, sinipa nito ang lamesa at kung ano pang display sa sala ng sa mansyon nito.
“Hanapin n’yo ang babaeng ‘yon ngayon din!” sigaw ulit nito sa tauhan, galit at muling nagwala, na animo'y kaya niyang patayin ang sino mang lalapit sa kanya.
Lumabas siya sa mansyon at nagtungo sa bar kung saan siya namamalagi sa tuwing may problema siya.
Walang lumapit na babae sa harap niya dahil takot sila sa kanya. Halos mabaliw na siya sa kakahanap kay Clarissa Lee dahil tumakas ito sa mansyon. Pagkatapos niya itong bilhin sa ina nito ng sampung milyon ay tatakas lang siya? Hindi siya makakapayag. Gagawin niya lang lahat maibalik lang ito sa mansyon.***
“Hi! Puwede ba ako tumabi sa ‘yo? Wala ka namang kasama,” saad ng babae sa tabi niya ngunit hindi niya ito pinansin. Nasa bar na naman siya at nag-iisnag lumalagok ng alak.
Hanggang sa may inabot ito sa kanya na isang basong alak. Agad niya iyong kinuha at nilagok, walang natira. Maya-maya ay bigla siyang nahilo at hindi niya alam kung ano ang nangyayari.
Nagising siya hindi pamilyar na lugar, Nagkalat ang kanyang mga damit sa sahig at tanging boxers lang ang saplot niya sa katawan.
“F*ck!” mura niya.
Alam niyang ang babaeng ‘yon ang may gawa kaya agad niyang isinuot ang damit at umalis sa lugar na iyon.
Nakarating siya sa mansyon at agad na umupo sa sofa. Pumikit siya saglit.
Ilang araw na siyang abala sa paghahanap kay Clarissa. Hindi niya alam kung saan ito nagtatago dahil wala naman na itong kamag-anak na puwedeng lapitan, ibininenta na nga siya ng sarili niyang ina sa kanya.
Maliban sa ina at kapatid nito, nagbabakasakali siya sa bahay nito pero kahit ang ina ni Clarissa na si Belen ay walang alam kung nasaan ito.
Tumayo siya at nagtungo sa itaas para maligo. Madaling araw na siyang nakauwi sa bahay dahil sa walang hiyang babaeng ‘yon pinainom siya nito ng pampatulog na hinalo sa alak niya.
“Magkikita rin tayo ulit na babae ka at pagbabayaran mo kasalanan mo sa akin!” ngitngit niya bago pumasok sa banyo para maligo.
Isang oras siyang nagbabad sa tubig para maalis ang duming dulot ng babaeng bayaran na ‘yon. Ang ayaw niya sa lahat ang babaeng parang linta kung makadikit sa kanya. Lumabas siya ng banyo na tanging puting tela lang nakatapis sa kalahating niyang katawan.
Biglang tumunog ang cellphone niya sa ibabaw ng kama. Si Lance ang tumatawag, isa sa mga tapat at maaasahan niyang tauhan.
“Hello? Ano’ng balita, Lance?”
“Boss, ayon sa CCTV footage na nakuha namin, nakitang dumaan doon si Ma’am Clarissa at may dala itong gamit.”
“Alam n’yo ba kung saan ito at kung sino ang kasama niya?” tanong niya.
“Boss, wala po. Nag-iisa lang siya. Huling pinuntahan namin kung saan ito nagpahinga pero sira po ang CCTV kaya hindi po namin makita!”
“Okay, puwede na kayong bumalik, bukas ulit kayo maghahanap.”
“Yes, Boss.”
Agad niyang pinatay ang tawag at hinagis sa kama ang cellphone.
Napamura siya nang malutong.
Saan ka nagtatago, Clarissa? Pinapahirapan mo talaga ako. Oras na makita kita, ikukulong kita sa kuwarto mo hanggang magtanda ka. Ginagalit mo talaga ako! giit ng isip niya.
Mula nang dinala niya rito sa mansyon ay hindi niya ito pinapalabas sa loob ng kuwarto nito. Palagi niya ring sinaraduhan ang pinto. Walang pwedeng makipag-usap kay Clarissa maliban sa kanya.
May mga tauhan din siyang nagmamasid sa mga kilos nito.Kaya wala itong kawala sa mga kamay niya. Nakatali ang paa nito sa bakal at tanging si Manag Lena lang ang pwede lumapit sa kanya.
Isang tapat na tagapaglingkod niya ito mula bata pa siya hanggang ngayon. Itinuring niya rin ito isang tunay na ina. Alam niyang may kinalaman siya sa pagtakas ni Clarissa, at ‘yon ang aalamin niya sa kanya. Nagpalit siya ng damit nagtungo sa baba. Walang tao nang nadatnan niya sa baba at napakatahimik. Tanging tauhan niya lang nakikita niya sa labas ng mansyon.
