Chapter 6

5 0 0
                                    

"can we talk?" hindi na ako nag dalawang isip pa na tanungin sya

"sure" buti at napapayag ko sya, nandito kami ngayon sa terrace nakaupo habang hinahampas kami ng simoy ng hangin.

"akala ko ba mag uusap tayo?" hindi kasi ako marunong sa comfort pero ginagawa ko naman best ko

"ah oo.."

"kanina kasi parang di ka okay?" he looked at me at nakataas ang kilay nya

"what do you mean?" paano ko ba sasabihin 'to

"nung kasama ko si kade, parang hindi ka okay nung time na 'yon." napalunok nalang ako bigla pagkatapos ko sabihin yon

"bakit mo naman tinatanong?" sinipa ko yung paa nya para sumagot sya sakin ng maayos

"bakit mukha ba akong di mapag kakatiwalaan? friend naman tayo, kaya wag ka mahiya 'no!"

ganitong ganito ako kila lara at rie kahit alam nila na di ako marunong sa comport pero atleast marunong naman daw ako makinig.

"hindi ko alam bakit ganon" see? di nga sya okay

habang nakatingin ako sa mga mata nya parang may di magandang nangyari sa past nya, hindi talaga sya okay ngayon.

"haru kahit hindi ako marunong sa comport, makikinig ako." nginitian nya lang ako

"nung nasa japan pa kami ng kuya mo, may nagustuhan akong babae at close friend yun ng kuya mo, niligawan ko sya at sinagot nya ako hanggang sa naging kami. 4 years kami nag tagal pero bigla ko sya nahuli sa bar may hinahalikan na iba" what the fuck, ang gago ng babae.

wala ako masabi, sobrang speechless ko habang nakikinig sa kwento ni haru.

"ako na mismo nakipag break and lumipas yung months mahal ko padin sya kahit ang sakit, sabi ni aiden umuwi nalang daw kami ng pililinas baka makalimutan ko lahat lahat 'yon." aiden is a good friend, buti nalang may kaibigan sila kuya na katulad ni aiden.

"last year lang kayo umuwi dito tama ba?" last year din kasi umuwi si kuya galing japan, hindi ko naman alam kung may kasama sya umuwi dito.

"oo, then habang tumatagal nakakalimutan ko na at unti unti na ako nakakamove on" tinapik tapik ko yung likod nya, alam ko nag hihilom palang yung mga sugat na naiwan.

"baka kahit ako masasaktan kapag ganon" i looked up at the sky, ang daming stars.

"eh ngayon naka move on kana?" tumingin sya sakin ng seryoso, yung mga mata namin nag tugma pero umiwas din sya

"hindi ko alam? magulo nararamdaman ko ngayon" napaisip isip ako kung paano ko sya mapapangiti ngayon para hindi sya mukhang malungkot dyan sa gilid ko

"sa kapogian mong yan pinag palit ka lang nya?" bigla naman syang napangisi

"baka sinasabi mo lang yan para ngumiti ako dito? pero salamat alam ko naman talagang pogi ako" here we go again

"edi wow!" inirapan ko sya, mukhang mang aasar pa ata tong kumog na to kung itutuloy ko pa 'to

"grabe akala ko naman may mag jowa dito" bigla kami nagulat ni haru sa sigaw ni patrick, nandito na pala sila kuya? ginabi na din sya umuwi

"pre nag momoment pa sila wag ka kase magulo" hinila ni rance si patrick para makaalis kaya natawa nalang din ako

"tara dinner na tayo" pumunta na kami sa dining area, nandito nanaman ulit lahat yung friends ni kuya.

kumpleto silang lima na nandito at parang walang araw na mag kahiwalay sila.

"lia tumawag si kade kanina sakin, nag papaalam sya kung pwede kayo mag dinner bukas?" ha? eh? dinner?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 01, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Beloved of DesireWhere stories live. Discover now