Isang linggo na ang nakalipas matapos ang pangyayaring 'yon. At tuluyan na nga akong hindi pinapansin ni Grae. Hindi ba dapat matuwa pa ako dahil wala nang manggugulo sa buhay ko? Pero bakit gan'on nasasaktan ako kapag 'di niya ako pinapansin. Siguro nakonsensya lang ako dahil sa nangyari no'ng nakaraan.
Narito kami ngayon sa Batanes. Ito ang lugar na napili ng org. nila Grae. Mayroon kaming community service na gagawin dito at lahat ng pagmumulan ng aming funds ay ang aming mga likha. Ito ang taon-taong project ng org. nila at lahat ng mga Fine Arts students ang napasama. Mabuti na lang at sa kauna-unahang panahon ay napalayo ako kay Auntie, nakaramdam ako ng kahit kaunting kalayaan at laking pasasalamat ko na lang din dahil pumayag siya. 'Di ko nga alam kung bakit napapayag ko siya e' pero hindi na 'yon importante, ang mahalaga ngayon ay payapa ang buhay ko.
"Everyone, listen up!" Agad-agad kaming nagtipon sa gitna para makinig sa isang student coordinator.
"We will be having an activity!" galak na anunsyo ng babae. Naghiyawan naman ang lahat sa nabanggit except Grae, and me. Ang mata ko ay nakapokus lamang sa kaniya at pinagmamasdan siya, wala pa rin itong emosyon, blanko na blanko ang ekspresyon ng mukha nito.
"You will be paired and you'll explore the vicinity of this place to find inspiration to create a masterpiece. After that if nakatapos na kayo ng artwork ng partner mo, babalik kayo rito and it will be competed against all of us at kung sinong mananalo may cash price!" anunsyo pa ng babae kaya naagaw ang atensyon ko. Tamang-tama, kailangan na kailangan ko ng pera. Kailangan ko manalo rito.
"Now pick a paper inside this box, those who pick the same color are the ones that be paired." Isa-isa kaming lumapit at kumuha ng papel sa kahon. Nang makakuha ako ay agad din ako bumalik sa pwesto ko. Ilang sandali pa ay natapos na rin ang pagkuha ng mga papel.
"Okay now raised your colors and find your partner." Nang itaas ko ang papel ko ay parang biglang huminto ang paligid ko nang malaman ko kung sino ang magiging kapares ko. Mabilis na nagtama ang aming mga mata at matalas na tinitigan ako nito. Sinuswerte ka nga naman, sa lahat pa talaga ng makakapares ko, siya pa. Si Ivory.
Nagkusa na akong lumapit sa kanya, nginitian ko lang yan siya ng pilit at siya naman ay inirapan lang ako. So, paano kami magkakasundo sa activity na 'to? Bahala na nga.
"The activity begins now! May you find your greatest masterpiece here!" sambit ng coordinator. Napatingin ako sa bandang gawi ni Grae. Napansin kong magkapares pala sila ni Dark. Gusto ko sanang lapitan siya, ewan ko ba, hindi ko alam pero may kung anong tumutulak sa akin na lapitan siya para humingi ng tawad sa nangyari nakaraan. Siguro dahil nakokonsensya ako sa kapahamakang naidulot ko sa kaniya.
“What did you do to him?” Nabaling ang atensyon ko sa babaeng nagsalita. Tinignan ko lang ito at iniba ang usapan.
“Tumatakbo ang oras, tara na at libutin ang paligid,” sabi ko at naglakad na papunta sa magubat na parte ng isla. Panay tawag sa akin ni Ivory pero hindi ko ito pinansin kaya wala na itong choice kundi ang sumunod na lamang.
Hindi pa kami nakakalayo ng bigla akong hinawakan ni Ivory kaya napahinto ako.
“Do you really love Grae?” Naging blanko ang utak ko sa tanong niyang 'yon. Hindi ko alam kung bakit ang hirap sagutin ng tanong 'yon. Madali namang sabihin na oo lalo na't wala namang umuusbong ng koneksyon sa aming dalawa. It's just a deal, nothing more. But why can't I answer a simple question.
Natawa ito ng bahagya. “I knew it, Sienna. She didn't love you. Kasi sino ba namang papatol sa babaeng bayaran? Shame on you because you let yourself be used for him to bring me back.” Nakaramdam ako ng kirot sa puso ng sabihin niya 'yon sa akin. Hindi na bago ang mga katagang bayaran na iyon sa akin kaya hindi na siya nagkakaroon ng gaanong lamat but hearing the words Grae used me felt strange, it suddenly formed a different kind of pain and maybe because I know that was real. Grae used me to bring her back.
“Tell me, how much did he pay, for you to be that desperate?” patuloy nito. Hindi na ako nakaimik para akong tinanggalan ng boses sa sinabi niya.
