Jaycel
Simula ng malaman ko na may trauma pala si Yumi sa ulan at sa kulog ay lagi na akong naandun sa place niya.. more on kung nasaan siya.
"Jaycel! Ano bang ginagawa mo?! Saan saan ka pa nagpupupunta at absent ka sa tatlong training natin?!" sigaw ni Jaja pagkapasok ko ng room namin. Akala ko safe na ko kasi walang tao sa sala. Meron pala akong roommate.
"Hindi ka din daw nag pasa ng plate mo sabi ng prof mo, major subject mo pa! Ano bang nangyayari sayo?!" halata sa boses at ekspresyon niya na galit siya.
We all know Jaja as a joker in the team. Siya ang bangka namin, pero grabe din kung magalit siya. She's really furious, especially when it comes to your health and studies.
Yumuko lang ako, hindi ko alam ang sasabihin ko. Totoo naman kasi. Hindi ako nakaattend ng training ng tatlong beses dahil umuulan. Hindi din ako nakapag-pasa ng plate dahil hindi na ako umabot sa deadline.
"Ano? Wala kang sasabihin? Sasabihin ko kay coach na tanggalin ka muna sa line up." seryosong sabi niya at akmang bubuksan na ang pinto ng room namin ng bigla ko siyang tinawag.
"Ja, no please, no! Hindi ko naman sinadya eh.. kailangan lang ako ni Yumi 'non. Babawi naman ako eh. Tsaka yung plate ko? Nakiusap na 'ko sa prof ko, kahit na ilang minus okay lang." pakikipag usap ko sakanya. Kailangan kong masali sa line up, hindi ako pwedeng mawala doon.
"Oo, kailangan ka ni Yumi.. Pero paano ka naman? Paano ang pag aaral mo? Paano ang passion mo? Hindi pwede sa lahat ng oras ganito nalang lagi, Jaycel." halata sa boses niya ang pagkadismaya.
Ilang araw na akong andun lagi sa place ni Yumi pero hindi niya pa masabi ang dahilan bakit siya nagkaroon ng trauma sa ulan. Hindi ko din naman pinipilit, hindi ko gustong ipilit kahit na gustong gusto ko ng malaman. Pero kaya kong mag hintay. Kaya mag hihintay ako.
"May training maya maya. Ayusin mo na ang mga gagamitin mo at mag ready ka na. Fix yourself also. Don't live because of someone. Live for yourself, Jaycel." mariing sabi niya bago lumabas ng room. Napabuntong hininga ako.
Hindi ko naman ginustong hindi makapag training, sadyang kailangan lang ako ni Yumi noon. I don't pity Yumi.. I just want to help her overcome and face her fear.
Hindi ko maiwasang magalit sa dahilan kung bakit siya na trauma dahil may mga iilang gabing nagigising nalang ako sa iyak niya. She was desperately shouting for help. Pero hindi ko naman alam kung ano ang nangyari sakanya.
I will wait.
I will wait until she's ready.
She's really precious that I want to keep her forever.
I want to take care of her.
I want to love her forever.
Naalimpungatan ako dahil sa pag vibrate ng phone ko. "H-hello?" sabi ko. Nakatulog pala ako.
[Sinabi ko naman sayong may training diba? Bat wala ka pa dito?! Galit na si coach O!] it was Jaja's voice in the other line.
Napabalikwas ako ng tayo at dali daling pumunta sa cr. "O-oo, pupunta na. Nakatulog lang. Sorry!" kinakabahang tugon ko.
Hindi na siya sumagot bagkus pinatay nalang ang tawag.
Agad akong nagbihis pagkatapos kong maligo ng mabilisan. Hindi na ako pwedeng mag tagal dahil panigurado madaming sermon ang bubungad saakin sa BEG.
YOU ARE READING
Millions of Kilometers
FanfictionJaycel, an Engineering student and the famous middle-blocker of Ateneo Lady Eagles, never expected to fall in love with Yumi, the Architecture student in UST.