Chapter six
" CALIX ano itong dumating sa akin na balita?" Salubong ang kilay at naka hawak sa noong tanong sa akin ni dad
Ang emperor ng kaharian.
Ang kamahalan, na si kalel
Dumating sila kahapon pero gabi na sila naka uwe noon
Kaya hindi ko sila sinalubong dahil tambak sa akin ang naiwan niyang mga dokumento.Pormal ako na naka tayo sa kanyang harapan, at walang emosyon na naka titig sa kanya, yumuko ako at hindi sumagot.
" Sa mukha mo pa lang ay halata na totoo ang balita?
Papaano maka kabalik ang patay na? mismong sa harapan na natin nakita na wala ng pag asa! at malamig na bangkay ng maiuwe na natin ang katawan niya" ginulo gulo nito ang buhok sa sobrang inis, galit , at
Kalituhan ang buma balatay sa espresyon ng mukha nito
pumikit ako at muling tumingin sa kanya." Opo kamahalan, nag balik siya, pero hindi tayo nakaka siguro na siya nga ang taong iyon. Kaya ako na mismo ang mag sasabi sa inyo ng
Balita kung may makita akong kakaiba sa ikini-kilos niya" ang tinutukoy ko ay ang babae na walang iba kundi ay si Caroline.
bumuntong hininga ito at kalmang tumingin sa akin,
" Sige, kung ganoon' sa ngayon ay hindi ko alam ang magiging reaksyon ng ina kapag na laman niya Ito" ang tinutukoy ni dad ay si mom ang kamahalan. Ang ina ng emperyo ang empress.*************
" Oh, naka handa na ang lahat! Naka lagay na po ang mga pagkain sa food cart. Chef" kumpirmang saad ni
Lady in waiting jeng.
Baling kinitan ang katawan nito at may kayumangging kutis, malapad ang ngiti nito ng sabihin sa head chef
Roy.Tumango tango ang chef.
" Isa isahin nyo na ang pag dala sa mga Yan! Lahat ng iyan dadalhin sa dining area
Mag sa salo salo ang mga kamahalan! Ngayong umaga" malakas na wikang saad ng chef sa mga lady in waiting. Sabay sabay na tumugon ang mga lady in waiting sa sinabi ng kanilang head chef." Dalhin mo na carol ang pangatlong cart para dalhin sa dining room. Tandaan mo? Isa ka sa lady in waiting na taga silbi ng crown prince " paliwanag ni manang sa dalaga. bahagya siya nitong tinulak pa punta sa tapat ng cart para ito na mismo ang mag hawak niyon.
" S-sige po manang!" Walang magawang saad ng dalaga sa matanda , halos lahat ng mga chef at lady in waiting ay ganoon ang tawag sa matandang babae. Kaya iyon din ang kanyang sina sabi.
Ngumiti ang matandang babae, "maraming salamat
O siya! Kumilos kana! Nag sisimula na silang mag lakad!" Muli ay paalala nito sa dalaga. Kaagad na tumango at sumabay sa agos
naka ngiti ang ginang habang pinag mamasdan ang bata.
" Hindi sila maka paniwala kapag nakita ka nila! Bea" bulong nitong saad sa hangin, sa lahat ng mga dating lady in waiting ay ito lang Kasi ang nakaka alam sa dating itsura ng dating taga pag alaga ng prinsepe.
Halos lahat ng lady in waiting noon ay pinag tata-tanggal, maliban sa kanya.Sapagkat siya ay isa sa kaibigan ng na mayapang
Si bea si manang o managi ang tunay niyang pangalan
mas matanda siya sa barkada. Limang taon ang tanda niya kaysa kila ruby at Bea. Kaya ng mamatay ang dalawa niyang kaibigan ay hindi siya nag la-lalabas ng kwarto.Matagal bago siya naka recover. Isang linggo siya
bago muling naka balik sa trabaho, pero ng mag simula siya ay na pag alaman niyang tinanggal na lahat ng mga lady in waiting.
kaya laking gulat niya nang ibang mukha na ang nada daanan niyang nag lalakad na mga lady in waiting.Natuwa si managi ng makita niya ang dalawang chef na naiwan, malungkot ang mga ito ng lapitan niya.
" Manang, alam namin na matindi ang pinag dadaanan mo ngayon. Nakikiramay kami sa pagka wala ng mga kaibigan mo!" Naka yukong saad ni roy dito, isa si sir roy sa nakaka alam ng itsura ni Bea. Kaya ng makita niya si Caroline ay kaagad nan laki ang mga mata nito.
dahil sobrang magka mukha ang dalawa, hindi niya alam kung niloloko lang siya ng sarili niyang mga mata.
BINABASA MO ANG
The Crown prince Curse Hot handsome Vol.2
RomanceSi Caroline ay nag tatrabaho sa farmer villa ng baroness. malayo sa ginagap niya na sa isang hamak na pulubing gaya niya ang ipapalit sa anak Ng baron na ipakasal sa anak Ng marchioness at dahil sa tindi ng sakit ng inabot niya sa pagka hiwalay sa...