“Manang!” tawag niya pero walang sumagot kaya nagtungo siya sa labas.
“Boss nasa palengke po si Manang, pinasamahan ko po ng isa naming kasamahan,” saad ng tauhan niya.
“Lance, kailangan nating umalis ngayon may meeting sa Makati, at sabihin mo sa ibang mga tauhan na ‘wag titigil sa paghahanap sa babaeng ‘yon.”
“Yes, Boss!” mabilis na sagto ni Lance.
Umakyat siya sa kwarto para magpalit ng kasuotan. Kailangang maaga siya katulad ng usapan nila ni Mr. Lee.
Bumaba siya at sumakay ng sasakyan habang nasa daan sila ay may biglang nagpaputok ng baril. Si Lance ang nag-drive.
“Boss, may mga kalaban!”
“Sige, ako na ang bahala sa kanila.”
Nagtungo siya sa likod at kinuha ang mahaba niyang baril. May maliit na butas sa likod kaya pinasok niya ito roon sabay paputok. Tatlong bala mula sa baril niya ang nagpahinto sa sasakyan dahil una niyang tinamaan ang driver nito.
Pero may isa pa sa likod nito.
“Lance, bilisan mo!”
“Yes, Boss!”
Mga tanga sila para isiping mapapatay nila ang isang Dion Montenegro.
“Lance, ibalik mo. Gusto yata nilang maglaro pagbigyan natin sila.”
Agad naman sumunod si Lance at nag-U-turn.
Mabalis umiikot ang sasakyan at pinaulanan niya ng bala ang mga nakasunod.
“Lance, akin na ang granada!” sa niya sabay hagis sa sasakyan ng kalaban nang maiabot iyon ni Lance. Mabilis namang itong sumabog.
Nakangisi lang siya sa nag-aapoy na mga sasakyan. Tiyak na huli na ang mga pulis bago pa sila makarating.
Nakarating sila sa location kung saan gaganapin ang meeting. Maraming bantay sa paligid at tanging dalawa lang sila ni Lance.
“Mr, Montenegro, buti sumulpot ka akala ko hindi ka na makapupunta,” salubong sa kanya ni Mr. Lee.
“May isang salita ako, Mr. Roger.Bago ako pumunta rito ay pinatay ko muna ang hayop na humarang sa dadaanan ko. I’m sorry kung na-late ako nang ilang minuto,” magalang na sagot niya sa kausap.
“Maupo ka para makapagsimula na tayo. Pero bago ako pumayag sa kasunduan natin, pakasalan mo muna ang anak ko.”
“What?! Wala sa usapan natin ‘yan, Mr. Lee. Hinding-hindi ko gagawin ang bagay na ‘yon. Ni hindi ko pa nga kilala ang anak mo!” mariing tanggi niya.
“Soon makikita mo rin ang anak ko, Dion,” kampanteng tugon ng matanda at kakaiba ang ngisi nito.
“Pero, Mr. Lee—“
“Tapos na usapan natin, Dion, kaya maiwan na kita.” Tumayo ang matanda.
“F*ck Mr. Lee, ginawa mo talaga ang dahilan ang anak mo!”Nag-aapoy sa galit ang binata dahil hindi natuloy ang meeting nila ni Mr. Lee. Gusto nitong bago sumang-ayon sa isang kasunduan ay magpakasal muna ito sa anak niya. Pero hindi rito sang-ayon ang binata.
“Hindi ako papayag na basta na lang ako magpakasal sa anak niya!” galit niyang sabi. Nakaalis na nang tuluyan si Mr. Lee at ang mga tauhan nito.
“Lance let's go! F*ck! Kung alam ko lang na ganito lang ang meeting namin hindi na ako nagpunta pa rito!”
“Boss, anong gagawin mo? Malaking opportunity kapag nakaikontrata ninyo o si Mr, Lee.
Hindi siya tanga para lokohin ni Mr. Lee. Hindi siya papaya dahil alam niyang may ibang plano ito. Kilakang tuso ito pagdating sa negosyo.
“Kailangang mong alamin kung ano’ng pinaplano niya, Lance,” pagkuwa’y utos niya.
“Areglado, Boss!”
Bago sila umalis ay pinasabog muna nila ang lugar na iyon.
“Lance, sa opisina tayo,” utos niya sa tauhan nang makapasok muli sa sasakyan.
BINABASA MO ANG
The Hot Mafia
RomanceKinatatakutan ng lahat si Dion Montenegro,kilala din ito sa boung mundo.Walang mangahas na kalaban ito pag dating sa negosyo.Konting mali mo lang kamatayan ang parusa walang awang pumatay ng tao. Galit at paghihiganti ang sa puso nito dahil sa pagka...