Chapter 11

25 3 0
                                    

Chapter 11

*Sophia's POV*

1 week na ang lumipas at no sign of Xavier ang nahahanap ko. Palagi nga akong mag-isa kapag nagp-practice eh. Ang loner ko na tuloy, nahuli ko nga minsan na pinagtatawanan ako ng mga kasama ko habang nagppractice kami.

Halos maiyak na ako ng wala man lang nalamang balita kung nag-out of town ba sila ng pamilya niya o ano. Pero baka naman may importante lang silang pinuntahan kaya siya absent.

Pero dumating na ang 1st day at 2nd day ng Intrams pero wala pa rin akong balita sa kaniya.

Pero pansin ko lang din, one week na ding absent si Claire. Secretary ako kaya alam ko kung sino-sino ang absent. Di kaya...

Di kaya magkasama sila?

Halos mapaluha ako kapag maalala ko yun. I just shrugged that thought. Nandito na ako ngayon sa backstage, naghahanda para mamaya. Wala pa rin akong partner hanggang ngayon at alam kong si Caden din.

Well, at least may kasama akong walang kapartner diba? Gustong-gusto ko ng magbreakdown pero dahil sa mga 'SophVier Shippers' sa labas na nagc-cheer para sa min, di ko yata kaya.

Naabutan ko naman yung instructor na papunta sa akin at may sinabi. "Change of plans. Partner mo na si Mr. Hernandez kasi ipinautos sa ken na si Ms. Melendrez and Mr. Buenavista ang pairs. Don't worry, wala namang maiiba sa pinractice niyo kaya okay lang." Ng makaalis na siya, halos malaglag na yung panga ko sa sinabi niya.

W-what???

No, hindi ako papayag. Akmang susundin ko na sila ng bigla na lang nagsitilian mga kasama ko kaya napalingon ako sa gawi nila at sa tinitingnan nila.

At nakita ko dun si Xavier and Claire na magkaholding hands na pumasok backstage. At nasabi ko na ba sa inyo? Na mga ClaVier shipper 'tong mga kasama ko?

Tinitigan ko si Xavier and nahalatang may kakaiba nga sa kaniya. Ni hindi man lang siya makatingin sa akin habang ngumingiti siya na pinapansin yung mga 'fans' niya.

Biglang may tumulo na luha galing sa mata ko. Pasalamat na lang ako at waterproof 'tong make up na ginamit ko. Nang magtama ang tingin namin ni Xavier, bigla akong napaiwas ng tingin at pinahid yung luha galing sa mata ko.

Am I already inlove with him? Bakit ngayon ko lang napansin?

Pumasok na lang ako sa dressing room ng hindi man lang sila tinitingnan.

***

Start na ng Ms. And Mr. Intramurals 2014-2015 kaya naririnig ko na ang malalakas na hiyawan ng mga students sa buong gym. Kumakabog ngayon yung dibdib ko. Nasa may left side kami ngayon ni Caden dahil kami ang pang-number 7 na candidates while sila Claire and Xavier ay nasa may right side kasi sila ang pang-number 8. Wala pang nakakaalam sa mga audience na kami ni Caden ang magpartners.

Na nag-change of plans ang instructor namin. Unexpected naman kasi ang lahat. At kailangan ko ng maghanda dahil for sure, magugulat silang lahat dahil sa pagchange of partners.

Iaannounce din daw naman mamaya kung bakit nagchange of plans kapag kami na ni Caden ang lalakad sa stage. Sumisikip yung dibdib ko dahil sa pagpigil ng mga luha na kanina ko pa pinigilan. Ayaw kong masira lahat ng pinaghandaan ni mommy at dapat hindi ko din ipahiya ang sarili ko sa harap bg maraming audiences.

Ito na, kami na ni Caden ang rarampa. Hinawakan ni Caden ang kamay ko and gave me an assuring smile bago kami lumabas ng backstage at naglakad.

As expected, natigilan ang ibang fans kung bakit si Caden ang partner ko. Marami nang nagbubulungan kaya pilit kong ialis sila sa utak ko habang patuloy na lumalakad. Hingang maluwag...ito na, iaannounce na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Perfect Two (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon