CHAPTER 3

1 1 0
                                    


"Pupunta ka na ba talaga doon Prix?" malungkot na tanong ni Michelle. "Hindi ba pwedeng sa akin ka na lang tas palabasin na lang natin na pumunta ka dun sa probinsya"

I looked at her with pure disbelief. Seryoso ba ang babaeng toh sa mga pinagsasabi niya?

"Are you being serious now?"

"I'm serious Prix. Kung ayaw ka ng patirahin ng mga magulang mo dito edi doon ka na lang sa condo ko tutal ako lang naman mag-isa doon" suhestiyon niya pa.

Napataas ang kilay ko sa naging suhestiyon niya. Hmm maganda yung naging idea niya. Bat kaya hindi na lang ako pumunta sa bahay nila at palabasin diba na andun ako sa probinsya wherein fact nasa kila Michelle lang ako.

Napangiti ako ng palihim sa naging idea ni Michelle. May maitutulong din pala itong babaitang ito sa'kin eh.

"On the contrary maganda yung ideya mo ah. Pwedeng diyan muna ako sa condo mo may pera naman ako eh"

"Wag ka ding mag-alala may pagkain naman akong stocks dito kaya hindi tayo magugutom"

I smiled sweetly at her "Pagkauwi natin you should ready your condo na ayokong pagdating ko pa ikaw maglilinis"

"Duh malinis palagi ang condo ko excuse me. Cleanliness is a must for me"

"Good" Sumipsip ako ng juice bago ito itapon sa basurahan.

"May laman pa yun. Napaka-aksaya mo talaga sa pagkain" panenermon niya.

"Saka mo ko sermunan if pera mo na ang ipinangkakain ko okay? I'll better go na kailangan ko pang mag-impake for tomorrow" pamamaalam ko.

"Shall I fetch you tomorrow?"

"Of course no ako ang pupunta sa'yo mahahalata nila pag pumunta ka sa bahay namin just text me your exact address"

"Okay sige ingat Prix"

I didn't bother to answer her instead pumanhik ako sa sasakyan ko at saka ito sinimulang maniubrahin.

After a few minutes ng naging pag-uusap namin ni Dad, tumakas ako uli samin at tinawagan si Michelle to meet me up at the seven eleven. Hindi naman din siya nag-alangang um-oo sakin.

I didn't know why I called her pero siya yung unang taong pumasok sa isip ko na kausapin. Gladly hindi siya nagreklamo kahit sobrang gabi na. It was already 11 pm. Nahihilo pa din ako but I can still manage myself.

Pagkarating ko sa bahay, umakyat ako sa pader papunta sa kwarto ko gamit ang isang hagdan. Nakabukas na yung bintana ko kaya di ako nahirapang makapasok kaagad.

I slammed my body unto the soft mattress of the bed as tiredness consumes my whole system. Hindi na ako nag-abala pang magbihis o hubadin yung boots na suot-suot ko, niyakap ko na lang yung unan sa gilid ko and starts closing my eyes.

IT'S already 6:00 A.M in the morning ng magising ako. I put my hair into a bun at nagsimulang mag-impake ng mga gamit.   Lahat ng magagandang damit ay inilagay ko and leave those clothes na hindi ko na bet suotin bahala silang mabulok dito.

I also put my shoes, sandals and boots sa isa pang bag. Sa isang handbag naman ay inilagay ko ang mga perfumes, make-ups and other stuffs that I really needed hindi naman pwedeng manghiram ako kay Michelle while I am at her condo.

After I am done packing my things I heaved a heavy sigh at saka pumunta sa banyo upang maligo. Mabilis lang ang naging pagligo ko, ganito siguro talaga if kating-kati ka ng umalis sa tinutuluyan mo ngayon.

Nakatanggap ako ng text mula kay Michelle telling me her address and mag text na lang daw ako if malapit na ako para masalubong niya ako sa labas.

Sinuot ko yung white rub cami top ko placed with a white laced cardigan top, a denim skirt match with chained belt and a laced black boots. I blow dried my hair for a few minutes and put it into a messy bun. Inilagay ko din ang customized heart necklace ko na may pangalan ko pa mismo sa right bottom part ng heart. I bought this as a gift for myself during my 18th birthday.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 20, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That One Summer Time - EL BELAMOUR SERIES 7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon