Nasa canteen kami ngayon nina Kristina at Angelah kumakain bago pumasok sa 1st subject namin.Pinag uusapan ng dalawa na may bagong transferee at sa klase namin ito napunta.Pigil ang tili ng dalawa kong kaibigan habang inilalarawan ang nasabing lalaki.
"I've heard,he's a genius daw",ani Kristina
"Yup,sabi ng ibang taong nakakakilala sa kanya",sabat naman ni Angelah.
Nakapangalumbaba akong nag sscroll sa facebook ng may biglang tumunog na notification.
Deejay Kyle Rovallez sent you a friend request.
Tiningnan ko muna ang timeline niya,pinindot ko ang profile picture niya.Mukha siyang pamilyar saakin,parang nakita ko na siya,hindi ko lang maalala kung saan.
Hindi ko muna ito inaccept dahil hindi naman ako basta basta lang nag accept ng friend request lalo na't hindi ko ito kilala.Tumunog na ang bell hudyat na simula na ang unang klase.
Pumasok na ang aming adviser na may kasamang matangkad,maputi,at gwapong lalaki.Halos matulala lahat ng kababaihan sa klase namin dahil sa lalaking iyon.Nagsimula ng magsalita ang aming adviser at pinakilala ang bagong transferee.
"Good morning class,today you have a new classmate,kindly introduce yourself Mr.Rovallez to them",sabi ni Ma'am Korteja.
"Deejay Kyle Rovallez,16 years old",maikling saad ng bago naming kaklase.
Deejay Kyle?Parang pamilyar?Saan ko ba narinig ang pangalan na iyon?
Dali dali kong kinuha ang phone ko at tiningnan ang friend request list ko.Tiningnan ko ulit ang profile picture noong Deejay din na nag add friend saakin,siya ito.
"Okay,what a nice introduction",may pagkasarkastikong saad ni ma'am Kortejo.
"You may now sit to the vacant chair beside Ms. Safira Jazino",dugtong na saad ng aming adviser.
Walang tigil sa pagyugyog saakin ang dalawang kaibigan ko.Nairita ako at tiningnan ng masama ang dalawa.Tumayo ako at kinuha ang bag ko upang makipagpalitan ng pwesto kay Angelah ng biglang hatakin ako ni Deejay upang mapaupo ulit sa aking upuan.Nagulat ako pati ang dalawa kong kaibigan.
"Stay there miss,don't change sits with anyone",sambit ni Deejay.
"And why is that?"tanong ko naman.
"I don't want others to be my seatmate",sagot niya.
"What about me then?I am others too",paliwanag ko.
"No,you're not.I know you",sabi niya.
Wala na akong nagawa kundi manatili nalang sa aking upuan dahil magsisimula na ang 1st subject namin.Pinilit ko nalang na magfocus sa ipinapaliwanag sa harapan kahit na ramdam ko ang titig ng katabi ko.
Sa wakas ay natapos na ang first subject namin.Sunod ay general biology,isa sa pinakamahihirap na subject para saakin.
Pumasok na si ma'am Chyss at nagsimula ng magturo."Okay class,since our 1st quarter is about to end,I have a project for all of you.I already uploaded it on your gclass.It's about a 3d model of a cell.I already have your names in this box,I'll announce the grouping right now.
Nagsimula ng nagtawag ng pangalan si m'am chyss.
"Safira Jazino,Kc Wiesse,Kiara Lechie,Marco Ferrer and Deejay Kyle Rovallez",pagbanggit ni ma'am Chyss ng nga pangalan namin.
Nakakainis,hindi ko kagrupo 'yong dalawang bruha.
"You can talk about it already right now,class dismiss",paalam ni ma'am.
Pagkaalis ni ma'am Chyss ay lumapit agad saakin ang mga kagrupo ko.Lahat ay busy sa pag uusap tungkol sa gagawing project.
"Saan tayo gagawa?",tanong ni Kc.
"Safira,sainyo nalang",suggest ni Kiara.
"Hindi ko alam,agree ba lahat na sa bahay nalang namin gumawa?",tanong ko.
May biglang naghatak ng upuan at naramdaman kong tumabi saakin.Paglingon ko ay nakita ko si Deejay.Magtatanong na sana ako kung bakit siya narito nang maalala ko na kagrupo pala namin siya.
"Agree ako",sambit ni Kc.
"Ako din",sunod ni Kiara.
"Sige,doon nalang",sabat ni Marco.
"Hmm,ikaw Deejay?",tanong ko.
"Sainyo nalang",sagot niya.
"Dahil sainyo rin naman na gagawa,ikaw na maging leader Saf",sambit ni Kiara.
"Huh?Bakit ako?Marco ikaw nalang",pagtanggi ko.
"Ikaw nalang miss Safira,being a leader suits you better",sabat naman ni Deejay.
Sabay sabay na tumango ang iba kong kagrupo.
"Gagawa ako ng group chat para dito,doon nalang tayo mag usap usap about dito",saad ko.
Pumayag sila at naghiwa hiwalay na.
Nagpatuloy na ang klase hanggang gabi.Uwian na at kasabay ko sina Kristina at Angelah sa sasakyan ko.Inihatid ko muna sila sa kanilang bahay bago ako umuwi.Nakipagkwentuhan muna ako sandali kay mommy bago umakyat na sa aking kwarto.Pagkatapos ko maligo ay kinuha ko na ang aking laptop upang gumawa ng group chat para sa project.Tumunog ang cellphone ko hudyat na may message ito.Binuksan ko ito.
Deejay Kyle Arevalo sent you a message request.
Safira,don't you have plans of accepting my friend request?
Natawa ako at inaccept na ang friend request niya.Inadd ko na silang lahat sa group chat na ginawa ko at doon kami nag usap usap tungkol sa gagawing project.
YOU ARE READING
After Life
FantasyWhat does after life really looks like? Are we gonna live there freely? Is there really hell and heaven? "Promise me that you'll gonna be with me even in after life Safira,promise me",saad niya.