Eight

2 0 0
                                    

CHAPTER 8

    PRINCE LEE MIN- SEO

CHAE-WOL POV ( Queen Ashtrid )

" Pakiusap kamahalan huwag nyo akong tingnan ng ganyan" naiilang nyang sabi sakin, Kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya hindi kasi ko comfortable lalo na at kaming dalawa lang dito.

" Ginoong Kim, Kung anak ka ng isang pantas marahil isa kang guro?? Ouh isang pantas din tulad ng iyong ama, pero napaka bata mopa naman para maging isang guro" sabi ko sa kanya.

" Nagkakamali po kayo kamahalan, nasa kalagayan pa ako na kaylangan kung mamili, kung akoy magiging isang patas o guro, o isang kawal" sagot niya saakin.

Muli akong napatingin sa kanya kaya agad siyang umiwas ng tingin saakin, Nanatili siyang naka tayo
Ang laki talaga ng pagkakaiba ng mga ugali ng tao dito sa panahon ko.

" Ginoo, maari ko bang itanong kung gaano kahalaga ang isang prinsesang tulad ko sa bayan"
Natagalan siya bago sumagot

" Kasing halaga ng hari kamahalan" sagot niya
" Nagsisinungaling ka" sagot ko sa kanya kaya napatingin siya saakin.

" Sa panahon na ito mas pinapahalagahan ang isang lalaki, at kahit akoy isang prinsesa sa oras na akoy mag asawa ang tanging karapatan ko lang ay manatili sa tahanan at pagsilbihan ang aking mapapa-ngasawa at magiging anak" hindi siya naka sagot sa aking mga sinabi.

" Hindi ko kasi maintindihan kung bakit ang isang babae ay walang karapatan maging malaya, Sunod-sunoran sila sa kanilang ama at magiging asawa, nais kong maging malaya habang wala pa akong asawa, isa akong prinsesa subalit makukulong ako dito sa palasyo"

" Isa kayong prinsesa, Nasa inyo na ang lahat ng ninanais ng mga kababaihan sa boung joseon"
" Meron kana bang kasintahan ginoo?? Ganyan kaba makipag usap sa lahat ng babae?"

" Paumanhin kamahalan kung Hindi nyo gusto ang pakikitungo ko sa inyo, kung inyong nais ay aalis na po ako"

Bago pa ako makasagot, May dumating na isang lalaki ang sout niya at pariho ng sout ni dad iba lang ang kulay.

Gumalang sa lalaki si song-yoo ganun din ang mga taga lingkod ni ama na nasa paligid.

" Totoong nakabalik na kayo mahal na prinsesa, natitiyak kung masaya ang aking kapated dahil nakabalik na ang kanyang nag iisang anak"

Kapated niya si dad, kung ganun isa syang prinsipe

Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya nag vowed na lamang ako sa kanya.

" Nandito karin ba upang makita ang mahal na prinsesa? Ikaw diba ang panganay na anak ng punong pantas?"

" Opo ako nga po kamahalan" -songyoo.
" Prinsipe min-seo, mabuti at naisipan mo akong dalawin" dumating na si ama pero hindi na niya kasama ang babaylan.

" Kamusta na ang aking kapated na hari? Alam kung masaya ka sa pagbabalik ng munting prinsesa" naka ngiteng sabi ng lalaking bagong dating.

" Pakiramdam ko ay hindi ako magkakasakit dahil nandito na ang aking anak" masayang sagot ni ama.
" Mahal na prinsesa mas makakabuti kung magiging magka-ibigan kayo ng aking anak, hayaan papadalawin ko siya dito upang magka kilala kayo" sabi nya saakin.

" aasahan ko po yon tiyo" mabait na sagot ko
" aalis narin ako kamahalan, Dumalaw lang ako meron pa akong pagpupulong kasama ang ibang mga ministro" paalam niya kay ama.

Napansin ko naman agad ang mabilis na pagbabago ng mukha ni dad, Mukang hindi niya gusto ang kanyang kapated.

" Ama.... Meron pa po ba kayong ibang kapated?"
Humarap siya saakin ng naka ngite pero kita ko sa mga mata niya na nagaalala siya.

" Chae-wol, huwag kang magtitiwala sa kanya kahit kapated ko siya, hindi sa kanya binigay ni ama ang truno dahil sa meron dahilan" paliwanag sakin ni ama.

Gets kona kaaway niya ang kapated nya

" Kayo ang hari kaya hindi niya kayo mapapa-bagsak" sagot ko sa kanya
" kaya niya akong alisin sa truno, lalo na pag nakipag sabwatan siya, kaya labis akong nagaalala na baka mapahamak ka sa oras na mawala na ako" nagaalalang sambit ni ama.

Kaya bigla akong nakaramdam ng lungkot at galit

" pakiusap ama, Hindi ko kayang mag isa wala dito si mama, napaka layo ko sa kanya, kaya nakikiusap po ako hindi nyo ako maaring iwan paano ako ama " pinipilit kung hindi umiyak, dahil nakakahiya sa mga tagalingkod at kay song-yoo.

" Mahal kung prinsesa, Mawala man ako meron mananatiling tapat sayo, Isa kang prinsesa ang aking tagapag mana kaya dapat mong ipag laban ang iyong truno" niyakap na niya ako

Ang sarap pala sa pakiramdam ang isang yakap ng isang ama.

A/N: plsss vote and comment
Your_soldier_author_aizhy-xiaowei

Love Was No TimeWhere stories live. Discover now