MIKHAIAH AU ONESHOT.
Atenista meet the lasalista.
WARNING : R-18 | INTERSEX
Mature content strictly fictional.
This story is not for everyone and if you are a sensitive person; again this is not for you. For minors please don't read this and fin...
Ako si ava 24, ateneo fine arts graduate. Never been kiss never been touch, inilalaan ko ang aking sarili kasi sa taong makakasama ko na sa habang buhay kaya kahit nagka-boyfriend na ako noon ay hindi ko pa rin ito ibinigay. Ilang beses na akong ini-invite ng mga kaibigan kong mag-party at sumama sa kanila sa mga bar pero palagi akong umaayaw. Ayoko talaga kasi ng maingay na mga lugar eh, pero ngayong gabi pumayag na rin ako. Gusto ko lang kasing makalimutan ang gago kong boyfriend. Ex-boyfriend ko na pala, nakipag-break na kasi ako sa kaniya. Ang gago 'yon may gana pa akong lokohin at maghanap pa siya ng iba! Pero ang totoo nasasaktan pa rin talaga ako eh, akala ko siya na ang makakasama ko forever. Sa dalawang taon kasi namin; ipinakita niyang mahal na mahal niya ako o sadyang hopeless romantic lang talaga ako? Naniniwala kasi ako na kapag mahal mo, marunong ka dapat maghintay kung kailan siya magiging handa na ibigay ang sarili niya sa'yo diba? Kaya lang hindi na siya nakapaghintay! Nandito nga pala kami ngayon sa isang sikat na bar sa bgc. Iinom talaga ako hanggang sa malasing, hanggang sa mawala na ang sakit dito sa dibdib ko. Pagpasok pa lang namin ng bar ay nasusuka at nahihilo na ako sa usok ng sigarilyo. Hindi talaga ako sanay sa ganitong klasing lugar. Pero Infairness nagkalat ang mga gwapo sa loob ng bar na 'to ah. Magsasawa ka na lang talaga sa katitingin, pero wala naman akong makitang type ko.
" Hoy! Ava Alonzo! Magpapakalasing tayo buong gabi, okay? Walang atrasan' to." Maarteng saad ng bestfriend kong si heart. Inirapan ko naman ito.
" Tama si heart, kaysa iniiyakan mo ang walang kuwenta mong ex-boyfriend. Eh iinom mo na lang 'yan." Dagdag pa ni miya, isa ko ring friend na tambay sa mga bar palagi.
" I agree! Wooh! Wooh!" Sabat ni jaz na habang umiinom ay panay ang sigaw kanina pa. Siya ang pinakabata sa amin pero siya rin ang pinakapasaway.
" Oo na po. " Tugon ko sabay irap. Dinaig pa talaga nila ang magulang ko sa paninermon sa akin.
" Whooh! Let's go, ava." Paghila sa akin ni jaz sa dance floor at sumunod din sa amin sila heart at miya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ang totoo bago lang kaming lahat sa bar na 'to. Dito nila ako hinila kasi para naman daw maiba. Dahil pabalik-balik na rin sila sa mga bar sa makati.
" Ano ba, jaz? Hindi naman ako sumasayaw!" Sigaw ko rito dahil sobrang ingay at hindi kami magkarinigan.
" Ava, sumunod ka lang sa music. Igiling mo ang katawan mo at kung ako sa'yo iinumin ko na 'yang nasa kamay mo. Kanina mo pa 'yan hawak-hawak eh, para naman magkalakas loob ka." Ang maarteng bestfriend ko na naman.
" Alam mo ava sa lahat ng atenista, eh ikaw lang ang kilala kong manang! Loosen up nasa bar tayo ano!" Sinabihan ba ako ni miya ng manang?! well, tama rin naman siya. Manang pala ah? Deretso kong tinungga ang beer na kanina ko pa hawak-hawak.
" Yes! yes! go girl! Wooooh!" Pag-cheer pa sa akin ni jaz habang nasayaw ito. Naiiling na lang akong sumunod.
Habang palalim nang palalim ang gabi ay parami nang parami na rin ang naiinom ko. Wala rin kaming tigil sa pagsasayaw. Ang saya rin pala ng ganito. Dahil sa beer yatang naiinom ko'y kung sino-sino na ang nakakausap at nababangga ko sa dance floor.