Pag tungkol sa lovelife ko ang usapan, isa lang talaga ang masasabi ko, isa itong malaking WRONG TIMING.
---
"Janice! Nakita mo na ba yung balita? Kung hindi pa dali na! tignan mo na!"
Katatapos ko lang maligo nang mabasa ko ang txt na yan galing sa kaibigan ko, kaya naman binuksan ko na ang T.V at inilipat ang chanel sa balita.May nakikita ako ngayon na mukha ng lalaki sa screen ng T.V ko. Hayy, miss na miss ko na talaga sya.
Bakit parang ang hirap mo nang abutin ngayon?Naaalala ko pa dati nung magka-klase tayo nung hayskul, lagi tayong magkasama, walang makapag pahiwalay satin, yun bang kulang nalang magtabi tayo pati sa pag tulog. Naaalala ko pa, halos parehas tayo ng mga hilig nuon.
Naaalala mo ba? Parehas tayong mahilig kumanta at tumugtog ng gitara. Naaalala ko pa, tuwing break sabay tayo, pupunta tayo sa garden ng school dala dala natin yung gitara natin at duon tayo tutugtog, naaalala mo ba yung paborito nating kanta? Ang saya saya ko pag tinutugtog nating parehas yun. Lagi tayong sumasali pag may singing contest sa school, matalo man tayo o manalo, masaya parin tayo kasi nga magkasabay tayo nag perform.
Naalala ko pa nga nun, kung may problema ako lagi kang andyan para tulungan ako, at ganun din naman ako sayo.
Minsan nga sabi ko sayo may problema ako, pero nung tinanong mo ako kung anong problema ko hindi ko masagot sagot. Kasi nga yung mga panahon na yun ikaw yung problema ko. Nuon kasi unti unti na kitang nagugustuhan. Kinulit mo pa nga ako nuon kasi gusto mo talaga malaman at makatulong pero paano ka makakatulong kung ikaw naman mismo yung problema ko? Kaya sa huli sumuko ka na rin, hindi mo na inalam kung anong problema ko.
Ang dami ngsamahan na magagandang ala-ala, na hanggang ngayon ay hindi pa naaalis sa isipan ko.
Naaalala ko nun yung naka masayang araw ko, pero yun din yungpinaka malungkot. Kasi naman nagtapat ka sakin ng damdamin mo, sabi mo pa nga
"Janice, may gusto sana akong sabihin sayo"
"Ano yun?" sagot ko naman agad.
"Uhhmm,.. Ah janice."
"haha! Ano ka ba naman dave, nag aantay ako oh? Dali na sabihin mo na!" natawa pa ako sayo nun kasi dimo masabi sabi yung dapat mong sabihin."uhm Janice, gusto kita... Ay hindi pala, Mahal kita." Ang saya ko nun nung marinig ko yang mga katagang yan galing sayo.
Mahal mo rin pala ako! Yung mga oras na yon parang ako na ang pinaka masayang babae sa buong mundo, kasi naman mahal din ako ng mahal ko.Pero na pawi rin agad ang kasayahang nararamdaman ko daling sa sunod na sinabi mo.
" aalis na ako mamaya, pupunta ako sa manila. Natanggap ako dun sa sinalihan kong audition. Inalok nila akong maging artista, syempre tinanggap ko yun dahil alam naman natingpareho na yun yung pangarap ko mula pa nung bata ako, ang sumikat at maging artista" para akong binagsakan ng napaka bigat na bagay mula sa itaas nung marinig ko yang sinabi mo.
"Pwede bang wag nalang? Mamimiss kasi kita haha!" sinabi ko sayo yun ng pabiro pero totoo yun gusto kong sabihin sayong wag ka nalang umalis, dito ka nalang sa tabi ko, mahal din kita dave.
Pero mas inisip kita, kasi pag sinabi ko yun sayo nuon baka wala ka ngayon dyan sa pagiging artista, baka hindi mo naabot ang mga pangarap mo ngayon.
"Uhm, dave?"
"hmm?" gusto ko na talagang sabihin sayo kung anong nararamdaman ko, na mahal din kita. Pero tila may pumipigil saakin."Mag iingat ka ruon ha? Wag kang makakalimot. Lagi mo akong alalahanin. Mamimiss kita" yan ang nasabi ko sayo imbes na Mahal na mahal din kita.
"Oo naman. Iingatan ko ang sarili ko para sayo janice. Mamimiss din kita. Janice, babalikan kita. Antayin mo ako. Mahal na mahal kita" yan, yaan lang ang pinang hahawakan ko hanggang ngayon. Na babalikan mo ako, kaya hanggang ngayon nagaantay parin ako, umaasa na babalikan mo.
Hanggang ngayon naaalala ko parin yang mga yan. Ikaw kaya? Naaalala mo parin kaya ako? O tuluyan mo na akong nakalimutan?
Narinig momula sa T.V ang tanong ng reporter sayo.
"Dave, kumusta naman ang lovelife mo ngayon?" napatingin ka langsa camera kaya parang ako tuloy yung tinitignan mo.
"for now, wala akong girlfriend. Pero may mahal na ako."May mahal ka na? Para akong sinasaksak. Ang sakit malaman na may mahal ka na. Ilang taon kitang hinintay, pero may mahal kana.
"Dave saan mo naman planong mag summer ngayon?" tanong naman ng isa pang reporter.
"Uhm, gusto kong pumunta sa hometown ko, may babalikan ako run. Yung mahal ko. Janice dela Cruz, antayin mo ako dyan. Mahal na mahal kita, sana di mo pa ako nakalimutan"
Nabigla ako sa sinabi mo. Naiiyakna ako sa saya ng nararamdaman ko. Ang sayasaya ko. Hindi mo papala ako nakalimutan.
"Dave, hindi kita kinalimutan. Mahal na mahal din kita"