Behind The Voice

54 0 0
                                    

Caller: Kuya mage...hh! Bakit ganon? hh! Baket niya ko iniwan? 8 years kuya!.. 8 years na akala ko mahal niya ko yun pala ipagpapalit niya rin ako....

DJ: Nako wag kang manghinayang, dahil kung meron mang dapat maghinayang ay nako!.Siya yon. Sabi nga sa one more chance... Kaya tayo iniiwan ng taong mahal natin ay dahil may dadating na mas okay.. Diba? At isapa baka hindi lang talaga siya yung para sayo.

Caller: Kuya mage...

DJ: Hmh?

Caller: Satingin mo ba merong tao na nag hihintay para sakin? Yung taong hindi na ko iiwanan? Yung taong mamahalin ako ng buong buo?

Dj: .....oo naman...

"Katheryn gabi na matulog ka na bukas naman yang kaadikan mo sa dj na yan!"

"Ah yes nay eto na po!"

Hay... Grabe ang galing niya talaga mag bigay ng advice! Pa john lloyd pa ayiie! Kilig! Pero sigi na nga matutulog na ko it's almost 2 am naman na...

I wonder if who's the guy behind that voice? Ano kaya itsura ni DJ mage?...

"---"

"Okay! Bye guys see you tomorrow!"

"Sige! Bye!, mage! Good night!"

"Ah! Sige. Bye!"

-Mage's point of view

Hay! Makakauwi narin.. Anong oras na ba? Shet 2 am n apala! Buti nalang walang traffic pag ganitong oras..
Pagkatapos ko sa radio station ay nag taxi na ako at uuwi na sana ako nang bigla kong masulyapan ang isang book ng mortal instruments sa national bookstore at agad akong bumaba para bilihin ito..
Mabuti nalang at pwede akong lumabas ng kahit anong oras nagusto ko dahil d tulad ng iba hindi ako pinagkakaguluhan ng mga tao dahil hindi naman nila alam ang itsura ko, at isa pa iba ang boses ko sa labas ng station.
Mababa ang tunay kong boses at ito ang ginagamit ko kapag on air ako... At kapag naman nasa labas ako ay medyo may kaliitan ang boses na gamit ko, nang sa ganon ay hindi ako makilala...
Pagkatapos kong mabili ang aklat ay umuwi na rin agad ako at nilagay ito sa tabi ng kama ko at natulog na...

"---"

" Im sorry.. Pero hindi na kita mahal.. I think we should break up.."

" Jess! Wait lang!.. Please! Don't leave me jess! I love you!"

"Ano ba mage hindi nga kita mahal eh! D mo ba ko narinig! Please just stop!"

"Pero bakit? Hh! Ano bang ginawa ko... Please tell me.."

...

"Mage! Gising na! 10 am na! Bumaba ka na at mag almusal."

"Yes ma! I coming..."

Nagising nalang akong mayluha na ang mata ko at nakita ko ang sarili ko sa salamin na parang kahapon lamang nangyari ang lahat ng iyon..

"Haaaay!"

"Mage! Ano pa ba yang hinahay-hay mo jan."

"Nothing ma!"

Sinuot ko na yung white t-shirt na nahablot ko dun sa damitan ko at bumaba na para mag alamusal...
Wala namang problema sa pag gising ko ng tanghali dahil amg time naman ng trabaho ko ay 8-2 ng gabi hangang madaling araw. Kaya 10 ang kadalasang gising ko pag umaga.

"Ooops! Kanya kanyang ligpit ng pinag kainan.."

" Sabi ko nga eh boss! Hehehe"

"Hahaha ayan! Oh! Kumusta nga pala yung trabaho mo?"

"Ah! Okay naman ma, ay! Siya nga pala! Nakita niyo ba charger ng phone ko? Di kasi ako nakapag charge kagabi kasi hindi ko mahanap.."

" Ay nilagay ko dun sa box sa taas nakakalat kasi sa kwarto mo."

TRUE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon