Clarissa’s POV
Nakarating ako sa bahay ng kaibigan ko kaya agad akong kumatok sa pinto.
“Clarissa? Bakit narito ka? Saan ka galing?” sunod-sunod na tanong ng ka kababata at kaibigan kong si Amanda. Marahil nagtataka ito dahil gabi na pero sumugod pa ako rito sa bahay nila.
Malakas pa naman ang ulan kaya nilakihan nito ang bukas ng pintuan at agad akong pinapasok na basang-basa na.
“Salamat, Amanda.”
“Maupo ka muna sa sala, kukuha lang ako ng towel sa kwarto.”
Naupo nga ako at hinintay siya. Nanginginig na rin ako. Hindi ako makapaniwalang nakatakas ako sa kamay ni Dion. Sa wakas ay nakawala na ako sa lalaking ‘yon.
Habang nakaupo ako hindi ko maiwasang maiyak dahil sa mga sinapit ko sa kamay niya. Hindi ko rin alam kong paano ko kinaya. Naalala ko ang sabi ni Nanay Belen sa akin habang pauwi na ako sa bahay.
“Clarissa, magbihis ka at ayusin mo ang mga gamit mo, lilipat ka na ng tirahan!” bulalas ni Inay Belen. Hindi ko siya maintindihan kung bakit bigla na lamang niya akong pinapaalis.
“Bakit naman po tayo lilipat ng tirahan?” tanong ko.
“Ikaw lang aalis dito Clarissa!” saad nina Azel at Sanya.
“Bakit po Nay?”
“Aba't nagtanong ka pa, ha? Bakit? Dahil sawa na kami sa ‘yo kaya umalis ka na rito!”
“Na, ‘wag n’yo naman gawin sa akin, ito!”
“Tama lang na ipagbenta kita, Clarissa! Sapat na ilang taon ko pagpapalaki ko sa ‘yo!”
Hindi ko alam kung bakit gano’n na lang ang galit sa akin ng sarili kong ina at kapatid. Minsan gusto ko nang isipin na hindi ako kabilang sa pamilya dahil hindi nila ako tinatrato na kabilang sa kanila.
Biyuda na si Nanay dahil matagal nang namatay sa aksidente si Tatay. Si Azel, ang panganay at si Sanya naman ang bunso, isang taon lamang ang agwat ng kanilang edad. Ako ang nakatatanda sa dalawa ngunit kailanman ay hindi nila ako iginalang. Parang ibang tao ako sa kanila.
Ngunit kahit na gano’n sila ay sinusunod ko pa rin lahat ng gusto nila at hindi nagrereklamo. Mahal ko sila.
“Nanay,puwede po ba dito na lang ako kasama n’yo? Gagawin ko po ang lahat ‘wag n’yo lang ako ibigay sa taong ‘yon!”
“At bakit hindi, Clarissa? ‘Wag ka nang kumontra pa! Halam magbihis ka na dahil ilang minuto na lang at may susundo sa ‘yo rito!”
“Mom, excited na kami! Gusto kong bumili ng damit na mamahalin. Ayaw ko ng mumurahin”
“Tumahimik nga kayo!” bulyaw ni inay sa dalawa.
“Clarissa, dalhin mo na ang mga gamit mo, nasa baba na susundo sa ‘yo.”
“Saan po ba ako pupunta Nanay? Hindi ba puwedeng dito na lang ako basta kasama ko lang kayo?”
“Hindi pwede, Clarissa, ‘Wag nang matigas ang ulo!”
“Huwag ka nang magtanong,diba nga sabi mo ayaw mo na kaming magkasama pa?ngayon matutupad na iyan dahil ipambanayad ka namin ng utang namin,”walang pakundangan niyang banggit sa anak.Ganon na lang ang gulat ko dahil sa narinig ko mula kay Nanay.
Mabilis na tumulo ang mga luha ko habang nag-iimpake ng mga gamit ko.
Minahal ko sila pero bakit basta na lang akong ibinenta na parang laruan? Gano’n na ba kaliit ang tingin nila sa akin?
“Isipin mo na lang na maging alipin ka roon at kapag nagsawa na ay itatapon ka na lang niya sa basurahan!” At tumawa nang mahina ang kapatid ko.
“Tumahimik ka, Sanya! Mag-aral ka lang nang mabuti.”
“Mom nag-aaral naman ako, eh.”
“Nay, maawa na kayo sa akin, gagawin ko ng lahat ‘wag n’yo lang akong ibigay sa kanya.”
Ang alam ng mga tao sa lugar namin na si Dion Montenegr ay isang walang pusong tao.Pumapatay namg walang kalaban-laban at higit sa lahat mayaman na hindi nakapag-asawa.
“Ma, mukhang nariyan na ang susundo kay Clarissa”
“Sige na, umalis ka na! Nandyan ba ang sundo mo!”
“Nanay ,maawa po kayo Susundin ko po lahat ng utos ninyo, ‘wag n’yo lang akong ipamigay!”
“Bilisan mo at baka magalit ang susundo sa ‘yo!”
