Chapter One.

4 0 0
                                    

" Alam mo? Puro kamalasan lang dinadala mo sa bahay na to! " sigaw sakin ng tito ko. Yumuko nalang ako at natahimik. Habang pinagsasabihan ako ng kung anu-anong salita, pinapatay ko na silang lahat sa isip ko. Hindi ko alam pero ganon na talaga ako sa tuwing ako lagi napagbubuntunan ng galit ng mga tao sa bahay na to. Kahit kasalanan ng iba, sakin sinisisi. Hindi ko alam kung bakit ganon buhay ko.

Kinabukasan, maaga ako gumising para maghanda na ng agahan namin ng pamilya ko at baon namin ng kapatid ko bago kami pumasok sa school namin. Naligo ako saglit at pagkatapos ay sinuot na ang uniform ko at naghanda na. Humingi ako sa mama ko ng baon at pamasahe papuntang school. Nang matapos maghanda ng kapatid ko ay nagpaalam na kami umalis.

Nang makarating sa school ng kapatid ko ay hinatid ko lang sya dun banda sa gate nila saka na kami nagpaalam sa isa't isa. Naghintay ako ng jeep na masasakyan papunta sa school. Pwede ko naman lakarin yun kung tutuusin kaso late nako kaya magjejeep nako. Nang may makitang jeep ay pinara ko agad yun at sumakay doon para makapunta na sa school.

Nang makarating sa school ay nagsisimula na ang flag ceremony kaya di na kami pinapasok sa loob at nanatili nalang kami s may gate. Pagtapos ng ceremony ay saka na kami pinapasok pero nilista muna ang pangalan namin at inutusan maglinis ng gymnasium as a punishment sa mga late. Nang matapos maglinis ay nagmadali nakong umakyat papunta sa room namin at pumasok sa loob habang di nakatingin ang subject teacher namin.

" Gaga ka bat late ka na naman? " tanong sakin ni Yvonne, kaibigan ko. Tinawanan ko nalang sya at tinuro teacher namin para mapatingin sya sa harap at magfocus. Nang matapos ang lesson na wala akong naintindihan, umalis na si ma'am at naiwan pa ng assignment namin. At may pinapagawa pang activity samin para bukas.

Habang wala pa ang susunod na teacher ay tumambay muna ako sa may corridor ng room namin. Nagmuni-muni muna ako at nagtitingin sa ibang rooms. Nakita kong may lalaking tumatakbo paakyat ng third floor at familiar sya sakin. Di ko lang makita nang malapitan dahil sa malabo ang paningin ko. May kumalabit sakin na kaklase ko at pumasok na sa room dahil magsisimjla na pangalawamg subject namin.

Natapos ang klase at recess na namin. Hinintay ko si Yvonne bago bumaba at magpunta sa canteen. Habang naglalakad ay nakita ko yung crush kong si Jayson. Tumingin sya sakin at tinaas ang dalawang kilay nya. Tinaasan ko rin sya ng kilay ko at nginitian sya saka nagpatuloy sa paglalakad. 

Natapos ang recess namin at pumasok na ang susunod na subject teacher namin. Umupo kaming lahat at ako ay pumwesto sa likod banda at patagong kumakain habang kunwaring nakikinig sa subject teacher namin sa Math. Natapos ang Math na wala akong naintindihan. Nag announce ang presidente ng room namin na wala daw si ma'am ngayon kaya masaya kaming lahat.

Inaya ko si Yvonne na mag CR at pumayag naman sya kaya hinila ko sya palabas ng room. Habang naglalakad ay nakasalubong namin ang ex ko na kaibigan ko noon, si Rendell. Nahuli ko syang nakatingin sakin kaya napatingin ako sa kanya pero umiwas na sya ng tingin. Inismiran ko nalang sya at nagpatuloy sa paglalakad.

Si Rendell ang pangalawang ex ko. I consider him as my ex kase kahit papaano ay nagkaroon ako ng feelings sa kanya. Kaso ngalang ay hindi kami nagtagal. Umabot lang kami ng 4 days. Ayos no? Kung nagtataka kayo bakit 4 days lang, dahil ako mismo nakipagbreak. Nagstart maging kami nang magconfess sya sakin noon at pumayag naman ako dahil siguro ay gusto ko rin sya noon. Maayos naman nung una. Pumunta ako sa school namin para amg asikaso ng clearance nang makita ko sya at hinawakan kamay ko. At first kinakabahan ako at baka may makakita samin kaya tinanggal ko. Biglang may nag ingay sa likod namin at nilingon ko yun. Nakita kong si Jayson pala yun kasama mga kaibigan nyang babae.

" Uy kayo na pala? Naks naman! " natutuwanag sambit nya. Mahina akong natawa at naramdaman ko ulit na hinawakan ni Rendell kamay ko. Tinitigan ko sya pero nginitian nya lang ako at pumasok sa room namin. Binitawan ko ang kamay nya sabay takbo papunta sa mga kaibigan ko. Inumpisahan kong aminin sa kanila na kami na ni Rendell.

" Huh?! Kayo na agad??? Bat di mo sinabi samin??? " gulat na tanong ni Angel. Si Alexandra naman ay tahimik lang perk nginitian ako. Si Yvonne ay di na nagreact dahil kasama namin sya nung naging kami ni Rendell. Pagtapos mag asikaso ay hinatid nako ni Rendell pauwi. Kinawayan ko muna sya bago sya umalis.

Pumupunta sya sa bahay namin para bumisita, nagdadala ng snacks kasama pa mga kaibigan ko. May isang beses na di ako nagreply sa kanya kaya nagulat nalang ako na pumunta sya bigla sa bahay. Nagpalusot pa syang tinutulungan nya lang daw kaibigan nyang maghanap ng bahay malapit samin. Natawa nalang ako at tinanong sya kung ano ginagawa nya doon.

Pagkatapos non ay pinauwi ko na sya dahil nakita ko si mama na pauwi na. Pero di sya nakinig kaya naabutan ako ni mama na nasa labas ng bahay at nagtanong kung bakit ako nasa labas. Ang sabi ko nalang ay may binili ako nang makasalubong ko si Rendell kaya nag-usap kami kahit saglit. Naghiwalay kami dahil sakin. Narealize kong hindi ko talaga kaya ibalik ibigay pagmamahal nya sakin. I mean, we're not in the same page. Di ganon kalalim pagmamahal ko sa kanya. And I feel sorry for that. After nung nangyare ay umiiwas na sya sakin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 18, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her Unwanted Path Where stories live. Discover now