Chapter 16

890 35 0
                                    

"What now Beatrice?" I asked mockingly to her while my eyebrow curved up.

She's on the line,

》 "Please Aden, enough with this shit. Please," she beg.

Sunod-sunod kong narinig ang mga mabibigat niyang pagbuntong hininga na mas lalong nagpalapad ng ngisi ko. Ngayon ay humagulhol na siya.

》 "Please Aden—"

Naputol ang kaniyang sasabihin sa kabilang linya at bigla nalang siyang dumaing. That means she's dead. Nakuntento at gumaan na ang loob para kay Beatrice na ngayong siguradong patay na siya.

I chuckled, "Magkikita na kayo ng ama mong demonyo, Beatrice."

Inutosan ko ang mga tauhan kong patayin ng palihim si Beatrice at ang ibang mga alagad nito, lalo't alam nilang buhay ako. Dapat ay hindi na sila patagalin.

At sa ngayon matutuon na ang pansin ko sa huling paniningilan ko, at 'yon ay si Kellion. 

Hindi ko makokontrol ang sarili ko kapag kaharap ko siya, kaya hindi ako haharap sa kaniya bilang si Aden. At kahit si Shanen na ako ngayon ay hindi padin dapat ako kumpyansang humarap sa kaniya.

Sa lalim pa naman ng pagmamahal ko sa kaniya ay hindi imposibleng hindi magtraydor ang puso ko. At maaring bumigay pa ako at matatapon lang ang lahat ng mga plano ko para makapaghigante sa kaniya.

Hindi pwedeng mangyari 'yon.

Sa ngayon ay aatakihin ko siya ng palihim at tahimik.  Si tito Danza at ang mga tauhan niya ay sinasalubong at kinakalaban ang isang kompanya ni Kellion na hindi niya masyadong nabibigyan ng pansin.

At ang kompanyang nabuo ko dahil sa tulong nina tito Danza at Owen, ngayon ay kaharap ang gusali ng isang  kompanya ni Kellion.

Mariin akong nakatingin sa buong gusali na nasa harap ko. Iskelado at elegante ang pagkakadisenyo ng gusali ni Kellion, halatang milyon-milyon ang binayad sa arkitekto.  Hindi maipagkakailang maraming nahuhumaling na pumasok diyan, dahil sa taglay na kamodernohan.

Si Owen ay nagpunta ng Shanghai, panandalian lang naman siya dun. Si tito Owen ay abala sa kaniyang kompanya.

9:36 p.m

Naisipan kong 'wag muna umuwi sa mansyon. Wala naman dun ang dalawa kaya walang maghahanap sa akin at magtatanong kung sa'n ako nanggaling.


Nasa loob na ako ng Sedan ko. Nahagip ng mga mata ko ang Mercedes-Benz ni Kellion. Pati si Kellion ay nahagip ng mga mata ko. Nakabukas na ang pinto ng M-D niya sa driver's seat, hindi pa siya pumasok. Bagkus ay malalim ang mga mata niyang nakatingin sa building ko.  Mabigat at malalim siyang bumuntong hininga, tapos ay napailing at pumasok na sa kaniyang sasakyan.


Wari ko kung  bakit ganito ang puso ko ngayon, mabilis ang pagtibok nito at napupunit.   Sa mukha palang kasi ni Kellion ay alam ko ng malalim at mabigat ang kaniyang iniisip, at paniguradong may kinalaman din 'to sa akin.


Lumipas ang ilang minuto ay natagpuan ko nalang ang aking sarili na nagmamaneho ng aking sasakyan na nakasunod  sa kay Kelion na sasakyan. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko pero pinagpatuloy ko nalang.

Naalala ko ang pagkikita namin sa Vlack Forext Restau nung isang linggo. Grabe, hindi ako nakatulog ng ilang araw. Pakiramdam ko kasi ay nanatili sa akin ang naramdaman ko nung kaba at panginginig, lalo na ang mga labi ni Kellion sa akin at ang yakap niya sa likuran ko.

Damn! I miss this man so much.  But what I can do?  Nagsisimula palang akong maghigante.

This way is familiar to me, it's way to Qwexie Bar.  Ang bar kung saan ako madalas pumupunta pagsobrang bigat ng dinadamdam ko at wala sina Owen at tito Danza.

Kidnapped by Mr.Possesive Mafia (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon