"Hala!" usal ko nang mapatingin sa orasan na nakapatong sa study table ko. Alas siete 'y media na ngunit hindi pa ako tapos mag-ayos. Dali dali kong kinuha ang tote bag ko at basta nalang isinukbit sa aking balikat. Basta ko nalang ding hinablot ang tuwalyang naka balumbon sa buhok ko at walang pakealam na nilapag ito sa may kama. Alam kong lagot nanaman ako nito kay mama pero mamaya ko na yon aalalahanin, sangayon ay kailangan kong magmadali dahil hindi na matigil kaka tunog ang telepono ko sa sunod sunod na mensaheng paniguradong mula sa group chat namin.
Ngayong araw ang punta namin sa Home of Angel, St. Francis Orphanage. Magdodonate ang org namin doon. May community service kasing project ang school namin at naatasan ang bawat organization na magsagawa ng kanya-kanyang gawain na makakatulong umano sa komunidad at napili naman ng org namin ang ganitong project.
Ang usapan namin ay 8 am ang call time sa tapat ng university. Doon kami magkikita kita bago magtungo HOA-SFO. Syempre't school bus ang sasakyan namin papunta don at mag aattendance o head-counting pa yan bago tuluyang umalis.
Madalian kong sinuklay ang buhok ko bago kumaripas palabas ng kwarto. Hindi na ko nakapanalamin at ano pa mang arte dahil male-late na'ko.
"Ma! Nariyan na po ba si Manong Toddi?" Pasigaw na tanong ko kay mama habang nagmamadaling lumabas ng bahay. Walang sumagot pero hindi ko na rin nabungaran ang kahon kahong mga gamit na idadagdag ko sa ido-donate namin.
Pag labas ko ng bahay ay naabutan ko si mama na nag aabot ng bayad kay Manong Toddi. Nasa likod na din ng trike nya ang mga kahon na sinasabi ko kanina.
"Oh, buti nakalabas ka pa? Akala ko ay nilunok ka na ng bahay. Aba't anong oras na. Kanina pa naghihintay si Manong Teddi mo!" Sunod sunod na sabi ni mama pagkakita nya saakin.
"Eto na nga po, aalis na." mahinang sagot ko at nagmano kay mama bago tululyang sumakays sa tricycle. "Manong, pasensya na po kung napaghinay ko kayo." baling ko naman kay manong at nahihiyang ngumiti.
"Naku, walang kaso iyon neng. Ayos lang." Sagot naman ni Manong at bahagya pang natawa.
Habang nasa biyahe ay muling tumunog ang cellphone ko. Dali dali ko itong binuksan dahil hindi na ito bastang chat lang kundi tawag na talaga! Agad ko din naman itong sinagot at ang matinis na boses ni Roggie ang bumungad saakin.
"Hoy, Lia! Nasan ka nat magsisimula na ang head counting?! Kanina pa tinatawag ng TL natin ang mga group representative at ikaw nalang ang kulang?! Baklang to, sa dinamirami nang araw na pwede kang ma-late ay ngayon mopa talaga napili?!" Mariin akong napapikit at inilayo ko ang telepono ko mula sa aking tenga dahil sa tinis ng boses ni Roggie.
"Pasensya ka na, Rogelio, ha? Eto lang kasi ako. Pero wag kang mag-alala andito na 'ko, here na po. Pababa na me. Sorry, Rogelio, ha?" sagot ko naman sakanya habang nagpipigil nang hagikhik.
"Aba't-- ahhhhhhhh" tuluyan na nga akong napahagalpak ng tawa ng maghisterikal sya sa kabilang linya. Ayaw na ayaw nya kasing tinatawag sya sa buo nyang pangalan dahil napakabantot daw pakinggan.
Saktong ibinaba ni Roggie ang tawag ay sya ring pagtigil ng trike sa unloading area sa labas ng university.
Isa isang ibinaba ni Manong Teddi ang mga kahong dala ko mula sa likod ng trike nya. Bahagya akong napangiwi at napakamot ng sintido dahil bigla kong naisip kung paano ko dadalhin ang lahat ng kahon na ito sa pinagpupwestohan ng mga kasamahan ko. Ilang dipa din kasi ang layo mula sa kanila dahil nasa may guard house ang mga ito samantalang nasa mismong unloading area ako ng mga sasakyan. Tinanong naman ako ni manong teddi kung gusto ko bang sya ang magbuhat sa mga kahong ito patungo sa guard house bago sya umalis na tinanggihan ko naman dahil may edad na si manong. Napaka walang puso konaman kung pagbubuhatin kopa sya ng mabibigat na bagay sa ilalim ng maiinit na araw.
