KABANATA 1

14 0 0
                                    


KABANATA 1

~Kaharian ng Albrecht~

"Prinsesa Tatiana, kailangan kayo'y  mapagamot--"

"Den mund halten!" (shut up!)

"Ngunit--" tinignan lamang siya ng prinsesa at kusang umalis sa pagamutan sa loob ng kanilang kaharian.

Nagagalit siya sa kanyang sarili dahil nabigo nanaman siya sa laban ng mga rebellin o mas kilala bilang rebelde.

Isa siyang Kriegerin (warrior) nag iisang babaeng pinuno na humahawak sa buong mandirigma ng kaharian ng Albrecht at halos lalaki na lahat ang mga namumuno sa ibat ibang kaharian sa mundo nila.

Ang tawag sa mundo nila ay Mundo ng Monarch ang mundo na kung saan ang sentro ay ang katapatan at paglilingkod nila sa kani-kanilang mga kaharian.

Sa Mundo ng Monarch ay may higit sampung kaharian o emperyo na pinamumunuan ng mga hari, reyna, emperor, empress, prinsipe o maging prinsesa.

First - Kingdom of Albrecht - Rule by: King Augustus Albrecht and Queen Marida Tiana Albrecht with their crown princess Merida Tatiana Albrecht.

Second - Kingdom of Sudhanva - Rule by: King Jackques Sudhanva and his second wife, Lady Undaya Sudhanva with their children Princess Josephine and Prince Joseph Sudhanva.

Third - Empire of Bolzicco - Rule by: Emperor Edmund Reigh Bolzico with his sons Edramund Reighley Bolzico (eldest) and Edward Ryle Bolzico (youngest).

Fourth - Kingdom of Azariah - Rule by: King Omri Azariah with his 2 children princess Orniah Azariah and Prince Orion Azariah.

Fifth - Empire of Shallum - Rule by: Emperor Zibni Shallum with his brother the 2nd emperor, Obni Shallum.

Sixth - Kingdom of Zecarria - Rule by: Queen Beatrice Zecarria with her triplets sons Prince Damond, Prince Damian, and Prince Damend Zecarria.

Seventh - Empire of Alistaire - Rule by: Emperor Artemis Arc Alistaire and Empress Asteria Alistaire together with their only child Lady Arteria Alistaire.

Eighth - Kingdom of Keevah - Rule by: King Uvu Tri Keevah and Queen Adelaide Keevah with their only son Uriah Adel Keevah.

Ninth - Empire of Cyphrian - Rule by: Emperor Nicholas Cyphrian and his third wife Empress Natasha Cyphrian

Tenth - Empire of Callum - Rule by: Empress Celeste Callum with his two sons, Cyprus Castiel Callum and Cynth Callel Callum.

Dahil na rin sa parami ng parami ang mga kaharian at emperyo ay di maiiwasan na magpatayan at magsakop ng mga maliliit na bayan kaya iyon ang ikinagalit ni Prinsesa Tatiana.

Hindi rin biro ang naging ensayo niya para manging isang magiting na mandirigma. Dugo't pawis at buhay ang inalay niya dito na salungat sa gusto ng kanyang Ina, nais nito na manatili lamang siya sa loob ng kaharian, ngunit tutol dito si Merida sa desisyon ng kanyang Ina.

Ngunit ganun nalang ang pangamba niya ng pumasok sa silid ng kanyang ama.

"Ama! a-anong nangyari sa inyo?" daling dali naman lumapit si Merida at inalayan ang kanyang Ama para maupo.

"Mein kind, (my child) protektahan mo ang kaharian ng Albrecht lalo na ang iyong Ina. Hindi ko maipapangako na magtatagal pa ako M-merida."

Pinipigilan lamang ni Merida na lumuha sa harap ng kanyang Ama dahil para sakanya mas lalong paghihinaan ito ng loob.

"Kahit anong mangyari, ililigtas ko kayo ni Ina, at ang buong mamamayan sa Kaharian ng Albrecht."

"My King! nilulusob po tayo ng emperyong Bolzicco!" nagulat sila sa narinig mula kay Lordhand Lerio Babunza. Lordhand ang tawag sa mga taong kanang kamay ng Hari.

Heiress to the ThroneWhere stories live. Discover now