"I hate you Gel!"
Sigaw sakin nung classmate kong babae, ^O^ nabisto ko kasi syang may gusto sa tropa ko kaya inaasar ko.
"siraulo ka Ruigel"
Tawa rin ni Gil habang sinusundan ng tingin yung classmate kong abnormal na tumakbo palabas. Hinihintay kasi naming yung teacher namin for the second subject. Natawa ulit ako, ^O^ pulang pula kasi yung pagmumuka nung classmate ko tapos bigla ba naman akong sinigawan. Muka talaga silang abnormal kapag nagkakagusto. -__-! Mga babae talaga! Well, mukang hindi naman siguro lahat ng babae ganun, tulad netong kakapasok lang ng room. Naka-jacket with hood na naman sya, nakasuot sa kanya yung hood tapos nakalagay yung dalawa nyang kamay dun sa pocket ng jacket nya. Ngumunguya sya ngayon ng gum then yung left eye nya natatakpan nung one sided bangs nyang may konting highlight na blue. Adik yan eh, pero wag ka......................
^______^ mahal ko yan.
Kaso mas lalaki pa sakin eh. Maganda sya, bruha nga lang. -__-! Asa naman na mag-ayus sya eh kilos lalaki nga. 4th year highschool na kami at kung tatanungin mo at sasagutin ko naman, ^O^ magda-dalawang taon ko na syang gusto. One sided love ata tawag dito. >___< ang torpe ko kasi! Sya pala si Allen Cortez, tch! Pati pangalan panglalaki. Kakatransfer nya lang dito last year, na-kick out daw sya sa dati nyang school at kung anong dahilan.....
-__-! Nakipagsuntukan lang naman sya at napilayan nya lang naman yung kaklase nyang lalaki sa old school nya. Tama ka! Basagulera nga tong bruha na to. Kaya nga dapat magaral muna ako ng mga pangself defence bago ko sya ligawan eh, :P hehe! Pang self defense manlang kapag napikon sya sakin. Tahimik sya at lagging magisa; mali pala, may bestfriend nga pala sya. Yung rubicks cube. Lagi nya kasi yung hawak, astig nga eh. Wala pa kasing 3 minutes kaya na nyang buuin yung buong cube, samantalang ako isang phase palang nung cube ubos na yung oras. But inspite of her being timid, lagi parin syang napapaaway. Lagi kasi syang may napipilayang lalaki dito sa school, ayaw nya daw kasing may nasasaktan at nababastos na babae dahil sa lalaki kaya to the rescue sya lagi sa mga babae. ^__^ kaya nga nakaka-inlove eh. Hindi ko pa sya nakakausap ng matino, >___< nakakatanga kasi!
Ngayon palapit na sya sakin, seat mate kasi kami. Tinanggal nya yung hood sa ulo nya kaya nakita ko yung isang earings sa left ear nya. Tae! Bagay sa kanya! Psh! Maganda na sana eh, kaso isang piraso lang yun at wala yung kabila nyang tenga. Bangag nga diba? Naupo na sya at naglean back sa upuan, tumingala sa kisame at nagpalobo ng chewing gum na kanina nya pa ningunguya. May suotpala syang earphone, napansin ko naman bigla yung buhok nya.
^___^ ang haba na pala ng buhok nya.
*tugsh!
"Problema mo?"
Asar kong tanong kay Gil, timang kasi! Mangbatok ba naman?
"dude, tunaw na si Allen tas tulo pa laway mo"
Bulong nya sakin ako naman napahawak sa bibig ko. >__< pucha! Kanina pa ba ako nakatitig kay Allen?
"^O^ haha! Naniwala naman ampupu!"
Bawi nya sabay hagalpak ng tawa, hampasin ko nga nung librong binabasa ko. Siraulo! Sarap i-itsya sa bintana.
"tch! Manahimik ka nga"
Utos ko, kalalaki kasing tao napakadaldal.
"don't tell me, you like her"
Bulong nya ulit, napatigil naman ako sa pagbabasa sabay tingin sa kanya saglit sabay balik sa libro yung atensyon ko.
"timang, hindi ko sya gusto"
Sagot ko, bobo ka Gil! Mahal ko sya dude. May sasabihin pa sana yung madaldal kong tropa kaso dumating na yung teacher naming physics.