Chapter 2

4 2 0
                                    

"This is Alianna Maudeline Salarteixo. She is the former captain of Phoenix Flames I am talking about last week. She will replace Morelos' position." Coach explained.

I waved at my new team members. They smiled and greeted me, they all look beautiful.

"Hi you can just call me Mau instead," I bowed at them, lumapit naman sa 'kin ang isa. She's Margaux, the captain. I researched the players of the Lady Bulldogs before.

"I'm Margaux Alcantara but you can call me Marg," She smiled and shook hands with me.

"I'm Riana Amaris, ang pinaka-magandang middle blocker ng Bulldogs,"

The others introduced themselves as well.

"Salarteixo, here is the schedule of everything that also includes the schedule of the cafeteria, the key for your locker and the gym," Inabot sa 'kin ang portfolio and dalawang susi. I thanked him.

Kinuha ko ang water ko sa bag pati na rin yung phone ko, I kept my bag sa locker then I joined them for training.

Noong una ay naiilang ako ngunit naglaho rin iyon dahil komportable silang kasama.

Dalawang oras at kalahati na practice ang ginawa namin bago kami natapos.

"Mau, what's your course?" Tanong ni Riana.

"Civil Engineering, ikaw ba?" I said while drinking water from my tumbler. Actually noong highschool ako ay Architecture ang gusto kong kunin na course ngunit nagbago rin iyon.

"Nursing," Tumango ako. Hindi ko alam kung bakit kinuha na agad ako ng NU na maging part ng volleyball team kahit I have zero experience towards big leagues like UAAP, but I am still glad.

"What's your IG account? I'll add you sa groupchat namin," Binigay niya sa 'kin ang cellphone niya kaya tinipa ko roon ang username ko sa Instagram.

Nagring ang phone ko at kinuha ko ito mula sa bulsa ng bag ko, Si Achilles ang tumatawag. Nagpalitan kami ng number kagabi before we parted ways.

I picked up the call.

"Hello?"

"Nasa practice ka pa ba? Sunduin kita mag-fishball tayo. Bawal umangal batas ako," He joked.

"Okay, I'll freshen up. Sa main gate ka na dumiretso." I said and ended the call.

Pumunta na 'ko ng shower room at nagwash up, then I changed into light brown pants and a blue fitted top. Siyempre nag-sapatos rin ako dahil hindi naman pwedeng naka-paa ako.

Nag-paalam na ako kina Riana at iba pang mga teammates ko, kinuha ko ang iba kong gamit sa locker at nag-lakad na papunta sa gate.

I saw Achilles' car parked outside. His car isn't fully tinted kaya nakikita ko ang ginagawa n'ya.

Looks like he can't hear me dahil napaka-lakas ng ng tugtog ng stereo niya and he was singing his guts out kaya sumakay na ako.

"Dadalhin kita sa aming bahay 'di tayo magaawa- Ay gago!" He flinched.

"Tara na nagugutom na 'ko, ang panget ng boses mo. May pa-kulot pa ampota." I remarked. May gana pa siyang sumali sa banda noon ha? Parang boses ng kambing naririnig ko kapag kumakanta siya.

"Hmph." Sabi niya at hinawakan na ang manibela.

"Alam mo ba natamaan ko ng bola yung captain namin kanina? Kung minalas nga naman," Kwento niya sa akin.

He started to drive somewhere I don't know, then his phone rang.

"Speaking of, Pasagot po master,"

I sighed and picked up his phone from the dashboard. I put it on loudspeaker.

"Achilles, where the hell are you?" isang baritonong boses ang narinig ko mula sa kabilang linya.

"Nasa Earth." Achilles said jokingly.

"Stop messing around and pick me up! You said you'll treat me because of what happened earlier,"

Maybe this was the captain he was talking about a moment ago.

"Saan ka ba?"

Bumalik kami ng daan at tinahak ang daan papunta sa campus ng UPD, I guess may kasama kami kumain ng fishball. He laughed out loud when he dropped the call, anong trip nito?

Dahil medyo malayo ang NU papuntang UPD ay nag-carpool muna kami ni Achilles ng mga kanta ni The Weeknd.

Masyado kaming nag-enjoy ni Achi kaya hindi ko namalayang nasa UPD na pala kami. Huminto siya sa isang waiting shed at may isang lalaking nakaupo doon.

A tall guy walked towards Achi's car, akma siyang sasakay sa shotgun seat pero he got startled nung nakaupo na ako roon.

Umikot siya para sa likod umupo, pag-sakay niya ay amoy agad ang scent niya.

Pasimple akong tumingin sa rear view mirror.

Ang gwapo pala ng captain ng Fighting Maroons.

He's just wearing a white shirt and beige shorts but he still looks mesmerizing, idagdag mo pa ang tanned skin niya. Mau anong behavior 'to?

"Mau, si Capt. Sidero nga pala,"

Tumango na lang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko, mukhang introvert rin si Captain.

Nakarating na kami sa area na punong puno ng nagtitinda ng street foods sa gawi ng Katipunan Ave. Nagpark si Achi sa may tapat na building at tumawid na lang kami. Hawak ko sa isang braso ni Achi habang nasa likod naman namin si Capt.

"Ayan Cap masaya ka na ba nalibre ka na? Mukha ka pong libre," Achilles mumbled while tumutusok ng fishball.

"What did you say?"

"Ah wala, sabi ko Mau kumain ka pa," Sabay subo sa 'kin ng dalawang fishball. I glared at him at tumawa pa siya.

Sinubuan ko rin siya ng limang fishball sa bibig nya kaya mukha syang squirrel ngayon. Muntik ko pang mabuga 'yung nasa bibig ko.

Nakarinig ako ng umubo sa likod ko kaya inabutan ko agad siya nung bottled water na hawak ko.

Hindi sila nagkakalayo ng height ni Achilles ngunit mas matangkad ng onti si Cap.

"Thanks," He said.

Pogi ng boses, shet naman.

Kumuha rin ako ng proven dahil favorite ko 'yon. Nang nabusog kami ay nag-bayad na si Achilles, naglakad lakad muna kaming tatlo sa Luneta si Cap ay nanatili pa rin sa likod namin habang nagcecellphone. Madapa pa siya sa ginagawa niya eh.

Nagsasalita rin pala si Cap kaso word by word lang.

"Zacharius Sidero Castiel pala 'yang full name ni Capt., seryoso no joke, add to heart mo na 500 na lang pang-bawi sa ibinayad ko kanina," Achi chuckled by his own words.

"Ulol 95 lang yata ang binayad mo kanina, gipit na gipit ka ba?" I responded.

"Cicero, just drop me to the nearest 7-11 and thank you for treating me. Don't hit me with a ball again kung ayaw mo na ikaw na ang hampasin ko," Ani Sidero. Ayan na yata ang pinakamahabang sinabi niya ngayon na magkasama kami.

Inihatid na namin si Sidero at tumulak na ulit kami pauwi sa condo.

"Ang gwapo ng captain niyo,"

"Mas pogi ako ro'n, hindi lang halata kasi sikreto ng mga gwapo," Sige, pagbigyan.

"Ano ka Master?"

"Oo, Master ni Number 16 Salarteixo," Ngumisi siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing Sidero (Salarteixo Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon