Hindi Na Nga

4 0 0
                                    


"Kaycee! You're coming with me! You'll be breaking up with that boy!" Dad shouted. He looked at me. He's fuming mad!

"No Dad! Ano bang dahilan kung bakit kating-kati kayong umalis tayo ng bansang to?!?" nanlilisik na rin ang mata ko sa galit. Hawak ko ang gitara ko at nasa salas kami. Nakahilera na rin ang mga bagahe na malapit sa pinto. Binalik ko ang tingin ko kay Dad na hindi makasagot. Tumalikod na ako at aalis na sana ng hawakan niya ang braso ko.

"No! You're coming with me. Hindi ko hahayaang masira ang buhay mo dahil sa pesteng lalaking yan!! Wala siyang kwentang lalaki at wala siyang maidudulot sayo na maganda!" pagpipigil niya sa akin. Liningon ko siya.

"Wag niyo ngang pagsalitaan ng ganyan ang lalaking mahal ko! Wala kayong karapatan na maliitin siya! Hindi niyo siya kilala Dad!" pagtatanggol ko kay Dave.

"Yon na nga ih! Hindi ko siya kilala! Mahirap siya. Mababa ang estado ng buhay niya! Hindi siya bagay sa iyo! Anong ibibigay niyang buhay sayo?!? Ha?! Kaya anak, please! Come with me!" pagsusumamo ni Daddy. Humigpit ang hawak ko sa gitara. Bumuga ako ng hangin at tinanggal ang kamay niya sa braso ko at tiningnan siya ng masama.

"Hinding hindi ako sasama sa inyo. Mamuhay kayo sa America mag-isa!" hinablot ko ang bag ko at binuksan ang pinto.

"May sakit ang Mama mo Kaycee. She's been diagnosed with cancer." malumanay at may lungkot na sabi ng kanyang ama. Kaagad siyang napalingon sa gawi nito.

"What the fuck are you talking about?!? Mom's dead a long time ago! Wag niyo kong lokohin para lang mapasama niyo ko!" napantastikuhang sabi ko. Kinuha nito ang kanyang phone at may pinindot don.

"I lied to you. She's alive and kicking. Nawalan siya ng memorya sainyo simula ng maaksidente siya." iniharap niya sa akin ang telepono at video iyon ni Mom na nakangiti na naglalakad sa pathway.

"Don't take videos mi hijo." sabi ng kanyang ina at may tumakip na kamay sa video. Rinig niya ang mahinang tawa ng ina. Tumulo ang luha niya. It's her Mom. Nagulat siya ng may gustong makipag video call sa kanyang ama. Sinagot naman ito ng ama. Napahawak siya sa bibig sa gulat.

"Mr. Arriola, you need to be here as soon as possible. Your wife needs you here." sabi ng Doctor at kita niya sa likod ang inang ito na nakahiga sa kama na may nakapalsak na oxygen. Naririnig din niya ang mahinang tunog ng mga aparato don.

"Yes Doc." sabi ng kanyang Ama at pinatay ang tawag. Humarap ito sa akin.

"I know. I shouldn't have lied to you but I thought your Mom couldn't survive the crash. But miracle happened. Nasabi ko na non sa inyo na patay na ang Mommy niyo kaya hindi ko na magawang nasabi sayo. Isa pa ay nagka amnesia siya kaya--"

"I should've been by your side. I'm sorry." binitawan ko ang gitara at ibinaba sa sofa at niyakap ang ama.

"No, don't say sorry nak. It's not your fault it's mine." sabi ni Dad na inaalo ako. Umiyak lang ako at ganon din siya. Parehas kaming mahina sa mga oras na iyon. Nang kumalma kami ay kumalas kami sa yakap ay nakapagdesisyon na ako.

"I'll be going with you Dad." yon ang sabi ko. Na ikinatuwa niya.

"Ano pang hinihintay natin? Tara na." sabi niya.

"No. Wait me at the airport Dad."

"But Kaycee---"

"You need to trust me Dad. I'll be coming." tumango ito at hinalikan ang noo ko. Dinampot ko ang gitara at umalis ng bahay na iyon. Sumakay agad ako sa kotse ko. Nagtext muna ako kay Dave na pumunta sa bar na tinutugtugan ko. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at pinaandar ang kotse.

"Akala ko hindi ka na dadating Kaycee. Tara na." isa sa mga ka banda ko na si Rose. May binulong ako sa kanya at tumango naman ito. Umakyat kami ng stage at tumugtog ng 2 kanta. Maya maya ay pumalit ako kay Rose sa harap at kinuha ang mic. Nagulat ang tao. Hinalughog ng mata ko ang bar at nakita ang lalaking nagpapatibok ng puso ko ng ganito. Huminga ako ng malalim.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 27, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hindi na ngaWhere stories live. Discover now