Tumingin tingin ako sa paligid kung mayroon ba akong pwedeng mahingan ng tulong. Aapt na malalaking kahon ito kaya't talaga namang napapangiwi ako. Napabuntong hininga nalamang ako at muling nilabas ang telepono tsaka sinubukang tawagan si Roggie. May pakiramdam naman akon mamalditahan lang ako nga binabaeng yon at magtatatalak pero susubukan ko parin. Wala naman akong choice dahil sya ang pinaka close ko sa groupnamin at ganun din sa buong team. Pero ganon nalang ang pag-awang ng labi ko ng hindi mag ring ang cellphone ni Rogelio!
Isang malalim na buntong hininga na pakiramdam ko'y nagmula pa sa talampakan ko ang pinakawalan ko. Bahagya kong inunat ang mga braso ko bago buhatin ang isang kahon.
Nagsimula na akong maglakad habang bitbit ang napakalaking kahon na saktong nakaangat lang mula sa semento. Kahit na nangangalay ay natatawa ako sa itsura ko dahil mukha akong penguin na naglalakad. Suot ko ba naman ang puting printed polo-shirt namin, itim na trausers at naka dollshoes pa ako, Mukha talaga akong penguin lalo nat pa gewang gewang ang lakad ko dahil sa laki at bigat ng kahong bitbit ko.
Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad ko nang tumigil ako para i stretch ang mga braso ko. nasa ilalim ako ng init ng araw pero wala na akong pakealam dahil sobrang nangangalay na talaga ako kayat napahinto parin ako kahit alam kong mabibilad ako sa pwesto kong ito.
Tanaw ko na rin mula sa kinatatayuan ko ang guard house kung nasaan ang mga makakasama ko. Nakatagilid sila sa direksyon ko kayat hindi ko alam kung mapapansin ba ako nang kahit na sino man lang sa kanila at nang matulungan ako dahil, ghourl pakiramdam ko ay malalaglag na ang braso ko ano mang oras.
Yumuko ako at akmang bubuhatin nang muli ang kahon nang marinig ko ang boses ni Rogelio.
"Ayon na po pala si GP Lia, TL."
Napaangat muli ako ng tingin at bahagyang natigilan nang makita kong saakin nakabaling ang lahat ng pares ng mata ng mga taosa guar house.
Awkward akong ngumiti at bahagyang iniangat ang kamay para magbigay ng maliit na kaway.
Nagsimula na akong maglakad muli pero naiilang ako sa tingin nila saakin. Kaya't nagsalita na din ako habang naglalakad.
"Uh, pasensya na po kung late ako. Medyo madami po kasi akong dala," sabi ko at inginuso ang karton na hawak, "may tatlo pa pong mas malalaking box doon sa unloading area. Iniwan ko po muna dahil wala akong mapakisuyuang magbuhat kasama ko." Malumanay na saad ko at maliit na ngumiti.
Napabaling naman ang TL namin ng tingin sa pinanggalingan ko at sinenyasan ang kalalakihan na puntahan ang mga kahong tinutukoy kong na naiwan doon.
Dumaan sa gilid ko ang mga lalaking kasamahan namin. Karamihan sa kanila ay seniors dahil ang mga ka year ko, kung hindi babae ay binabae naman.
Nginitian ako ng mga ito bago lagpasan. Sinusuklian ko naman ang mga ito nang munting ngiti sabay bahagyang tango bago yumuko, habang mala penguin na naglalakad pero agad din naman akon natigilan nang may bultong humarang sa dapat sanag daraanan ko.
Napaangat ako ng tingin at bahagyang napaawang ang labi nang magtama ang tingin namin nang lalaking nakaharang saakin.
"P-pa...pa--" nag init ang magkabila kong pisngi nang mautal ako. Tumikhim ako bago nangsalitang muli, "pad-excuse me p-po"
The man infront of me just raise his left brow, and without saying a word, he took the box from me before he turned his back and started walking. Napakurap kurap nalanang ako habang pinanonood syang walang kahirap hirap na buhatin ang kahon na para bang napakagaan lamang non para sa kanya.
Nakakailang hakbang na sya ngunit narito parin ako sa kinatatyuan ko. Bahagya pa akong nagulat nang bigla sya huminto. Literal na nanlaki ang mata ko ng lumingon syang muli saakin.
His brows furrowed when he saw me still standing where he left me with aa wide eye, looking so dumb. The corner of his lip suddenly rose for a small amused smirk before he spoke.
"What are you still doing there?" He askes.
Napalunok ako sa sobrang seryoso ng boses nya.
"Halika na... mama" he added and chuckled.