Huwag ka nang mag-inarte dahil kahit anong gawin mo, aalis ka at sasama ka pa rin dahil binigay na ng tauhan ni Montenegro ang kabuuan ng halaga mo!”Napaiyak muli ako hindi ako makapaniwala na gano’n lang kadali para sa tinuring kong pamilya at kapatid ang ipagbili ako para lang pambayad utang at mabili nila ang mga nais ng kapatid.
Bumaba ako ng hagdan habang panay ang iyak ko, lumingon sa mga kapatid ko pero nakangiti lang sila sa akin, sabay kaway nila.
“Sige na, sumama ka na sa kanila!”
Turo nito sa dalawang kalalakihan na nakatayo sa labas ng aming bahay.pare-pareho ang kanilang mga suot. Sila siguro ang mga tauhan ng lalaki sa isip ko.Dahil sa klase ng mga suot nito, ni hindi man lang sila ngumingiti at seryoso ang mukha ng bawat isa.
“Dalhin n’yo na yan!” saad ng ni inay.
“Huwag n’yo hayaang makatakas ang babaeng ‘yan!”
“Lets go, Ma’am.
Ngunit ako humakbang at pinagmasdan lamang ang lugar.
Tatakas ako, kailangang makatakbo ako.
Nagkunwari akong naglakad upang tumungo sa sasakyang nasa tapat lamang ng aming bahay. Nang makalabas ng bahay at nasa kalsada na ako ay inilapag kong dala at mabilis na tumakbo paalis doon sa mga lalaki. Panay ang tawag nila sa pangalan ko pero hindi ako lumingon.
“Maam, bumalik ka!”
“Habulin n’yo bilis!” bulalas ng isa sa mga tauhan ni Dion. Agad namang ako tumakbo kahit hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.
“Maam bumalik ka!: sigaw ng mga ito ngunit tuloy lang ang takbo ko.
Hanggang makarating ako sa sulok ng daan patungo sa gubat.
“Siguro hindi na nila ako masusundan dito!” untag ko. Nawala na rin kasi ang sumusunod sa akin.
Ngunit biglang may humawak sa likod ko at may kung ano itong itinakip sa aking ilong at bigla na lang nahilo ako hanggang unting-unti nilamon ng dilim.
Nagising ako na masakit ang ulo ko at nahihilo pa ako dahil sa kung anong gamot ang nilagay upang ipantakip sa akin, ilong kanina.
“Teka,nasaan nga pala ako?”
Mabilis akong bumalikwas ng bangon.
“Wow! Hindi ko maiwasang mamangha dahil sa nakikitang ayos ng lugar. Napakaganda ng kuwarto dahil sa kulay nito. Paborito ko ang kulay na blue. Maging ang mga kurtina ay gano’n din ang kulay.
Ngunit hindi pwedeng magsaya. Hindi ko alam kong saan ako ngayon o kung ano ang gagawin nila sa akin, kaya kailangan kong makatakas bago pa ako magawan ng masama ng kung sino mang hayop na ‘yon.
Ngunit tatayo na sana ako ng bumukas ang pinto ng kuwarto kung nasaan ako ngayon.
“Magandang gabi, hija. Ako si Manang Lena, ang isa sa mga kasambahay sa mansyon na ito.” Ngumiti ito sa akin.
“Hello po, Manang Lena, saan po ba ako at sino pong nagdala sa akin dito?” tanong ko rito.
“Hija, mamaya ko na sasagutin ang tanong mo. Oras na para kumain ka. Ipinapatawag ka na ni Sir Dion.”“Manang hindi muna ako kakain.”
“Hija, ang ayaw ni Sir na pinaghihintay siya kaya tayo na bago pa magalit si Sir Dion.
“Alam ko kung bakit ka narito, hija. Kaya sana ’wag ka na lang manlaban dahil sa oras na gawin mo iyon at kapag nagalit si Sir baka kung ano ang gagawin niya sa ‘yo. Sundin mo na lang ang lahat ng kanyang sasabihin para hindi ka na niya sasaktan. Sinasabi ko ito sa ‘yo dahil natatakot akong masaktan ang isang napakagandang dalaga na kagaya mo.”
“Sige po, Manang,” mautal-utal na sabi ko dito dahil hindi ko alam kong ano nga ba ang mukha ng lalaking sinasabi nitong Sir, ang nai-imagine kasi ng utak ko ay isa itong bulag at nakakatakot ang mukha.Siguro hindi naman ako makikita ng taong ‘yon dahil bulag ito.
Napalunok ako ng laway dahil sa takot.Baka saktan niya ako tapos itapon sa basurahan kaya tumayo ako at sinunod ko ang bilin ng ginang baka nagsasabi ito ng totoo.
Hindi ko napansing napahagulgol na pala ako habang inaalala ang mga napagdaanan ko sa pamilya ko at sa lalaking iyon.Author Noted:
Hi po kung gusto nyo po mabasa ang buo sa dream po complete na po. Search nyo lang po The Hot Mafia sa dream thank you po.
BINABASA MO ANG
The Hot Mafia
RomanceKinatatakutan ng lahat si Dion Montenegro,kilala din ito sa boung mundo.Walang mangahas na kalaban ito pag dating sa negosyo.Konting mali mo lang kamatayan ang parusa walang awang pumatay ng tao. Galit at paghihiganti ang sa puso nito dahil sa pagka...