Noon Sana

133 4 0
                                    

Akala ko noon ang buhay ko wala nang saysay simula ng mamatay si nanay at mabilanggo si tatay. Natuto akong bumarkada. Ang saya pa nga dahil sa kanila nakakalimutan kong nawalan ako ng pamilya. Tawanan, harutan, sayawan, kantahan…. Walang katapusang kasiyahan. Kapag kasama ko sila parang buo ako. Sa lahat ng oras may kasangga ako. May pagkakaisa dahil sa oras na may umaway sa akin, pinagtatanggol nila ako, kaya nga ganun din ako sa kanila. Bawal banggain ang barkada ko dahil sigurado lagot ang sinumanng bumangga! Minsan pa tambay na lang kesa pumasok sa eskwela mas masaya eh walang kill joy, walang magsasaway. Pag sila ang kasama walang bawal.

                Pumapasok pa rin naman ako sa school. Madalang nga lang. Minsan nga pag tinanong ako hindi ko pa kilala mga teachers ko. Mag iisang buwan pa lang simula ng pasukan. Katulad ng dati, pumapasok akong walang laman ang tiyan. Pareho ng iba ko pang mga kaklase, nagtitiis ng gutom.

                Recess. Habang kumakain ang iba, kaming mga walang baon harutan na lang tutal wala naman kaming kakainin o perang pambili ng tubig man lang. Bigla siyang pumasok sa room. Inabot nya ang isang balot ng tinapay at ibinigay sa amin. Ayaw pa naming kunin nung una pero dahil mapilit sya kinuha na rin namin. Araw-araw ganun sya. Nagbibigay ng pagkain sa walang baon.

                Isang araw, nagtatawanan kami ng mga kaibigan ko. Pinagtatawanan namin ang teacher dahil pilay sya. Nahalata ni teacher. Ayun! Nilayasan kami. Maya-maya pa, “Paano kung kayo ang may kapansanan, matutuwa ba kayo kung maririnig nyo ang mga tao na pinagtatawanan at pinag-uusapan kayo? Sana bago tayo gumawa ng isang bagay, isipin muna natin kung makakasakit ba tayo.”

                Guilty! Tinamaan ako dun ah! Pagkatapos nun, sinulat na lang namin ang lecture na iniwan ng teacher namin sa EPP. Ako? Wala akong bolpen kaya hayahay ang buhay. Nakadungaw lang sa bintana habang sila nagsusulat. Pagtingin ko sa armchair ko may bolpen. Tinignan ko kung kanino nanggaling ang bolpen. Nakita ko sya nakatalikod na. Kinuha ko ang bolpen at nagsulat.

                Ilang araw ang lumipas, papasok pag sinisipag tatambay pag tinatamad. Pumasok ako isang araw pagkatapos ng dalawang magkasunod na pag absent. Nakatulog ako sa klase dahil hindi maganda ang pakiramdam ko. Napagalitan ako ng teacher sa Science dahil natutulog ako kaya napilitan akong umayos ng upo. Gayunpaman, wala namang pumapasok sa isip ko dahil nahihilo na talaga ako. Lumipas ang oras, tutal iba na ang teacher yumuko ulit ako at umidlip. Habang nakapikit ako naramdaman ko ang haplos ng isang kamay sa aking buhok. Hinawakan nya ang aking noo at tinanong nya ako kung gusto ko bang umuwi para makapagpahinga dahil may lagnat ako. Naisip ko wala rin naming tao sa bahay at wala ding mag aalaga sa akin kaya umiling lang ako habang nakayuko pa rin. “kaya mo pa ba?” tanong nya ulit. Tumango naman ako. Umalis na sya sa tabi ko. May panghihinayang akong naramdaman dahil wala nang humahaplos sa buhok ko. Ganun pala ang pakiramdam kapag may nag-aalala sayo. Pag aalala na hindi ko naranasan mula sa mg magulang ko o sa mga barkada ko. Maya-maya pa, inabutan ako ng kaklase ko ng tinapay at inumin. Pinakain nya sa akin iyon at pagkatapos ay inabot nya ang gamot na ininom ko naman.

                Hindi ko alam kung bakit pero ang astig na AKO unti-unting nagbago. Bago pumasok, nakakailang balik ako sa harap ng salamin para lang masigurong maayos at presentable ang suot ko. Gumagawa na rin ako ng assignment para naman hindi ako mapahiya sa kanya. Nakikinig ako sa lectures para makasagot ng tama.

                Sa pakikipagbarkada ko sa labas ng school, wala namang nagbago. Ganun pa din tulad ng dati un nga lang nang makilala ko sya nang lubusan, mas napadalas ang pasok ko sa school. Hindi na kapag trip lang…. kung dati wala akong mabuong isang linggong pasok, ngayon? Perfect sa attendance. Pati Sabado pa kung meron.

                Minsan dumating pa sa puntong naitanong ko sa sarili ko, ako ba talaga ito? Aral na aral eh. Gumagawa na ko ng assignment, nagsusulat ng lectures at sumasagot sa klase. Inspired eh! Pero ang sarap pala sa pakiramdam. Ang dami kong natututunan. Ang sarap pala na sa bawat tanong ng teacher alam mo ang sagot. Sa bawat quiz, hindi man perfect may tama naman sa mga sagot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Noon SanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon