Chapter Seven

27 14 3
                                    

While I was walking towards the well. Nakita ko si Jasmine at ang mga barkada niya sa bahay nina Rusty Lavigne. Nagkakantahan habang pinagsasaluhan ang pancit. "Hi Cole!" bati niya.

First time niya akong binati kaya medyo nagulat ako pero binati ko siya pabalik. I don't want them to call me maldita. I "Hi" won't hurt. Tumungo muna ako 'kay tiya Sandra para bumili ng C2. Habang naglalakad sa madilim na bahagi ng kalye ay may nakasalubong akong pamilyar na pigura.

Hindi ko makita ang mukha dahil sa dilim ngunit pamilyar talaga ito. "Where are you going?" napakurap ako ng huminto ito sa mismong tapat ko. The voice... It's Nicholai. Ngayon lang siya?

"Uhm-b-bibili lang, bakit?" tanong ko. My heart's beating so fast and I feel like anytime now my knees will surrender. Nakakahiya! I can hear my own heartbeat despite the fact the there's a loud music coming from one of my neighbor's house.

"Samahan na kita." my eyes widen. "What? No!- i mean Nic, there's no need. D'yan lang ako b-"

"I have to buy something." napakagat ako ng labi sa kakahiyan. Right, of course. Nicholai won't accompany me! May bibilhin rin siya kaya niya ako sasamahan.

"Okey." yumuko ako at naunang maglakad sa kanya. I can hear his footsteps from behind. I smile. Tumayo lahat ng balahibo ko sa sobrang kilig. Gosh, baliw na ako

sa kanya.



"You okey?" haluh! kinakausap niya ako. "Ahh, oo. Ikaw? Kumusta ang gabi niyo? Saan kayo nag celebrate?" tanong ko.

"Sa may FMB Barbeque ata yun. Sa harap ng plaza." ngumiti ako. "Balita ko masarap daw ang ulam nila doon." sabi ko at napahinto. Nagulat ako sa paghinto ko ay tumama ang katawan niya sa akin. Ang hininga niya ang nasa batok ko dahilan para mag init ang buong katawan ko at magsitayuan ang balahibo ko.

"Why did you stop?" his voice turns husky. Napapikit ako at pinilit ang sarili na lumayo. "S-sorry. Na excite lang sa sinabi mo na doon kayo kumain sa FMB Barbeque. Kilala ko kasi ang may ari ng Inasalan kaya... uhm... S-sige."



Mabilis akong nakarating sa tindahan. "Tao po! Pabili po!" nilakasan ko ang boses ko para agad na tumalima ang tindera.

"Ano 'yun?" sagot naman nito.

"Dalawang C2 po 'saka dalawang Nova 'yung Cheddar." ani ni Nicholai. Ako nauna ah! Tsaka C2 at Nova?!! Yun rin ang akin!

Favorite ko ang mga 'yun. "Eto oh, 60 lahat iho." mahal naman. "Akin rin po C2." sabi ko. Bukas nalang ako bibili ng Nova.

"No need, this is for you." nanlaki ang mata ko ng inabot ni Nicholai ang C2 at 'saka ang isang Nova.

"B-but..."

"No more buts." said he. Tinanggap ko ang binigay niya ng tulala. He's making me fall for him even harder. Is this kind of what they called "coincidence"? 'cause right now, I don't think it is. Why? Both are my favorite. Well, I shouldn't overthink. All of this are purely coincidence.

"Whatever you're thinking is right. So don't overthink."

Seriously Nicholai Hererra?! I'm in between the "coincidence" or not! How would I know! But anyway, I shouldn't overthink.

I DID NOT SLEEP. How can I sleep when my mind is awake? How am I supposed to sleep? God! Lutang akong tumungo sa kusina at ginawa ang mga gawain. Maaga akong natapos sa lahat dahil maaga rin naman akong nagising-cut that, I didn't sleep at all pala. Anong gagawin ko? Pa'no kung antukin ako mamaya sa class?

