It's been 3 months since you left me hanging.
I can't imagine myself moving on that easy like what you did.
A month after we broke up, akala ko nagpapalamig ka lang. Bongga! Nakahanap kana agad ng iba.
Ganon ba ako kadaling kalimutan? Ganon ba ako kadaling palitan ha?!
Kating-kati kana ba talagang alisin ako sa buhay mo?!
Leche namang promises at pinky swear na yan,
Pinaniwala mo pa ako!
Oo masakit! Masakit aminin na tama nga sila na nagtanga-tangahan ako sayo!
Nasayang lang ang 4years ng buhay ko kakahintay at kakaasa sayo.
Oo! Manhid ako!
Mas pinili kong maging manhid para lang papaniwalin ang sarili ko na balang araw maaappreciate mo din lahat ng efforts ko!
Well, naging masaya din naman ako sayo pero mas lamang ang sakit.Tama na. Sagad na. Kota na ako sa sakit.
Sana masaya ka jan sa bago mo.
Mas mahal mo sya diba? Pwes wag ka lang sana karmahin sa ginawa mo sakin.
At makakahanap din ako ng MAS deserving para sa pagmamahal ko.
Marami pa naman jan iba na MATINO at TOTOO.
Di kagaya mo na kating-kati na.
Sa susunod na magkita tayo, sisiguraduhin ko sayong MASAYA na ako at ipapamukha ko sayo na IKAW ang nawalan at di ako!From: Paige