“What you and Grae have had nothing compared to us so don't expect that you did something to make me jealous of you. You are nothing, Sienna. I can't be jealous to a person like you!” Nararamdaman ko na ang papatak na mga luha ko.
“You're not worthy either.” Natuon ang pansin namin sa biglang nagsalita. Sabay kaming napatingin ni Ivory sa likod niya kaya laking gulat ko na si Grae ito. Tumabi ito sa akin, tinignan niya ako kaya nagtama ang mga titig namin, agad ko namang inilayo ang tingin ko sa kanya dahil papaluha na rin ako. Hinarap niyang muli si Ivory.
“Bakit sino ka ba para pagselosan ni Sienna?” wika pa nito kaya halata sa mukha ni Ivory ang pagkagulat at inis. Hindi siguro siya makapaniwala na mariring niya iyon mula sa lalaking alam niyang mahal na mahal siya.
“You're just my ex-girlfriend. What we have before maybe is incomparable but my girlfriend and I will work together to do great memories more than that.” Nang sabihin iyon ni Grae, nanumbalik ang tingin ko sa kaniya pero 'di ko namalayan na nakatitig na pala siya sa akin habang binabanggit niya iyon sa babaeng alam kong mahal na mahal niya. Hinarap niya itong muli. "Don't make yourself low, Ivory. I know you hate being compared but you are the one who's comparing yourself to my girlfriend who has nothing to do with our past. So please, don't embarass yourself, stop comparing yourself to her.” Napansin kong biglang namumula si Ivory dahil sa mga sinabi ni Grae. Nilapit niya si Grae at mukhang ilang pagitan na lang at magkakapalit na sila ng mukha.
“You think you can fool me, Grae? I know you better. I am confident enough to know that if I confessed I still love you right now, you'll comeback to me!” Biglang napahawak ang kamay sa akin ni Grae. Nilalamig ito at pinapawisan. I know Grae is just holding to not give in. Tinignan ko silang dalawa at medyo nagkaroon ng kirot sa aking damdamin ang nasisilayan ko ngayon.
“I don't love you anymore, Ivory.” Nanlaki ang mata ko ng sabihin iyon ni Grae at mas lalo pang humigpit ang paghawak niya sa kamay ko.
“You're lying, I can feel it. If you don't love me anymore, I need a proof. You told me before that you wouldn't touch someone unless you love them enough. Now, prove to me that you and Sienna have were real. Kiss her in front of me, Grae.” Magsasalita na sana ako ngunit bigla na lamang akong naging yelo sa kinatatayuan ko nang dumampi sa labi ko ang labi ni Grae. Nablanko na ang utak ko sa nangyari, para akong nasa kawalan ngayon. Totoo ba ito? Did I just have my first kiss? And it was from the man I hated the most? Kumawala na ito sa halik at hinarap si Ivory habang ako nakatulala pa rin sa kawalan. Saglit lang ang halik na iyon ngunit alam kong habang buhay na tatak sa isip ko. And he's not even my real boyfriend. It was not me who he loved.
“Do you believe it now?” tanong ni Grae sa kanya.
“You'll regret everything, Grae. I promise you that,” mariing pagbabanta nito.
“Regret is the least I know now," he respond kaya mas lalo lang nainis si Ivory at nanahimik na lang ito at tumalikod sa amin, halatang mangiyak-ngiyak ito. Hinarap naman ako ni Grae. May kinuha ito sa bulsa niya at saka sinuot sa braso ko.
"It's a bracelet, if you need me, just press it and it will immediately send a signal to me." Kasabay niyon ay pinakita niya rin ang suot niyang bracelet. "You can also send a voice message in there," dagdag pa nito at saka hinaplos-haplos ang buhok ko na nakalugay ang kulot at naka-braid ng maliit sa dalawang side ang kaunting hibla at inaayos niya ito. "I'll see you later. Take care," sabi nito saka hinalikan ako sa noo. Hindi na ako nakaimik sa ginawa niya. I didn't expect he'll did this in front of Ivory, I know we are doing this to make her jealous but didn't he heard what she said? 'Di ba dapat masaya siya na nalaman niyang may gusto pa rin sa kaniya si Ivory kasi 'yon naman talaga ang rason kung bakit kami nagpapanggap, ang ipa-realize sa kaniya na mahal pa rin siya nito. Pero bakit? Why did he still choose to hurt her feelings?
BINABASA MO ANG
Academy Stripper
RomanceFormer Title (TAINTED HUES) Sienna Lavarias lived in cruelty, despise by the woman who took care of her since she was born. She grew up in the fear of getting inside the hues of lights that flickers on the bulb-a place where women are mostly called...
