Nandito ako ngayon sa 7 11, malay ko ba dun kay Ford pinapunta pa ko dito. May pupuntahan daw kmi. Jusq, pinagpaalam pa ako kay Kuya.
Pero antagal nya lang, mejo nkaramdam ako ng gutom hbng hinihintay siya kaya bumili muna ako ng pagkain dito.
Habang sarap na sarap akong kumakain dito may hinayupak na kumulbit sakin.
'bakit ba??' Ako
'Ano ka ba naman nalate lang kami ng konti nagutom ka na? Hahaha' Ford
Aba si Ford pala, pero ba't kami? Eh wala naman siyang nabanggit na may kasama pa kaming iba ah.
'Kami? Akala ko tayo lang?' Tanong ko.
Tas biglang sumulpot si Nathalyn sa likod may hawak na ice cream.
'Ah, alam ko na pala kung sino yung sinama mo' sabi ko sabay tumalikod ulit at tinuloy yung pagkain.
'Bes naman, sorry di kona nasabi sayo na kasama sya. Nkalimutan ko sabihin sayo e' paliwanag ni Ford.
'May maggagawa pa ba ko? San ba tayo ppnta?' Tanong ko dahil tapos na din naman akong kumain.
'Mall tayo, tas nuod sine. Wag ka magalala my treat hahaha' Ford
'tss, tara na. no need na ilibre ako. May dala akong pera noh!' Sabi ko dito.
Pinauna ko naman silang maglakad na sana pala hindi ko na lang ginawa bigla akong nagsisi e hahaha.
Ba naman ang taong gusto mo kitang kita mo kung pano makipaglandian sa GirlFriend nya. Saya diba? Hahaha.
Hinayaan ko nlng X)) nakarating di naman kami sa mall at etong si Nat nagyaya sa mag-arcade. Alangan nman tumanggi pa ako? Di naman ako Kill Joy noh! Hahaha.
Ayun sabi ko kay Ford laban kamj sa basketball, Pero sabi nya si Nat na lang daw tas tutulungan nya to dahil di daw ganun kagaling magshoot. So ako ba magaling magshoot? Jusq -.-
At ayun nga nag-Start na kami maglaro, lamang pa naman ako pero 'tong kalaban ko reklamo ng reklamo ganto sinasabi..
Ngawit na ko babe.
Ansakit na ng braso ko.
Babe tulungan mo ko.
At eto nmang si Ford dahil nga girlfriend to the rescue kaya imbis na manalo ako sila yung nanalo, eto pa sabi pagkatapos.
'Weak ka pala bes e! Hahaha' sabi ni Ford tas mejo napangiti naman si Nat. Aba't!
'hoy kung di mo lang tinulungan si Nat ako panalo e!' Sabi ko pero tumawa lang sila.
Pahingi pa po kahit konti pasensya please?
'Tara na lang, manuod na tayo ng sine' sabi ni Ford tsaka ulit sila naglakad syempre si Ford nkaakbay kay Nat tas si Nat naman nsa may waist ni Ford yung kamay.
Ayaw naman nilang mag PDA noh?
At eto na kmi sa sinehan. Si Ford nabili ng pagkain naiwan naman kami ni Nat dito, at aba ang loka-loka ansama mkatingin sakin. Anong bang ginawa ko dito?
Ako na nga tong nagpapaka-martyr para sa kanila e. Pero napaisip naman ako, ba't nga ba di na nga lang ako umalis. Aba nagmumuka akong Guardian sa dalawang to :3
'Alis na ko, pakisabi na lang kay Ford sumama pakiramdam ko...
...May masamang hangin kasing nandito' sabi ko pero syempre mahina na yung panghuli. Bka isumbong pa ko nito kay Ford.
'Dapat lang, sge alis na' sabi ni Nat
Lintik talaga yung babaeng yun! Kung di lang sya gf ni Ford e naku!
Umalis na nga ko, tinext ko na din nmn si Ford.
To: Ford
Alis na ko, biglang sumama pakiramdam ko.
Yan lang tinext ko pero hindi muna ko umuwi syempre hahaha. Gusto ko pang magmuni-muni.
Pero ayoko namang seryosohin ang mga bagay bagay noh! Masakit sa feels lol.
Kaya eto tumambay muna ko sa park wala namang masyadong tao dito.
xxx
Mejo nawili naman ako dito kaya 3:30 na ng hapon eh andito pa din ako, pero para mas masaya umakyat ako ng puno hahaha. Pero kita ko pa din naman yung mga nangyayari sa baba.
May mga batang naghahabulan sa kabilang gilid. Sa kabila naman may nkaupo sa bench mukanv nagde-date ata. Pero sa kabilang side may hindi ako inaasahang makitang may kayakap at mukang angsweet-sweet pa.
Tama ba tong nkikita ko?
Si Nathalyn may kasamang ibang lalaki.
Niloloko nya ba yung Bestfriend ko?
Aba sayang naman yung pagpaparaya ko, kahit naman hindi kmi mag-on ni Ford BestFriend ko naman yun!
Pinicture'an ko nlng ipapakita ko nlng kay Ford.
Initay ko muna silang umalis bago ako bumaba dito sa puno. Tsaka umuwi di ko naman matext ngayon si Ford wala akong load. Ppnta nalang ako sa kanila mamaya.
Pero maniwala kaya sya sakin?
***
A/N: patawad po sa sabaw na ud ^_^v
BINABASA MO ANG
Wala Namang Tayo
Short StoryMahirap kung hindi natin alam kung saan tayo lalagay sa buhay ng isang tao. Yun bang akala mo, Yung pinaparamdam nya sayo totoo pero para sa kanya. isang simpleng pagrespeto lng pala sayo. Yun bang mga pinapakita nya sayo akala mo sayo lng nya ginag...