Chapter 4

7 0 0
                                    

"Hoy Jam! Napakakupad mo naman." Sino pa nga ba yung nagsalita? Edi yung besprend kong magaling na nagpasama sa akin kung saan dahil wala si Anica.

"Eto na nga po madam." Binilisan ko ang lakad ko at tumabi sa kaniya.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya. Kanina pa kasi kami naglalakad e.

"NBS nga diba? Di ka ba nakinig kanina noong sinabi ko?" Sabay irap sa akin.

"Luh parang gago, nagtatanong nang maayos e." Pabulong kong sabi.

Hindi na kami nag-usap ulit hanggang sa makarating na nga kami sa NBS. Dumiretso siya sa book section. Hindi ako sigurado pero wattpad books yata yung tiningnan niya.

Sinilip ko kung ano ba yung tinitingnan niya.

'Golden Scenery of Tomorrow'

Maganda ang title ganun na rin ang book cover. Agaw-atensyon.

Tiningnan niya pa ulit ang libro bago magpunta sa counter.

Hindi kami nag-uusap. Simula pagkapasok hanggang sa makalabas ng store. Naglalakad na kami, hindi ko alam kung saan pa kami pupunta. Sinusundan ko lang siya.

Bakit ba hindi ako kinakausap neto? Galit ba?

Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung anong oras na.

"6 na pala." Bulong ko sa sarili ko sabay tingin sa ulap. Hindi halata dahil maliwanag pa.

"Kung gusto mo nang umuwi, mauna ka na. Kaya ko mag-isa." Tumigil siya sa paglalakad kaya naman muntik ko pa s'yang mabangga dahil nga nasa likod n'ya ako.

Ano bang problema nito? Masyadong galit sa mundo.

"Sinabi ko lang naman ah!" Lalong kumunot ang noo niya.

Huminga muna ako nang malalim bago magtuloy ng sasabihin. "Hindi ako uuwi mag-isa. Sasabayan kita." Kinalmahan ko na ang tono ng boses ko.

"Ewan ko sayo!" Tinalikuran na n'ya ako at padabog na naglakad.

"Aba't---hoy! Bianca Marie!" Ano bang problema nun? Kanina lang nagpapacute pa 'to sa'kin para lang samahan ko ah.

Nilakihan ko ang mga hakbang ko para maabutan ko s'ya. Nang makalapit ako sa kaniya ay hinawakan ko ang palapulsuhan n'ya at hinila s'ya sa isang tabi. Nandito pala kami sa entrance ng mall.

"May problema ba?" Binitawan ko na s'ya at diretsong tiningnan ang mga mata n'yang nanlilisik na naman.

"Wala!" Napatingin pa ang ibang mga dumaraan sa kan'ya dahil sa pag-sigaw niya. Umiwas siya ng tingin at pinag-krus ang mga braso niya.

"Weh? Wala?" Tanong ko.

Ilang segundo pa ang nakalipas bago s'ya nagsalita. "E ikaw kasi e! Ilang araw na kaya tayong walang bonding. Tapos ngayon niyaya nga kita tapos parang di mo naman ako na-miss. Parang napipilitan ka pa ah. Wow! Kina-gwapo mo ba yan?"

Parang may kumurot sa puso ko nang marinig ko ang mga sinabi n'ya. Ano ba yan? Parang bading!

Kung alam mo lang kung gaano kita na-miss, Bianca Marie.

Gusto ko mang sabihin kung gaano ko s'ya na-miss ay pinili kong wag na lang. Lalaki lang ulo nan.

Tss, s'ya nga 'tong parang wala lang na hindi ako nakakasama e. Saya-saya n'ya nga kapag kasama n'ya si Anica. Huwag mo 'kong pinagloloko Bianca.

"Hoy, hindi lang kita nilalapitan kasi palagi kayong magkasama ni Anica. Baka mamaya n'yan magulo ko pa ang bonding moment n'yo. Tsaka hindi ko nga alam kung paano aakto kanina pa dahil hindi kita matantya, kanina ka pa galit. At matagal na 'kong gwapo." Sabay kindat ko sa kan'ya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 25, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Bianca Marie (LBM)Where stories live. Discover now