"Tao po!" nagulat ako ng biglang may sumulpot. Si Jasmin! But why?

"Min? May kailangan ka?" tanong ko. Ngumiti siya. "Good morning Cole, uhm... kasi, pwede bang sa tricycle tayo mamaya ni tito Nico? Kung okey lang naman." napatango ako. "s-sige." ngumiti naman siya. "maliligo na ako. Mabilis lang. See you later!" tumango ako kahit na nagtataka sa inaakto ni Jasmin.


Is she okey?

"Ate, tapos na ako." tinanguan ko si Cisca at pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos maligo at tinuyo ko ang buhok ko gamit ang tuwalya at nagsuot ng uniform. Agad kung tiningnan ang bag ko at hinalukay kung may assignment ba akong nakaligtaan at nang makitang wala naman ay inilagay ko na ang baonan namin sa aming bag at agad na nagtungo sa kwarto kung saan natutulog si mama. Kinuha ko ang kanyang wallet at kumuha ng dalawang bente at isang sampung piso para pambaon namin ni Cisca.

Binalik ko ang wallet ni mama sa kama at lumabas. Iniabot ko 'kay Cisca ang bente pesos at agad niya naman iyong tinanggap. Kumuha ako ng biscuit sa cabinet at inilagay sa aming bag. Pagkatapos ay tumungo kina tito Nico.




Si Nicholai kaya kasabay? Sana oo.


Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko. Mabuti nalang at walang tao sa paligid maliban sa kapatid kong busy sa pagbibilang ng coins niya. Ang kapatid kong to, hindi magasta kung kaya't marami siyang naiiwang pera sa bag niya. At binibilang niya iyon kada umaga.

"Ate? 'kina tito Nico tayo sasakay?" tumango lang ako.

Nakarating kami kina Nicholai. Wala pa sila. Nag aalalangan tuloy akong lumapit. "Ate! Bili muna ako ng C2!" nakapako ang paningin ko sa pintuan nila Nicholai ng sabihin iyon ng kapatid ko. Automatic namang namula ang pisngi ko dahil biglang pumasok ang senaryo kagabi sa isipan ko. Pero... Laking gulat ko ng lumabas bigla si Nicholai sa harap ng bahay nila at diretso ang mata niyang tumitig sa akin.


Nang akmang aalis na ang kapatid ko ay pinigilan ko siya. "M-malapit na t-tayong aalis. Sa s-school kana bumili." sabi ko. Ngumuso naman siya pero tumango. Nag angat ako ng tingin at nakatitig parin si Nicholai sa akin. Haluh, bakit?! May dumi ba ako sa mukha?


Kinalabit ko si Cisca at tinanong. "Marumi ba ang mukha ko?" tanong ko. Agad naman siyang tumango. Nanlaki ang mata ko at agad na kinuha ang maliit na salamin sa bag ko. Nang makuha iyon ay tumalikod ako at tiningnan ang sarili ko sa salamin pero nagtama ang kilay ko ng makitang wala namang deperensya sa mukha ko. Hinarap ko si Cisca pero...




Mukha ni Nicholai ang bumungad sa akin. Bahagya pa siyang nakakuyo habang nakatuon ang mukha niya sa akin. Haluh... Bakit?!



"Good morning Nic. You look good in the morning even though you look sleepy." did he just seriously said that?












He said that I look good in the morning! Kaya ba nakakatitig siya sa akin simula kanina? Kasi I look good?






"Good morning guys! Alis na tayo?" napakunot ang noo ko. "Si tito?" tanong ko 'kay Jasmin na biglang sumulpot. Nakita niya kaya kung gaano kalapit ang mukha ni Nicholai sa akin kanina?


"Ah hindi ko ba nasabi sa'yo? Si Nicholai ang magd-drive sa atin."




"Huh?" tanging naiusal ko.



Well, alam kong marunong siya pero bata pa siya. May tiwala naman ako sa kanya pero... argh! Basta may tiwala ako sa kanya.

OUR ENDLESS LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon