Papunta na ako sa Airport, dahil kakatapos lang ng class namin..
"Ven-Ven!" rinig kong sigaw ng isang babae. Kaya agad naman akong napalingon sa pinanggalingan nung sumigaw.
"Oh, ikaw pala Gaile." si Gaile, ang bestfriend ko.
"Ven, paalis kana?" tanong niya.
"Oo, papunta na ako sa airport." sagot ko naman.
"Sumabay kana samin, para maka-tipid ka. Dadaan kasi kami dun." pagaanyaya niya.
"O sge Gaile! Thankyou!" sabi ko :)
Yes! Makakatipid ako ngayon! ^__^ Ako nga pala si Heaven Cruz, a college student. Dalawang buwan nalang at makaka-graduate na ako sa kursong BS in Education! Hayyy. Sa wakas. :))
"Nandito na tayo Ven!" sabi ni Gaile.
"Salamat Gaile ha, salamat po manong! Babye!" nagpaalam na ako kay Gaile tsaka dun sa driver niya. At bumaba na mula sa kotse.
--
"Oh iha, napaaga ka ata ng dating ngayon?" tanong ng amo ko.
"Opo, hehe. Isinabay po kasi ako nung bestfriend ko papunta dito, kaya nakatipid po ako." sabi ko.
Siya pala si Mrs. Lee, siya yung may-ari ng Airport na 'to. Yaman niya noh? At hindi lang yon, sobrang bait niya pa. Hindi ko nga ineexpect na siya pa ang nag-alok sakin para maging assistant niya. At magtitiwala siya sakin ng ganto.
"Buti naman, Heaven.. Pwedeng makahingi ng favor? Pleaseee!" sabi ni Mrs. Lee. Grabe ang cute niya talaga, lalo na pag naka-pout. Manang-mana sakanya ang crush ko! >///<
"Oo naman po ma'am-- este tita." sabi ko. Sabi kasi niya na tawagin ko nalang siyang tita. :)
"Salamat!" at bigla nalang niya akong niyakap. At agad ring bumitaw. "Pwede mo bang puntahan si Keziah? Sabihin mo sakanya sabay na kaming mag-dinner? Di ba alam mo naman yun, hindi kami close ng sarili kong anak. " hay, kawawa naman si tita. :/
Pero ano daw?
Gosh! >/////< Pupuntahan ko ang crush ko? At kakausapin
ko siya? O______________O Why not? :"""">
"Sure po tita. Alis na po ako" sabi ko at dumiretso na kung saan laging naroroon si crush. :>
The next day....
"Gaile, bat ganun si Keziah? Tumango lang siya tapos hindi na ako pinansin." pagkwekwento ko kay Gaile.
"Eh kasi naman Ven noh, alam mo naman na may pagka-suplado yung anak ng amo mo." sabi niya.
"But you know what?" tanong ko.
"what?" curious na tanong niya.
"Kinikilig ako! Eh kasi pagkatapos nun pinanood ko siyang magpatakbo ng eroplano. Ang galing niya!" pagmamayabang ko. haha. X)
BINABASA MO ANG
14 Paper Planes ❤ (One-Shot)
Romance14 days, 14 paper planes, 14 letters. What's with 14? :)