The One That Got Away

26 2 2
                                    



Bakit ba kailangan naming mag-away ni Gabriel? Siya naman kasi eh. Bakit kailangan pa niya akong akbayan na nandito ako sa school baka mabuing ako nila mama, at paghiwalayin kami.



Nandito ako sa line. Nasa NCERIES, isa itong presentation about sa space and ang connection nito within earth and to us humans, gabi na, and ang activity ngayon is star gazing. Nandito kami sa isang malaking field, ang lamig nga eh, hindi ko kasi nadala yung jacket ko, nagmamadali kasi ako baka maabutan ako ni Gabriel, naka-labuan pa naman kami.



Hays. Ang haba ng pila. Kasi ditto sa open field may limang malalaking telescope. Tapos naka focus ito sa isang planet na visible ngayon sa oras na ito. I'm frustrated na nga dahil kay Gabriel ang haba pa ng pila.



''Guys, sunod kayo sa linya na ito para mas mabilis ang pila," sabi ng isa sa mga staff. Nakatulala naman yung iba. Dahil sa pagka-irita ko ay lumabas ako sa linya at ako ang sumunod sa linya na sinabi nung staff, ate pa eh.



"Hays. Bakit ba gaito yung buhay ko!?"frustrated kong sabi, walang paki-alam sa tao na nasa paligid ko. Bakit naman kasi ginawa yun ni Gabriel? Naka-upo ako sa sahig habang tabon ng kamay ko ang aking mukha.



"Oi, okay ka lang?" tanong nung taong nasa una ko.



"Hindi! Hindi ako okay!"bulaslas ko. Hindi ko parin inangat yung ulo ko. Hindi ko tuloy Makita kung sino yung nagsalita.



"Oi, wag kanamang magalit. Halika sabihin mo sakin para hindi naman masyadong mabigat ang dadalhin mo," sabi nita sabay tap sa balikat ko.



Lumingon ako sa nagsalita at nakita ko si Kuya Rafael, president ng Music at Science Club. Tumitig lang ako sakanya, ngumiti naman siya sakin.



Hindi ko alam na ang taong ngumingiti sa harap ko ay ang taong, magiging malaking parte ng buhay ko. Ang taong dahilan sa bawat ngiti at lungkot na nakaguhit sa mukha ko. Ang taong dahilan sa bawat ngiti at lungkot na naka guhit sa aking mukha. Kung alam ko lang, sana minahal na kita noon. Ngayon, hindi ko na magagawa yun, wala na siya. Wala na ang taong mahal ko.





The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon