"We're not done talking about this thing, Ms. Blair. I'll make you pay for thinking that I'm gay!" pag-uulit nanaman niya. Hindi makamove-on, kanina pa siya ganiyan.
Nakarating na kami sa hotel na tinutuluyan ko. Nag-insist siyang ihatid ako eh, kaya ayan siya nangungulit nanaman.
Huli naming napuntahan ay ang Basco Lighthouse sa Naidi Hills at doon na namin inantay ang napakagandang sunset.
Sa Chadpidan Boulder Beach sana namin gustong panuorin ang sunset kaso hindi kaya ng oras, hindi na namin maaabutan dahil babyahe pa kami.
Kumain pa kasi kami kanina at naglibot sa mga tindahan ng souvenirs kaya bumili ulit ako at medyo na-carried away ako sa pamimili, ang cu-cute kasi.
"Oo na, oo na. Paulit-ulit. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses mo nang sinabi 'yan," pang-aasar ko naman sa kaniya habang kinukuha ko ang mga pinamili ko sa loob ng tricyle. Bumaling naman ako kay Manong.
"Manong, salamat po ah. Ito po oh," pasasalamat ko at nag-abot ulit ng pera, kaso...
"Tanggapin niyo na po ito Manong," sabi naman nitong isa at hindi ako pinansin.
"Naku! Ang laki naman po nito, sir," gulat na sabi ni Manong.
"Okay lang po, nag-enjoy naman po kami," magaling na sabi naman ni Cristoff kaya napangiti ako.
"Maraming salamat po talaga, sir, ma'am, salamat po. Sobra-sobra po ito." Naiiyak na pasasalamat ni Manong driver.
Hinimas ko naman ang likod niya.
"You're welcome po, Manong. Salamat po sa pagsama sa'min na maglibot. Nag-enjoy po kami ng sobra, lalo na po ako." Masayang sabi ko naman. Naiiyak na talaga siya, nako baka mahawa ako nito eh.
"Sige na po at gabi na, baka hinihintay kana po ng pamilya mo." Sabi ko nalang. Suminghot naman siya at pinunasan ang mukha niya na may luha niya.
"Salamat ho talaga sa inyong dalawa," pasasalamat niyang muli. Napatingin naman ako kay Cristoff.
"Walang anuman po, Manong," sabi niya naman kaya nginitian ko siya.
"Sige na po, iuwi niyo na po iyan sa pamilya niyo," sabi ko nang lumayo na ako nang konti sa kaniya at tumabi kay Cristoff.
"Sige ho, ma'am, sir. Tutuloy na ho ako, salamat pong muli at magandang gabi po sa inyong dalawa." Nakangiting saad ni Manong. Tumango nalang kami ni Cristoff sa kaniya.
Pinaandar na niya ang tricycle niya at aalis na.
"Ingat po!" Sabi ko habang kumakaway pa sa kaniya. Napabuntong-hininga naman ako dahil sa saya.
"Napaka-genuine niyang tao 'noh," sabi ko habang nakatingin sa tricycle.
"Agree ako sa'yo. Halos lahat ng tao sa lugar na ito katulad niya. Napaka-appreciative kahit sa mga maliliit na bagay lang basta't bukal sa loob mong ibinigay o ginawa." Sabi naman niya kaya napatingin ako sa kaniya nang nakangiti.
"Sa isang spoiled brat na-impressed ako na marunong kang kumilatis ng tao ha," paninimula ko sa pang-aasar sa kaniya kaya tumingin siya sa'kin at tinaasan ako ng kilay kaya natatawa na ako.
"Don't start me again, Blair. We're not done ye-" napatigil siya ng may nagsalita.
"Ms. Valencia. Do you know what time is it?" Inis na tanong ng boss kong nakatingin na sa'min habang nakapamulsa.
Agad naman akong kinabahan dahil gabi na nga ako nakabalik. Napatingin naman sa kaniya si Cristoff at ngumiti, akmang lalapitan sana siya ni Cristoff kaso biglang...
"Let's go." Utos niya sabay talikod at naglakad na, napasimangot naman si Cristoff dahil sa inasal ng magaling kong boss.
Humakbang naman ako at hinarap si Cristoff.
YOU ARE READING
Destined to happen... Or not?
RomanceDestined to happen... Or not? Ay isang kwento ng dalawang tao na may magulong love story. Oo, magulo at masakit. Maraming mga bagay na mangyayari na hindi nila malaman kung nakatadhana bang mangyari o hindi. Just because of one beautiful mistake th...