PROLOGUE

277 8 7
                                    

Prologue

Matagal tagal narin noong nawala ang pamilya ko .
simula noon high school pa lang ako ay ako na ang nag taguyod sa sarili ko.
Wala akong ibang ginawa kundi ang mag aral at mag
Trabaho.

Tanging pag babasa na lamang ng manga novels ang ginagawa ko para mawala ang stress ko at pagod.
kaya naman, Hindi ko inaasahan ang ganitong pangyayari sa buhay ko.

Sa kaka basa ko Ng mga novels ay hindi ko na alam kung ano ? At saan dito sa binabasa KO ang kwento nito!
Kaka tapos ko lang kasi mag hapunan, at naalala ko na may kukuhanin pa akong project sa classmates ko , kaya naman pumunta ako sa kanila.

Nang biglang may nag holdup sa akin na mga lalaki
natakot ako kaya nag tatakbo Ng may pagkakataon pa, pero ang masaklap.
Nasagaan ako ng sasakyan
Nan laki ang mga mata ko ng huli kong makita ang napaka lakas Ng liwanag na nag mumula sa harapan ng ten wheeler truck.
Isang nakaka binging langitngit Ng gulong ang huli kong narinig.


Pagising ko, ay kaagad akong umupo saka ko naramdaman ang sakit ng sintido Ng aking ulo.
" Di..di maari Ito?.. patay na ako! Ba't buhay pa ako?" Isang katanungan ang namutawi sa aking bibig.


Nan laki ang mga mata ko ng makita ko ang dalawang tao na siyang nagulat Ng makita ako.
" Gising na siya!!.. gising na siya" ulit nito sa pag mamadaling tinig.
Nag taka ako sa ambiance Ng lugar.



Kahoy ang nakikita kong postura Ng bahay .
Dahil ang kwarto ko ay maka luma ang postura, may konting angulo pero masasabi kong okay narin.
Bumalik ang atensyon ko sa dalawang matandang dumaluhong sa akin.

" Anak!!.. may masakit ba sa iyo?.. salamat sa bathala!" Naiiyak na niyakap niya ako
nanatili ang katulalaan ko sa nakita. Pakiramdam ko binigyan pa ako ng pag asa.
Na luha ako ng sobra-sobra,
" Salamat sa dyos huhuhu!!"
Ilang beses kong saad habang umiiyak.
' ilang beses kong hiniling ang ganitong sandali.
Na makita ko ang aking mga magulang, '
Huminto ako sa pag iyak.
" Nasa..n.nasa langit na po ba ako?" Pinipigilan kong maluha, saka ngumiti.
" Hindi..anak!. Andito Ka! Ngayon, sa amin at buhay!" Tinig iyon ni mama.
Suminghot singhot ako habang pina pakinggan sila.


" Buti na lamang at buhay Ka anak!.. tonta yung hayop nayon!.. kundi Ka lang naka ilag sa ilang sipa Ng kabayo niya! Panigurado, baka wala kana sa Amin!" Nagagalit na Lintanya Ng aking ama.
Nagtaka ako sa sinabi nito.
Tumango tango naman si mama.

" Nasaan po ba Tayo?.. bakit hindi ko po maalala iyon?"
Takang saad ko, lalong naiyak sila sa sinabi ko.
" K..Kung, may kaya..sana Tayo!.. hindi ta.yo magkaka ganito!" Umiiyak na saad ni mama. Alam ko naman na mahirap Kami, pero bakit ganito?
Naka soot ako ng telang manipis, na gusgusin, dirty white kung titingnan.
Hinawakan ko ang buhok ko na napapansin kong nasa ibaba na Ng higaan.

" Ang haba Ng buhok ko!" Na wika ko, nangiti ako,
Pangarap ko pa noon na mag pahaba Ng aking buhok
Pero sa kahirapan, nag pa putol ako Ng buhok.
Pero ngayon, nakaka tuwa naman, na miss ko Ito.

" Mahal!!. Mukhang naka limut ang anak natin!" Nanginginig na saad ni mama, naramdaman ko iyon sa kanyang tinig.

" Bwisit talaga!" Hindi na naman mapigilan saad ni papa. Tatayo na sana ito Ng pigilan ko.
" Saan po kayo pupunta?" Natatakot ako sa inaasal niya, baka iyon na ang huli kong pag kikita sa kanya.

