"Happy 16th birthday anak! Grabe ang laki laki mo na at ang ganda ganda mo pa. Manang mana ka sa mommy mo talaga." Napangiti ako sa sinabi ni papa
"Nako tignan mo ang papa mo nagbibiro pa. Hahaha happy birthday Georgina anak! Ewan ko ba kung bakit ayaw mong magpaparty at dinner lang ang gusto mo? 16 ka na nak, sweet 16! Haha naalala ko nung mga ganyang edad ko nakilala ko na ang papa mo nun." Lalo akong napangiti sa sinabi ni mama.
Nagcelebrate lang kami ng birthday ko sa isang simpleng dinner dito sa bahay, masarap naman magluto si mama e, kaya nga paboritong paborito namin ni papa.
Pagkatapos ng dinner at konting kwentuhan ay pumunta na ko sa kwarto ko at nahiga sa kama ko, grabe thank you Lord! Solve na solve ako sa birthday ko hihi salamat po ng marami :)
Nagising ako ng may narinig ako na kalabog sa baba, teka may magnanakaw ba? Hala.
Pumunta ko sa pinto ng kwarto ko at narinig ko na nagsisigawan si mama at papa pero hindi ko marinig ng mabuti dahil pakiramdam ko nasa sala sila.
Tiningnan ko ang wallclock ko at 2:00 am na pala umaga na hindi ko na birthday. Lumabas ako ng kwarto at nagtago sa may hagdan para makita sila mama sa sala na nagaaway.
"Walangya ka Roberto! Ang kapal ng mukha mo! Masaya naman tayo pero nagawa mo pang mang babae? Inanakan mo pa! Walangya ka! Anong nagawa namin ng anak mo para iwan mo kami ha? Ano?! Sumagot kang hayop ka!" Sabi ni mama na pinapalo sa dibdib si papa, si papa naman todo iwas.
"Cecilia mahal ko kayo ng anak mo, natukso lang ako. Patawarin mo ko hindi na to mauulit. Yung bata susustentuhan ko pero magiging masayang pamilya tayo ulit, pangako ko yan." Sabi ni papa na pilit kinakalma si mama
"Tama na Roberto, alam naman nating dalawa na ilang beses na kitang nahuling may babae! Lumayas ka! Lumayas ka sa papamahay kong hayop ka!" Sigaw ni mama na pilit pinalabas si papa.
Nang nakalabas na si papa ni-lock ni mama ang pinto at napaiyak nalang sya don. Hindi ko kinaya ang nakikita ko kaya nilapitan ko si mama
"Ma.." Niyakap nalang akong bigla ni mama
"Anak pasensya ka na kung pati ikaw naistorbo sa pagtulog." napayakap ako ng mahigpit kay mama at sinabing okay lang, at yun ang unang beses na makita ko ang nanay ko na malungkot. Nasanay kasi ako na masayahin ang nanay ko.
Kinabukasan non bumalik si papa at kinuha ang gamit nya, nakakulong lang ako sa kwarto non at hindi sya pinansin. At simula din non nasanay ako mamuhay ng walang ama. At duon namatay ang babaeng si Georgina at nabuhay na si Maxwell.
Hi there, I'm Georgina Maxwell Sy. But it'll be better if you'll call me Maxwell. Hindi ko alam kung bakit kada birthday ko naalala ko ang nakaraan ko, ang nakaraan na ayaw ko ng balikan.
I used to believe in happy endings, happily ever afters, and forever. Pero nung nangyari nung 16th birthday ko? Naghiwalay ang parents ko? Nasira ang dati kong pananaw. Ang puso kong puno ng kaligayan, kapayapaan at pagmamahal noon ay ngayon puno na ng galit at sama ng loob.
Hindi nyo naman ako masisi kung akalain kong ang mga magulang ko ang magpapatunay ng happy endings, dahil yun pala sila ang magpapatunay na wala, walang happy ending. Lahat ng bagay may katapusan. Wala ng permanente sa mundo, wala na.
Akalain nyo? Sobrang inlove sa isa't isa ang parents ko pero ano? Did they end up happy? No. Kaya stop assuming na magkakaron ng happy endings.
"Happy birthday 20th birthday anak!" Bumalik ako sa realidad nung binati ako ni Mama, tulad ng sabi ko kada birthday ko naalala ko ang masilumuot kong nakaraan. Pero nagpapasalamat ako na kahit sa kabila ng nangyari ay okay parin ang nanay ko, hindi sya tulad ng iba na papalit palit ng boyfriend, o puro sugal, o kinalimutan ang anak. Mas lalo nya kong minahal at inalagaan, sya rin ang nagturo sakin maging matapang.
"Anak, okay ka lang ba? Tulala ka?" napangiti lang ako kaya mama
"I'm fine ma, may naalala lang." napatingin naman sakin si mama ng may pagalala.
"Ang pa--"
"Yes ma, si Mr. Roberto nga po ang naalala ko." nung umalis sya at hindi na bumalik nasanay na kong tawagin syang Mr. Roberto.
"Anak nama--"
"Kumain na tayo ma." Hinatak ko na sya papuntang dining area. Kahit kaming dalawa nalang ngayon maayos naman ang buhay namin pareho, si mama pinagpatuloy ang pagpapatakbo ng kompanya at ako naman nagpatuloy sa pag momodelo. Oo isa na kong sikat na modelo sa buong mundo.
Ako nga pala ulit si Georgina Maxwell Sy, the bitch you'll never want to encounter.
BINABASA MO ANG
Beauty of Imperfection
Teen FictionMy life was so perfect but I guess tragic really comes. And it did. And everything changed. I got lost from the perfection it's like I lost my life. That I almost surrender. But then, I saw the Beauty of Imperfection. -GMS