Sorry Baby :"(

48 1 0
                                    

Sorry Baby[One Shot]

written by daphneSalomon

--------------------------------------------------------------------------------------

"Oo na! Sinasagot na kita!"

"YESSSS! Sobra mo akong pinasaya nagyon Jen!"

**

It's been 2 weeks since ng sinagot ko si Rain, at I'm glad dahil nagwork-out ang relationsip namin.

2 months syang nanligaw sa akin, and I guess sapat na 'yun para mapatunayan nyang mahal nya ako.

At na-realize ko na din na mahal ko na siya.

**

"Jen, sabay na tayo pumasok.." sabi sa akin ni Rain nang makalabas ako ng gate ng bahay namin

"Tara!" aya ko dito at nag-lakad na, nang makalayo na kami sa bahay namin ay agad ko itong niyakap

"I miss you baby!" sabi ko dito habang yakap ko siya

"Miss na din kita.." sabi niya at niyakap din ako

Sikreto ang aming relayon. Oo, alam kong bawal itong ginagawa namin at mali, pero anong magagawa namin? Nagmamahal lang kami.

**

Lumipas ang 7 buwan at kami pa rin ni Rain, mas lalong tumatag pa ang aming relasyon. Ngayon, ngayon na ang 7th Monthsary namin kaya naman ay napagplanuhan naming mamasyal at mag-date.

Maliligo na pala ako dahil sa mag-aayos na ako para mamaya, kaya tinext ko muna si Rain para magpaalam.

To: Baby Rain :">

Hi Baby! Happy 7th monthsary! Ligo muna ako ah? Love you. :*

Nangma-send ko na ang aking text ay isinaksak ko muna ang cellphone ko sa charger, baka kasi malowbat ako mamaya eh.

Matapos nun ay naligo na ako.

**

Nang matapos kong maligo ay lumabas na ako ng CR. Nang makalabas ako ay natigilan ako sa aking nakita..

Si Mom..

Hawak ang cellphone ko at galit na nakatingin sa akin.

"Jen. Sino 'tong Rain na 'to?" mahina na sabi ni Mom, alam kong nagtitimpi ito ngayon dahil kita ko na nakakuyom ang kamay nito

"M-mom.." mangatal-ngatal kong sabi, natatakot ako kay Mom, baka kung anong gawin niya sa akin

"Jen! Sabi ko sino 'tong Rain na 'to?!!!!!" nagyo'y ay sumigaw na siya, nagulat ako sa pagsigaw nito kaya napaiyak ako

"M-mom, b-boyfirend ko po.." kinakabahan kong sabi habang umiiyak

"Bumoboyfriend ka na ngayon ha Jen?! Ganyan ka na ba?! Lumalandi ka na?! Kabata-bata mo palang nag-boboyfriend ka na?!Jusko Jen! Trese anyos ka palang! Ganyan na lang ba?! Di ang sabi ko sa'yo saka kana magboyfriend pag nakatapos ka na n pag-aaral?! Ganyan nalang ba ang susukli mo sa lahat ng paghihirap namin ng Dad mo?! Matapos ka namin pag-aralin, pakainin, alagaan, ingatan, iyan na lang ang isusukli mo ha?! Ang lumandi?! Jen, simplen hiling lang na h'wag ka muna magboyfriend, di mo sinunod?!!" sigaw ni Mom na nanginginig na at umiiyak, napahagulgol ako ng iyak dahil sa sinabi nito

"M-mom, mahal k-ko po si R-rain. Sorry po at nagboyfriend agad ako, mahal ko na po talaga siya eh.." mangiyak-ngiyak kong sabi kay Mom

Sorry Baby :"(Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon