Avril's POV
Nasa terminal na ako ng bus ngayon dahil ngayong araw ang luwas ko papuntang Maynila. Naiinis pa ako dahil kakarating ko lang sa bahay, e aalis na naman ako ulit, ni-kain nga wala pa akong kain tapos malalaman-laman ko lang e mag-aasawa na pala ako. Hindi ko inasahan ang pangyayari ito ha. Hindi ko lubos maisip na mag-aasawa na ako sa edad na desi-syete, na dapat ay ngayon pag gawa lang nang school works ang obligasyon ko.
". Mag-banyo na ang gustong magbanyo,limang minuto nalang aalis na tayo." Rinig ko na sabi ni kuyang konduktor. Napatagilid ako ng upo at napatingin sa labas. Dito ako sa pinakalikod na parte ng bus kaya solo ko ito.. Ay mali may mga kasama pala ako,mga bagahe ng kapwa ko pasahero.
Matapos ang limang minuto ay umusad na ang sinasakyan kong bus kaya marahan kong ipinikit ang mga mata ko at pagdilat ay napagawi ang paningin ko sa mga taong nakahilera sa gilid ng kalsada at sabay sabay na yumuko.
Ang mga tao na nasa loob ng bus ay nagbubulong-bulongan.
". Oh my, what's happening?" Sabi ng isang babae na makikitaan mo ng karangyaan sa buhay.
". Why are they bowing?" Tanong naman ng isa.
Nanghalukipkip nalang ako habang nakatingin sa labas, pinagmamasdan parin ang mga taong nasa labas na para bang balak nilang maghilera hanggang Maynila.
".Wait,." Tawag naman ng isa sa konduktor.
". Yes po,Maam?" Magalang naman na sagot ni Kuya.
". What is happening? Bakit sila nakahilera?" Tanong nito ulit, napangiti naman si kuyang konduktor habang sinasagot ang tanong ng isang babae.
". Nagbibigay galang po sila Maam." Sagot naman ni kuya at iniwan na ang babaeng nagtatanong sa kanya.. Pumunta ulit ito sa harapan at namigay ng ticket sa mga pasaherong nandoon.
Bzzt
J
Take care, young sis.
Basa ko sa message ng ate ko na napakaganda. Matapos kong basahin ang mga mensahe ng kaibigan at magulang ko ay binulsa ko ulit ang telepono ko, hindi na ako nagreply mamaya maubos ang load ko hindi ko na makontak ang taong pupuntahan ko.
Napatingin ako sa relo ko na bigay ni mama nakaraang taon.
". Walong oras pa." Mahinang sabi ko at pumikit. Magpapahinga na muna siguro ako kesa naman sa nakatunganga lang ako dito.
". Maam.." nagising ako sa boses ni kuyang konduktor.
". Maam, nandito na po tayo sa terminal." Rinig ko ulit na sabi ni kuyang konduktor.
". Salamat,kuya." Sabi ko sa kanya at nag-unat-unat pa. Maya maya lang ay tumayo na ako sa kinaupuan ko at lumabas ng bus.
Napaikot ang paningin ko sa paligid, sobrang daming tao at sasakyan.
". Miss kayo ba si Catherine?" Napalingon ako sa taong nagsasalita,nakasuit pa itong si kuya. Nahiya naman ako bigla.
". Opo,sir. Sino po kayo?tanong ko dito.
". Ako po ang inutusan ni Sir na sunduin kayo." Magalang naman na sabi nito saakin.
Inabot nito ang mga gamit ko at pinasok sa loob ng magarang sasakyan.. Namangha ako sa interior ng sasakyan na dala nya, napakagara nito.. pang mayaman talaga.
". Ako po pala si Ry." Pakilala nito habang nakangiti pa.
". Catherine po." Sabi ko naman at ginantihan sya ng ngiti.. Mukhang friendly naman sya at mukhang hindi naman magkalayo ang edad namin na dalawa kaya mas maigi na rin siguro na makipag-kilala ako sa kanya total isang bahay lang din naman ang punta namin.
YOU ARE READING
Her name is Avril Catherine Emerson
RomanceIsang dalaga na wala nang ibang magawa sa buhay kundi ang sumunod sa hinahabilin ng mga magulang nya. Isang dalaga na tubong probinsya na lumuwas ng Maynila para sa lalaking ni minsan ay hindi nya pa nakita. Isang lalaki na busy sa buhay may nobya...