Her Side part 2

22 0 0
                                    

Lian's POV

"Ayos ka lang ba?"

"Oo, Salamat ha"

"Ikaw naman kasi, Dapat di mo na pinatulan"

"Sorry. Badtrip kasi ako ngayon e" ito nanaman ang bwisit na luha.

"Bakit? You can tell a secret to me. Makikinig lang ako"

"Can I trust you?"

"Of course, Btw, I'm Nathaniel, Nathaniel Lee. Call me Nathan" Yeah I know. Matagal ko ng alam.

"Tara dun tayo sa park. Tahimik dun"

Sumunod nalang ako. Habang naglalakad kami sa hallway. Pinagtitinginan at bulungan nanaman. napaka malisyoso ng mga tao dito -.-

Umupo kami sa swing, tapos umalis sya sandali. pagbalik nya may dala syang soda para samin.

"Thanks"

"Wag mong pigilan luha mo. Masama yan"

"huh? Ako? Iiyak? Hindi ah" Kaya lang itong pesteng luhang to. Tumulo na.

"Dito nga" hinila nya ako papunta sa kanya. He wrapped his arms around me "Cry." he said. The moment he said that. Tears started to fall.

"Sorry. Di ko na kase mapigilan" Di sya nagsasalita. tina-tap lang nya ang shoulder ko. "Si Mama kase at si Papa" nagkkwento na ako kahit di siya nag-sasalita, alam ko nakikinig siya "Na-grant na yung Divorce nila. Matagal na silang hiwalay. Sanay nako. Pero di ko parin mapigilan na hindi umasa diba? Umasa ako. na balang araw magiging buo ulit kame. na kapag nag-graduate ako. Pupunta silang dalawa. Pero umasa lang ako sa wala. Masakit yun. Sobra. Tapos ngayon para lang akong isang bagay na pinag-aagawan nila, Ang masakit pa pinapapili nila ako kung kanino ako sasama. Mahal ko silang dalawa, Ayaw kong may masaktan ako sakanila"

"Di mo naman kailangan mamili. Kung mahal ka nila, di ka nila papahirapan ng ganto. Hayaan mo munang lumamig ulo nila. Tsaka nyo pag-usapan ang problema nyo" Sa mga sinabi nyang 'yon. gumaan yung loob ko.

"Sorry ah. Nakita mo pa akong umiyak. Nakakahiya. naabala pa kita. haha" Umalis na ako sa yakap nya at pinunasan ang luha ko.

"Ayos lang. Wala naman akong gagawin. Sana kahit papano gumaan loob mo"

"Thank you Nathan. Salamat talaga. Ah O'nga pala"

"Ano yun?" Sasabihin ko na ba na gusto ko siya? Oo sige. Wala namang mawawala e. sge, Sasabihin ko na.

"Ah ano.. Ano. Ano kase.."

"Huh? Ano yun?"

Inhale exhale "Nathan. May gust---" *kriing! kriing!*

"Ah teka lang Miss-- "Hello?.. Uh yeah.. Osyet.. sorry babe, nakalimutan ko.. sorry on the way nako. pakisabi kila tita pasensya na... Oo sge. syempre mag-iigat ako.. Sge bye.. Haha! Sira ka talaga.. Sge na bye :)" 

Huh? Babe? </3 Pero go parin ako. Sasabihin ko na kahit masakit. May gf na pala siya. Bat diko alam yun. Stalker ba ako? Bat wala akong alam? :( "As I was saying.--" tuloy ko

"Ah miss. Pasensya ka na ah, May emergency lang kase. Sorry talaga. Una na ako ah"

"a-ah. s-sige. Sorry pala kanina at salamat"

"Sige miss. Ingat ka :)" at tumakbo na siya

"Ah! Teka!-" sumigaw ako pero di nya narinig "ako nga pala si Lian.. :( " di man lang nalaman pagalan ko.

--

A/N:

Ohaa! HAHAHA. Halos 3months akong di nakapag-update. Katamad e. Di ko alam saan papunta tong story na to. Pero I'll try my best talaga. Anong masasabi niyo kay Lian? Wag kayong magalit sa kanya. Mahal ko din yang character ko na yan. Bwahaha, sa mga susunod na chapter. Baka masabunutan niyo na si Lian. XD HAHAHA. K. Yan pala si Lian sa gilid oh. Ganda niya no? :)))

Okay ba-bye for now.

VOTE. COMMENT. BE A FAN. :)

-MG143 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 14, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Until we met. (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon