V

158 11 0
                                    

A WEEK LATER

Maaga akong nagising para mag-ayos ng sarili. Kakatapos ko lang maligo at magbihis. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin at bakas sa balat ng leeg ko ang kulay lila na latay. Nakuha ko na naman ito kagabi ng saktan ulit ako ni Auntie Rose. Meron rin sa mga braso ko at sa bewang.

Kumuha ako ng foundation para takpan ito. Pagkatapos kong mag-ayos ay nagmadali na akong umalis para hindi na ako maabutan ni Auntie Rose pagkagising niya.

Nang dumating ako sa department na pinagkuhanan ko ng scholarship ay nakita kong paalis na ang bus na maghahatid sa amin sa school.

"Sandali lang!" sigaw ko at saka hinabol. Sa kabutihang palad ay huminto naman ito at pinagbuksan ako ng pinto.

"You're late! Bakit ngayon ka lang?" tanong ng nagmamataas kilay na babae. Malamang siya ang Facilitator.

"Sorry po, masakit po kasi ang katawan ko," paumanhin ko sabay akyat sa bus.

"That's not an excuse! Sige na maupo ka na dahil I will gave you some test," wika nito. Umupo na ako dito sa unahan sa harap mismo ng pintuan, mabuti na lang at bakante.

Teka, anong test ba ang sinasabi niya? Hindi naman kami nainform na may test pa ulit.

"Excuse me po?" Sabay taas ng kamay ko.

"What is it?"

"Ano pong test?" nagtatakang tanong ko.

"I will test your talents. Sa school na papasukan niyo being good academically isn't enough. You also need talents. Kaya kailangan kong malaman kung anong klaseng talent ang tinatago niyo."

Isa-isa niyang tinanong ang mga estudyante rito. Kanya-kanya naman silang pasiklaban ng talento kahit nasa loob kami ng bus. May sumayaw, kumanta at nagtula.

"You, Ms. Late? What's your talent?" tanong nito sa akin kaya medyo na tense ako. Hindi agad ako nakasagot, hindi ko alam ang gagawin ko. Napaisip ako kung ano ba ang talent ko. Mayroon ba akong talent?

"Don't tell me you don't have any talent?" taas kilay na tanong nito.

"Mayroon po," sambit ko sabay ngiti ng pilit. Hinalungkat ko ang bag ko at kumuha ng notebook.

"What are you doing?" tanong ng Facilitator.

"Steady lang po kayo," sabi ko at inumpisahan ang pagsketch.

"Are you sketching me?" tanong ulit nito. Tumango ako bilang sagot.

"Okay, let's see kung maganda ba 'yan," saad pa nito sabay pamewang.

Ilang minuto ang nagdaan at nakapokus lang ako sa pagsketch. Naramdaman ko na rin ang namumuong pawis sa katawan ko kahit may aircon naman itong bus. Ilang sandali pa ay natapos ko na rin.

Pinakita ko sa kanya ang sketch. "Pwede na po ba?"

"Ang galing mo!" tuwang-tuwang puri niya sa akin kaya namuo sa labi ko ang matamis na ngiti. Minsan lang may pumuri sa akin na ganito ka galak. Okay naman pala siya medyo mataray lang. "Alam mo pwede kang sumali sa mga contest sa school. Mapagkikitaan mo 'yang talent mo. Very impressive!" puri pa nito sabay hawak sa balikat ko kung saan mayroon akong pasa.

"Aray!" sambit ko kaya nagtaka ito.

"Bakit?" nagtatakang tanong niya.

"Wala po," pagsisinungaling ko sabay ngiti ng pilit. Napansin kong nag-iba ang awra ng mukha niya ng may mapansin ito sa braso ko.

"Bakit may latay at pasa ka?" tanong nito at narinig ko rin ang biglang pag-ingay sa loob ng bus.

"A-ah, wala po ito. Okay lang po ako," giit ko para hindi na nila ako bigyan ng atensyon.

"Miss, narito na po tayo," wika ng driver kaya nabaling ang atensyon nilang lahat sa labas.

"Everyone be ready! You're now entering your new school!" Sobrang galak na wika ni Miss Facilitator.

Huminto ang sasakyan sa entrance gate at bumaba na kami. Nagpahuli ako sa pagbaba baka kasi masagi rin nila ako, sobrang sakit pa naman ng katawan ko.

Pagbaba na pagbaba ko pa lang ay dumampi na agad sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Nakalugay ang buhok ko kaya ramdam nito ang hangin na dumadampi. Napapikit ako at dinaramdam ang napakagandang kapaligiran. Para akong isang ibon na nakawala sa hawla at ang simoy ng hangin ang simbolo na nakaramdam ako ng kalayaan.

"Welcome to Westfield Academy!" Galak na galak na pagbati ni Miss Facilitator. Nagsimula na kaming maglakad sa loob. Pagpasok sa gate ay sasalubungin ka ng malawak na field. Maraming estudyante ang naroon. First day of school at parang ang saya rito. May nagwewelcome cheer. Sa gilid ng field ay ang way kung saan napapalibutan ng sugar pine tree. Ang ganda ng ambiance.

Napansin ko rin ang classy ng mga tao rito. The way they dress, halatang mga elitista. First day pa lang kaya hindi pa kami nag-uuniform. Sa katunayan, ako lang siguro ang may pinakasimpleng kasuotan. Nakapalda ako ng mahaba, lagpas tuhod at nakat-shirt na fitted at nakachunky boots na binili ko pa sa bangketa.

Habang naglalakad kami biglang nagsigawan ang mga estudyante kaya nabaling ang tingin namin sa Field kung saan nagmumula ang sigaw.

"Miss, saan po sila pupunta?" tanong ng kasama kong babae.

"Pupunta sila sa auditorium. Since first day, wala munang regular class ngayon. Ang activity lang ngayon ay magwe-welcome ng mga students.  And the most anticipated event every year is the nomination of the Campus Grandeur," paliwanag nito.

"Campus Grandeur? Ano po 'yon?" nagtatakang tanong ng isa ko pang kasamahan na babae.

"The students will nominate a boy and a girl who have the face, the brain and can take the responsibility to rule the entire school year. They are called Sire and Majesty. Once they are nominated every student of this school must respect and obey them because their priority is to give this school an excellent rating. Kasi nirirate lahat ng  private Academies. Kung sino ang makakuha ng highest ratings ipagmamalaki sa ibang bansa for foreign negotiators to invest in the school," paliwanag nito.

Ngayon may kaunting kaalaman na rin ako sa school na papasukan kong ito.

Wala akong ideya kung anong klaseng pagsubok ang madadatnan ko rito ngunit alam kong lahat ng 'yon ay kayang kaya kong lagpasan.
Subok na subok na ako sa buhay na mayroon ako, ngayon pa ba ako mag-aalinlangan sa kakayahan ko kung kailan unti-unting nagkaroon na ng kulay ang madilim kong mundo.

Academy Stripper Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon