"SA PAGITAN NG MGA PUSO"

2 0 0
                                    

Ang tagal kong ipinagdasal na sana balang araw may dumating na ipaparamdam ang totoong kahulugan ng pag-ibig. Hanggang sa naging "Lord, kayo na bahala." Hindi na muling nagdasal o muling inisip dahil pinagkatiwala ko na sa kanya. Hanggang dumating yung araw na natagpuan kita... 



Ay, Teka mali. 



Natagpuan niya ako.




 Natagpuan niya ako sa gitna ng maraming takot at sa gitna ng maalong dagat. Sa kabila ng maraming sakit at pangamba, tapos na ang paghihintay. Nasagot na ang laging noong dinadasal.




Handa na akong magmahal.






"Gusto kita." Buong tapang kong sinabi. 




Ito na yon.




"Gusto din kita." Iba pala talaga pag tinamaan ka. Ang lakas. Ang hangin. Ang bilis ng tibok ng puso. Dalawang salita at gumuho ang lupa. Gumuho yung mundo mo, di dahil sa lungkot dahil sa saya. Hanggang sa araw-araw walang pinalipas na oras, hindi nagkulang iparamdam yung saya, yung galak, at yung tamis ng pagmamahal. Walang pinalampas.




"Mahal kita." Walang alinlangan kong sabi. Isang mahigpit na yakap ang agad na bumungad sakin. 



Ako na siyang mawala.



Ito na yung dasal ko eh. Siya yung hiningi ko...



"Mahal din kita" Yung dating takot na nakakulong sa puso ko, isang yakap lang ng taong ito naramdaman ko na ligtas ako. Dito ako malaya. Dito ako masaya. Wag kana mawala.



Tama nga sila, para kang lumulipad sa era pag-inlove ka. Iba eh, ung tipong araw araw sa umaga may ngiti agad sa labi mo. Yung ang gaan gaan ng buong puso mo. Yung pakiramdam na walang takot. Walang lungkot. Kung meron mang hindi pagkakaintindihan, aayusin. Aayusin kasi mahal niyo ang isa't isa. Aayusin at iintindihin.



Ang sarap ng feeling na ganon. Kaya nagdasal muli ako. "Lord, sana wag na mawala." 



Gabi-gabi. Araw-araw. Kasama siya sa bawat dasal. Kasama siya sa bawat hiling at paki-usap. 

SA PAGITAN NG MGA PUSOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon