May gusto akong makamit isang pambihirang bagay.
Pero ako'y laging inip parang among nagaabang sa alalay.
Gusto ko ng makuha ngunit kailangang maghintay.
Isang mahabang pasensya para sa pinapangarap na buhay.
-
Wag nga daw madaliin ika nga ng mga matatanda.
Lubos na magsaya habang tayo'y mga bata.
Hindi tulad ng iba mistulang nagmamadali at kakaunti ang pasensya.
Kaya sa eskwelahan mga grado'y puro mabababa.
-
Tulad din sa pagibig yung iba'y gusto lang ay harot.
Hindi marunong maghintay kaya nalalagot.
Kadalasan sa mga lalaki'y mabilis mapagod.
Kakaligaw pa nga lang eh, hanap na agad ay sagot.
-
Sa lahat ng pagsubok matuto tayong lumaban.
Mahabang pasensya at tiyaga ang kailangan.
Umasa sa sarili at sa taas na makapangyarihan.
Pagkabigo ang susi sa tagumpay yan ang laging tandaan.
-
Kaya huwag lubos na madaliin ang proseso ng buhay.
Na para bang lumang punong kahoy na inaanay.
Mga regalo ng Diyos ay sakto sa oras at tiyak na babagay.
Kaya alam ko na ngayon kung bakit kailangang maghintay.