Chapter 5

581 32 12
                                    

TODAY IS JOVIE'S 18th birthday. Unlike with her classmates, she doesn't have any party or probably even a small celebration. Ayos lang naman. Ganoon naman lagi. Hindi na siya nasasaktan ng inggit.

"Libre na, Jovie. Ano ba gusto mo?" tanong ni Ate Karen, ang may-ari ng karinderya malapit sa bahay nila.

"Hindi na, ate. Okay lang po. May pera naman po ako, " pagtanggi niya. Pare-parehas lang naman silang namromroblema sa pera. It was so kind of them.. ngunit nakakakonsensiya.

"Ano ka ba, Jovie! Para namang iba ka na dito samin. Sige na, Jov. 'Tsaka birthday mo naman ngayon, diba?"

Ngumiti siya. "Hindi na talaga, ate. Busog naman po ako. Actually, nandito po ako para sana humingi ng tulong niyo. "

Agad hinubad ni Ate Karen ang suot nitong plastic gloves at iginiya siya papunta sa bakanteng upuan.

"Bakit, Jov? Umuwi ba si Mama mo? Sinasaktan ka nanaman?" Sunod-sunod nitong tanong.

Umiling siya. "Hindi pa naman po umuuwi si Mama. Gusto ko lang po sana magpatulong na maghanap ng trabaho? Doon po sa pinasukan ni Cory. Baka may bakante pa po doon o ano?"

After all, she's already 18. She can work now. Iyon lang talaga ang hinihintay niya. She's about to enter college. Alam niyang magiging magastos iyon kahit pa makakuha man siya ng scholarship. Isa pa, may kamahalan rin ang admission fee ng ilang university na gusto sana niyang pasukan.

"Jovie, panggabi iyon. Paano ang pag-aaral mo?"

"Ayos lang po. Pwede naman po pagsabayin. "

Napabuntung-hininga si Ate Karen. "Kaya mo ba ha? Labandera si Cory roon. At sa pagkakaalam ko, naghahanap sila ng babysitter dahil parehas hanggang alas dos ng umaga ang trabaho ng amo. Nasa call center kasi ang mga iyon. "

Nanlaki ang mata niya roon. Pwedeng pwede iyon! Kahit maglaba siya at maglinis okay lang din!

"Ate, ayos na 'ko doon. Sabi naman ni Cory mababait ang mga amo niya, e. "

Ate Karen sighed. She smiled. She got in. May trabaho na siya. Mahirap nga lang. Pero ayos naman! Nang araw na iyon ay agad siyang dinala ni Karen sa trabaho. Agad din naman siyang nakapasok at nakapag-umpisa.

It was 2:30 am. Pauwi na siya. Malapit lang naman ang bahay niya at may dala naman siyang bisikleta.

Hindi na siya nagpatakot sa sunod-sunod na tahol ng mga aso. O ang mga umiilaw pang tindahan na madalas may mga nag-iinuman pa.

It was just a 5-minute ride, Jovie. Pagkatapos naman ng ilang minuto nasa bahay ka na. At matutulog na!

Wait. May summative exam pala siya kinabukasan sa chem kaya magrereview pa siya!

Patay-sindi ang streetlights sa daanan. Nag-umpisa na lang siyang magmemorize ng periodic table of elements sa utak niya. By atomic number na rin para mas lalo siyang madistract.

Pero sobrang distracted niya yata kaya't nang biglang may bumusina ay nahulog siya sa bike!

"Sorry, miss. Are you okay?"

Umangat ang tingin niya at napaawang ang labi nang makitang pamilyar sa kan'ya ang lalaki. Kaibigan 'to ni Daniel, diba? Phoenix ba?

"What's happening?"

Napatingin siya sa likuran ni Phoenix nga yata at may bumaba roon na tatlo pang lalaki. Namilog ang mata niya. Isa na roon si Daniel!

Kinalimutan ko na 'to, ah? Parang crush ko na yata ulit?

Billionaires' Diaries #3: Daniel LozalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon