Mother

0 0 0
                                    

Liwanag, huni ng mga ibon,lagaslas ng tubig na nagmumula sa ilog napakatahimik na paligid kay sarap manatiling naka pikit at damhin ang hamyos ng hangin.

"Anak gising na pasok na tayo sa bahay" malambing na tawag ni Mama sakin.

Agad ko naman minulat ang aking mga at nakita ko si Mama na nakaupo saking tabi.

Nandito kasi ako ngayon sa tabing ilog malapit sa bahay nakasanayan ko ng tumambay dito tuwing pagsapit ng alas kwatro dahil hindi na ganun kainit ang sinag ng papalubog na araw.

Nakaidlip na pala ako ng kaunti kanina buti nalang ginising ako ni mama.

"May hinanda akong meryenda halikana kain na tayo" ngiting anyaya pa nito.

Tipid ang ngiting tumango ako dito saka pinagpag ang mga dumi na dumikit saking damit at short.

Ng matapos na ay sabay kaming pumasok ni Mama sa loob ng bahay inutusan pa ako nitong maupo nalang at hintayin ko siyang ihanda ang kanyang ginawang meryenda.

Gaya ng utos nito ay naupo lang ako sa sala habang pinagmamasdan siyang pumunta sa kusina.

Habang hinihintay ito ay pinikit ko muna ang aking mga mata saka huminga ng malalim.Paulit ulit ko iyong ginawa hanggang sa marinig ko ang humihikbing boses ni mama palapit sa akin.

Agad ko namang minulat ang aking mata saka tumingin dito.

"Anak" umiiyak na na saad nito.

Nginitian ko naman ito para iparating na ayos lang at ipagpatuloy na nito ang nais sabihin.

"Anak hindi ko mahawakan yung pinggan pati yung mga kaldero" saad nito habang umiiyak.

"Ma, magpahinga kana ma"malungkot na saad ko dito saka lumapit sa kanyang tabi. "Hindi mona kailangang gawin pa ang mga ito kaya kona po ang sarili ko" naiiyak ng saad ko dito.

"Hindi Zephne makinig ka sakin hindi yun totoo hmm susubukin ko ulit susubok ulit si mama teka lang" saad nito saka mabilis na muling bumalik sa kusina.

Napahagulgul nalang ako saka sinundan ito sa kusina.

Mula sa kusina ay kita ko ang paulit ulit nitong pagsubok na hawakan ang pinggan sa lalagyan ng mga ito.

"Hindi" saad nalang nito saka napaupo sa sahig tanda ng pagsuko. "Bakit ba hindi ko mahawakan ang mga iyon"

Puno ng luha ang aking pisngi na lumapit ako kay mama saka umupo din para magpanta kami nito.

"Ma pinapatawad na kita,wag mo nakong pahirapan ng ganto ma maawa ka sa sarili mo,ayaw kong makita kang ganto"nag mamakaawang saad ko dito.

Nag angat naman ito ng tingin sakin saka muling humagulgul habang sinusubukang punasan ang mga luha saking mata.

"Sorry anak sorry kung hindi ko sana kinunsinti si Zephyr noon buhay pa sana siya ngayon. Sorry kung mas pinili ko nalang na kitilin ang aking buhay kaysa isipin na may anak pakong naghihintay sa kanyang ina. Sorry anak kung naging masama si mama sayo ah, gusto ko sanang bumawi pero huli na ang lahat sorry talaga nak sorry" mahabang saad nito.

"Ma galit na galit ako noong nalaman kong alam niyo yung pinag gagawa ni Zephyr pero hindi naman porket galit ako sa inyo kailangan niyo ng kitilin ang buhay niyo.Gusto kong maglabas ng sama ng loob eh pero ma,ayaw kong makitang nahihirapan kayo ngayon,double ang sakit sakin eh. Pinapatawad naman na kita ma hindi mona kailangan pang bumawi,sa katunayan nga napatawad kona din si Zephyr,pinalaya kona din si javel kase gusto kong magaan ang loob niyo bago niyo ako iwan.Ma please magpahinga kana hmm"

"Patawad nak kung dahil sakin nahihirapan ka ngayon.Hanggang ngayon diko padin mapatawad ang sarili ko galit na galit ako sa sarili ko nak,napakapabaya kong ina"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 04, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Beyond ForeverWhere stories live. Discover now