" Pupunta ako sa walang hiyang baron na iyon, anak!,
Pag babayarin niya ang ginawa niya sayo!" Galit na galit na saad nito.
Umiling iling ako sa kanya
May pakiramdam ako na masama ang ugali Ng taong iyon, sa narinig kong sinabi nila. Mukhang walang awa ang hayop na iyon



" Hwag na po! Andito na po ako at buhay! Kaya huwag na po kayong mag aalala pa!"  Pag bibigay lakas loob ko SA kanila. Ngumiti ang mga magulang ko sa sinabi ko. Ginulo ni papa ang buhok, at si mama naman ay kiniss ako sa noo.
" Oh siya!! Ipag hahanda kita Ng pagkain! , Kaya dyaan Ka lang huh!" Ngumiti ako sa tindi ng sweetness nito sa akin.
Ang sarap sa pakiramdam ang ganito.




Naka sama ko na ang aking mga magulang.
" Pa!.. pakiusap! Huwag nyo na po ako iiwan ni mama!"
Parang batang pag mamaka awa ko, nag lamlam ang kanilang mga mata sa sinabi ko.
Pareho nila akong niyakap Ng may buong pag mamahal
" Kung panaginip lang Ito?..
Ayoko nang magising pa!" Dalanging saad ko sa aking sarili, na luha ako sa nararanasan ko ngayon.
ngayon binigyan ako muli Ng pagkakataon na maka bawi sa aking magulang.






Ay sisikapin ko na maka pag trabaho muli.
Sa ka bila Ng pag iisip ko ay kaagad kong narinig ang bawat hakbang na papalapit sa aking kinalalagyan.
" Anak!. Nag handa si mama mo Ng sopas!.. hala' kain na at para lumakas Ka!" Salita ni papa habang ibina Baba sa harapan ko ang maliit na lamesa na may tasang pagkain.




" M..mukhang masarap po ito..p.papa!" Natutuwa na pinag halong kaba at lungkot ang aking nadarama
Dahil sa nakaraan kong buhay ay kaagad silang kinuha sa akin ng may kapal
Noong high school pa lamang ako.



Kaya malaki ang ina asam asam ko na ..kung sakali ay..ibalik ang oras, gusto kong maka bawi sa mga pag kukulang ko sa kanila.
" Oh!.. a..anak!.. huwag kanang umiyak!.. kumain kana!. Nako!" Napapa kamot at hindi maintindihan ang gagawin ni papa, pinilit kong huminto sa pag iyak, pina pahid ko ang mga luha na pilit uma alpas sa aking mga mata.




" W..wala po. Ito, papa!.. haha.. masyado ko lang po ..na miss ang ganitong luto ni ..mama" nanginginig ang kamay ko sa pag hawak Ng kutsara, para isubo sa sarili ko ang sopas .
lalo akong naiyak, habang kumakain!.' napaka sarap talaga Ng luto ni mama!.. na miss ko ito.'





*******Few days later***



" Anak!.. mukhang pagod na pagod ka ah!.. halika at uminom Ka muna Ng tubig!"
Nag mamadali si mama sa pag abot sa akin ng inumin.
Galing kasi ako sa trabaho,
Sa mansion Ng mga baron Cohen.
Ang trabaho ko doon ay taga salansan Ng dayami sa loob ng kanilang barn o bahay lagayan Ng mga pagkain para sa tag ulan



Kina hapunan na ako naka uwe, dapat kasi ay si papa ang gagawa nito, pero napansin ko na hindi na nya Kaya, kaya nag presinta ako.
Maayos naman ang lahat ..
Iyon nga lang ay sadyang minsan pinag ti-tripan ako ng mga anak Ng baron



Pero bina bale wala ko na lamang iyon.
Kinuha ko ang baso na bigay ni mama saka tinungga iyon
" Ah! Iba talaga ang tubig sa bahay!" Salita ko na talagang nasarapan sa lasa Ng tubig, yung pakiramdam mo na nasa langit.
Kapag talaga bahay, feel heaven ang pakiramdam.





"Talaga tong batang Ito!" ginulo ni mama ang buhok.
" Si mama naman eh!" Naka ngiting saad ko na may konting reklamo, pero malapad ang ngiti niya.




Kina bukasan ay pani bago na namang trabaho.
Sa trabaho ay naki lala ko ang bagong salta Ng mansion , trabahador siya Ng halamanan.
Palagi kami nag ku-kwentuhan, lalaki siya at matanda siya sa akin ng Lima.



Ricardo ang pangalan niya.
At very close siya sa akin
at plane lamang ang kilos niya kapag nakiki pag usap.

The Crown prince Curse Hot handsome Vol.2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon